(5) I love you

60 3 1
                                    

Mag-iisang linggo na rin simula nung nag-“away” kami ni Athena. Sa school, sinisilip ko lang siya kasi wala rin akong lakas ng loob na kausapin siya. Paminsan-minsan, kasama niya ang kanyang dalawang kaibigan at pagkatapos nila mag-usap ay sinisipatan nila ako. Alam ko namang mali ko yung idoubt siya pero hindi rin namang ako sigurado sa nararamandaman niya sa akin. Maging rebound lang naman yung usapan namin, hindi ko akalaing magkakatotoo pala kaming dalawa.

Hindi ko na kayang patagalin pa ang aming di pagpansinan at nakokonsensya na rin ako. Kaya kaausapin ko siya pagkatapos ng klase.

Palabas na ng gate si Athena nung naabutan ko siya. “Athena!”

Lumingon siya at nung nakita niya ako ay bumalik siya sa paglalakad. “Athena!” sambit ko ulit pero ngayon ay hinawakan ko ang kanyang kamay.

“Anong kailangan mo?” medyo naiirita niyang tanong.

“M-may ibibigay lang ako sa’yo,” ibinigay ko sa kanya ang aking ginawang origami na rosas. Wala na kasi akong maisip na pang-peace offering. Sabi din kasi nila na mas maappreciate ng tao yung ibinigay kapag ikaw mismo ang gumawa. “Sorry.”

“Ano ba ‘to?” tinitigan nya ang mga origami na rosas at nagsimulang pumula ang kanyang mata. “Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ko.

Tumango lang siya kaya dumiretso na kami sa isang bench sa may gate. “Sorry na…” pagmamakaawa ko sa kanya. “Hindi ko naman sinasadyang masaktan ka. Alam mo naman na hindi masyadong mataas ang self-confidence ko lalo na sa mga bagay na ito, diba? Kaya sorry na.”

Pinunasan ko ang kanyang mga luha na unti-unting tumutulo. Huminga siya bago nagsalita, “Ikaw naman kasi, eh. Hindi mo ba nararamdaman na nahuhulog na rin ako sa iyo? Minahal kita, hindi dahil gwapo o sikat ka, minahal kita kasi ikaw lang ang nakakapangiti sa akin. Ikaw na nagpapaligaya tuwing malungkot ako. Ikaw yung bumibigay ng hope sa akin kahit wala na akong tiwala sa sarili ko. Tapos sasabihin mong ako pa ang mang-iiwan? Bakit ko naman iiwanan ang nakakapaligaya sa akin?”

“Wag ka ng umiyak,” niyakap ko siya ng mahigpit, “Sorry na, hindi na mauulit. Ayokong makita kang malungkot. Kung masaya ka sa akin, gagawin ko ang lahat na magkasama tayong dalawa palagi.”

Kumiwalas ako sa yakap at hinawakan ang kanyang mukha, “I love you.”

“I love you, too.” Unti-unting lumapit ang mukha ko sa kanya pero nakatitig parin sa kanyang magagandang mata. Hindi ko na alam kung paano nagtagpo ang aming mga labi. Hindi ako naniniwala sa mga sparks na nababasa ko sa internet pero totoo pala yun. Yung pakiramdam mong may kuryente sa likod mo na medyo nakikilabot pero masarap at magaan sa feeling. Ito ang isa sa mga pinakamasayang sandali ng aking buong buhay.

~ Pagkatapos ng 1 linggo ~

Tulad ng sinabi ko kay Athena, dinadalas ko na ang pagsama sa kanya, sa loob ng school, sa canteen, kahit na sa PE class namin, at kahit na sa pagma-mall, palagi akong nasa tabi niya. Araw-araw ko rin siyang sinusundo sa bahay nila at hinahatid naman pagkatapos ng skwela. Sobrang saya pala na magmahal ng taong alam mong mahal ka rin.

Habang tumatagal mas marami kaming nalalaman sa isa’t-isa, mas tumitibay ang aming relasyon, mas nahuhulog ako sa kanya at mas nagiging masaya kaming dalawa. Minsan natatakot akong baka sa sobrang saya, tatagal kaya ito? Pero pilit kong binabawewala ang ganyang mga ideya mula sa aking isipan. Ayokong masira ang aming relasyon sa mga bagay hindi naman nangyayari.

Friday na ngayon at sabay kaming uuwi pero susunduin ko muna siya sa org niya kasi may weekly meeting daw sila. Special ang araw na ito kasi mag-iisang buwan na naging kami, yung official talaga na “kami”.

Papunta na ako sa kanilang office kaya kinuha ko na mula sa bag ko ang aking regalo para sa kanya. Simple lang naman ito, isang necklace na may pendant kung saan inilagay ko ang picture naming dalawa.

“Magandang hapon po! Andyan po ba si Athena?” tanong ko sa kanilang org adviser na naiwan sa loob ng office. Alam ko kasing tapos na sila sa kanilang meeting.

“Umalis siya pero sabi niya babalik lang daw siya, andito pa nga ang bag niya,” sabay ngiti ni Ma’am. Pumasok kami sa loob ng office at kinuha ang bag ni Athena.

“Ako nalang po ang magdadala ng bag niya. Saan po siya pumunta?” sabi ko kay Ma’am. “Hindi ko alam eh, pero may kasabay siyang lalaki.” Sino kaya… si Vince? Hindi naman siguro.

“Sige po, hahanapin ko nalang po siya. Salamat po!” paalam ko kay Ma’am.

“Teka!” sambit niya. “May nahulog mula sa bag ni Athena.”

Kinuha ko ito, ngumiti kay Ma’am at umalis na ng office nila. Isa itong papel na may nakasulat sa loob. Wala akong balak na basahin pero dahil dalawang bag ang dala ko, nahulog ulit ito. Pagkuha ko ay bumukas ang nakatiklop na papel.

‘I really need to talk to you. Can we go to the rooftop to discuss things? –Vince’

Ito ang nakasulat sa papel. Nang mabasa ko ito, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Ano kaya ang pag-uusapan nila? Babalikan kaya ni Vince si Athena? Papayag din kaya si Athena? Kami na diba? Maasaya naman raw siya sa aking diba? Pero paano kung may nararamdaman pa rin si Athena para kay Vince?

Wala ako sa sarili ko nung pumunta ako sa rooftop. Hindi ko rin alam kung bakit ako pupunta doon. Nag-iinvade na ako ng privacy ni Athena, pero may karapatan naman siguro ako kasi boyfriend niya naman ako.

Kinakabahan ako pero pilit kong sinasabi sa sarili ko na mahal din ako ni Athena. Baka may pinag-usapan lang sila. Baka gusto lang din ni Athena ng closure. Hindi ako mapakali habang inaakyat ko ang hagdan.

Pagdating ko sa pinakataas ng rooftop, nakita ko na ang pinakakinakakatakutan kong mangyayari. Nanigas lang ako na parang isang statue nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi ako makagalaw, hindi ako magkapagsalita.

Nung nabuo na rin ang aking loob, ang nasabi ko lang ay, “Athena, bag mo.”

Tumalikod na ako at tumakbo.

“Macky!”

* Athena’s POV *

“Ano pa ba ang pag-uusapan natin, Vince?” tanong ko sa kanya. Wala na kasi kami, tapos na. Masaya na rin ako sa piling ni Macky.

Hinay-hinay na lumapit si Vince sa akin. Lumalakas ang pagdabog ng aking puso. Baka may feelings pa talaga ako sa kanya? Hindi. Hindi na pwede. Masasaktan lang ako muli.

“Tingnan mo ako sa mata at sabihin mo sa akin na wala ka ng nararamdaman para sa akin,” lumapit pa siya sa akin kaya tinulak ko siya papalayo, “ANO BA VINCE! AYOKO NA SABI! WALA NA TAYO!”

Parang hindi siya natinag sa aking pagtulak at mas lumapit pa sa akin. At bigla nalang niya akong hinalikan.

Gusto ko sanang itulak siya papalayo pero nanghina ang aking mga kamay at tuhod. Iba pa rin ang halik ni Vince, andun pa rin ang nakakapanghinang loob pero masaya rin sa pakiramdam.

Napapikit nalang ako sa paghalik niya. At doon ko naalala si Macky.

“Athena, bag mo,” boses ni Macky. Lumingon ako pero tumakbo na siya papalayo. Galit ang unang ramamdaman ko kaya nasampal ko si Vince bago ko hinabol si Macky.

“Macky!”

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon