(1) maging rebound

153 1 0
                                    

Malakas ang ulan sa labas ngayon. Mag-aalas 10 na ng gabi at ako nalang ang gising pa sa aming bahay.  Medyo busy ako sa pagbabasa kasi exams na namin bukas pero malapit naman akong matapos. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko para sa huling subject, may kumatok sa pinto.

“Macky!” boses babae ito at doon pa lang, alam ko na kung sino ito. Dali-dali akong pumunta sa may pintuan at binuksan ito.

“O Athena! Bakit naparito ka? Basang-basa ka pa,” tanong ko sa kanya.

Hindi ako nakareact nung bigla siyang yumakap at nagsimulang umiyak. Pinapasok ko siya sa bahay at pinahintay sa may kusina para makapagkape at magpatuyo. Binigyan ko siya ng tuwalya at damit ko.

“Anong nangyari? Bakit ka pumunta dito kahit ang lakas ng ulan?” tanong ko sa kanya habang pinapahinahon ko siya.

“Kasi…” hindi niya mapigilan ang pagsob, “wala na kami ni Vince.”

“H-ha? B-bakit?” nabigla ako sa kanya. Ang saya-saya kasi niya sa piling ni Vince. Hindi mo talaga maiisip na magkakahiwalay sila. Hindi siya sumagot at iyak lang siya ng iyak. Ikinomfort ko lang siya at pinabayaang lumabas ang kanyang nararamdaman.

Nung medyo huminahon na siya, nagsalita siya, “Macky, pwede ikaw muna ang boyfriend ko?”

~ Isang buwan ang lumipas ~

“Athena!” tawag ko sa kanya. Nag-iisa na naman ito. Hindi bagay sa mga babae ang nalulungkot.

Tumayo siya, tumakbo palapit sa akin at niyakap ako. Syempre, bilang fake boyfriend, niyakap ko siya pabalik. Dahil mas matangkad ako kaonti sa kanya, yumuko ako ng konti para maramdaman niya ang pisngi ko sa ulo niya.

“Ok ka lang?” tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at mas hinigpitan lang niya ang pagkakayakap sa akin. Timing nung pagyakap niya sa akin, dumaan ang kanyang ex na tumitingin sa amin, kasama ang mga barkada niyang nasa basketball team din.

Nagbulong-bulongan ang basketball team at sinisiko pa nila si Vince. Binalewala ko nalang sila at itinuon ang pansin kay Athena. Mukhang malungkot na naman siya pero alam kong hinay-hinay ring nagmomove-on. Mukhang grabe talaga ang sakit na idinulot ng paghihiwalay nila. At napaisip ako.

Minsan… hindi, palagi pala, tinatanong ko ang sarili ko bakit ako pa ang napili ni Athena gawing rebound. Maganda siya, matangkad, sexy, mahaba ang mga pilik mata, sobrang kinis ang balat, at labi na natural ang pagkapula. Maganda talaga siya, walang makakasabing hindi siya maganda. Bagay nga sa kanya ang pangalan niya. Athena… dyosa ng kagandahan.

Samantalang ako naman ay isang dihamak na nerd lang at wala ring maibubuga kung itsura ang pag-uusapan. At alam naman ng lahat na walang-wala ako kumpara sa kanyang ex na napakagaling sa basketball, mayaman at may itsura. Dahil doon, sikat siya sa buong campus.

Bagay silang dalawa, may itsura, mayaman at matatalino rin. Matalino naman rin ako pero bukod pa doon, wala na… ang layo ng agwat naming dalawa ni Athena. Sila pa nga ang Prom King at Queen nung third year pa lang kami. Hindi mo maiimagine na magkahiwalay sila, at hindi mo rin maiimagine na magiging kami ni Athena sa tunay na buhay, sa panaginip ko lang mangyayari yun.

Pumayag ako syempre sa usapan na ito kasi gusto ko talaga si Athena at siya lang ang tunay na kaibigan ko dito sa school. May iba naman na lumalapit sa akin pero dahil gusto lang nilang makipagpair o grupo sa akin tuwing may activities.

Sinilip ko sila at nahalata kong ibinaling ni Vince ang kanyang tanaw sa daan. ‘Isa kang gag* para saktan si Athena,’ sabi ko sa isip ko.

Nung nawala na sa paningin namin ang basketball team, tinanggal ko ang yakap ni Athena at hinawakan ang magkabilang braso niya.

“Okay ka lang?” tapos ngumiti ako sa kanya, “Bakit ka na naman nag-iisa at para bang ang dami-dami mong iniisip? May problema ka ba?”

Ngumiti din siya pabalik at tiningnan niya ako sa mata, “Wala. May narealize lang ako.” Biglang yumakap na naman siya.

* Athena’s POV *

Umiiyak pa rin ako. Kanina pa ako pinapasok ni Macky, hinandaan ng kape at pampalit sa basa kong damit pero hindi ko pa rin maiwasang umiyak.

Nung medyo huminahon na ako. Bigla kong natanong si Macky, “Pwede ikaw muna boyfriend ko?”

“H-ha?” sabi niya. Ako rin ay nagulat sa sarili kong tanong pero napakasakit ng nararamdaman ko ngayon at kailangan ko ng taong masasandalan. Yung taong maasahan kong hindi ako iiwan. Yung tao na bigyan ako ng oras at papahalagahan ako. At alam kong kaya yun ni Macky.

Hindi na ako nakapagsalita ulit at umiyak na naman. Sana naman hindi ako tatanggihan ni Macky. Wala akong alam anong gagawin kapag sasabihin niyang ayaw niya. I really feel so vulnerable.

Hindi siya sumagot. Tumayo lang siya at niyakap ako. Dahil dun, mas napaiyak ako pero alam kong secured ako sa kanyang mga braso.

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon