(3) ang date

53 1 0
                                    

“Macky, dalawang order sa akin ha, nagugutom kasi ako,” nagpapacute pa siya na parang bata na humihingi ng candy. Ngumiti lang ako at tumango. Sa unang tingin mo kay Athena, akala mo na sophisticated siya na babae pero sa totoo lang, simpleng tao lang naman siya.

Nandito kami sa park kung saan nakahilera ang mga street foods. Sabi niya sa akin, ililibre ko daw siya kasi top 1 na naman daw ako sa exams. Syempre, pumayag naman ako kasi nasiyahan naman talaga ako sa exams, akala ko second lang ako.

“Macky…” sabi niya sa akin, habang kumakain kami ng kwek-kwek. Tiningnan ko siya. “Hmmm?”

“Macky, dapat turuan mo ako sa mga subjects natin,” sabi niya. Medyo nabigla ako sa sinabi niya.

“Sige… pero matalino ka naman, kailangan mo pa ba ng tutor?” tumawa ako ng kaonti. Kasi bukod sa pagiging maganda, matalino rin naman si Athena, siya nga ang first sa section niya ngayon. Classmates kami noon pero nag-eexchange ang mga estudyante kaya ibang section na siya ngayon.

“Kasi eh…” sabi niya na parang nahihiya siya sa kanyang rason. Hindi ko muna siya sinagot. “Kasi gusto ko makasama kita ng mas madalas.”

Hindi ko mapigilang mamula sa sinabi niya. Hindi rin siya tumitingin sa akin ng diretso. Totoo kaya ito? Mas gusto niya makasama ako? O baka mas madali niya kalimutan ang ex niya kapag andito ako sa tabi niya? Bahala na… basta kung yan ang gusto niya, ok lang naman sa akin.

“Okay,” ngumiti ako sa kanya. Tumingin rin siya sa akin at halatang nasiyahan sa sagot ko.

Pagkatapos naming kumain, pumunta muna kami sa gitna ng park. Sabi niya wala pa daw siya ganang umuwi at ako naman, dahil bago lang nag-exams, wala rin naman akong pag-aaralan ngayon gabi. Habang naglalakad kami, kinuha niya ang aking kamay at naglakad kami na nakaholding hands. Medyo napapadalas na nga ang paghahawak kamay namin. Medyo naa-awkward nga ako kasi bumibilis ang tibok ng puso kapag nakaholding hands kami.

Pagdating namin sa park, umupo kami sa isa sa mga benches. Medyo maraming tao ngayon kasi Sabado. Nag-usap2 lang kami tungkol sa mga bagay-bagay: sa mga paborito naming pagkain, sa mga schoolmates namin, at sa mga guro namin na hindi nagsasawang nagbibigay ng quiz. Medyo mahaba-haba na rin ang aming mga napag-usapan nang natahimik kaming dalawa ng ilang minuto.

“Alam mo, masaya ako kapag kasama kita,” sabi niya habang pinaglalaruan ang mga kamay niya.

Hindi na ako nakasagot at kinuha ko ang mga kamay niya. Inilapit ko ito sa aking ilong at hinalikan ang likod ng kamay niya. Ang bango-bango talaga nito. Pinikit ko ang aking mga mata inilagay ang kamay niya sa pisngi ko. Tama nga ako, ang lambot-lambot ng kamay niya.

Hmmmm… sabi ko sa isip ko. Naalala ko tuloy yung una naming pagkikita…

~ Two years ago ~

“May nakaupo na ba dito?” nagbabasa ako ng libro nang tinanong ako ng isang babae. Unang araw kasi ngayon ng klase at since wala pa naman kailangang pag-aralan, tatapusin ko nalang ang pagbabasa ng encyclopedia na ito.

“Wala pa,” sagot ko sa babae pero nakatingin pa rin sa aking binabasa. Naaamaze na kasi ako sa pagbabasa ng mga Laws of Quantum Physics, ayokong madisturbo sa aking pagbabasa. Umupo din siya sa tabi ko habang patuloy lang ako sa pagbabasa.

“Ano yang binabasa mo?” tanong na naman niya. Medyo naiirita na ako kasi nangungulit siya, wala ba siyang ibang makausap?

“Encyclopedia,” kalma kong sagot sa kanya. Hindi naman ako suplado pero gusto ko siyang ipalipat ng upuan. Sana sinabi ko na lang na may nakaupo na sa tabi ko. Tsk.

“Bakit ka ba nagbabasa niyan? Magqu-quiz na ba tayo? Ganito ba talaga dito sa paaralan niyo?” ratsadang tanong niya. Napuno na ako kaya hinarap ko siya.

“Pwede bang…” hindi ko na natapos ang aking sasabihin kasi nastarstruck ako sa kanya. Yung ang unang beses na nakita ko si Athena, wala pa akong nakitang babae na kasing ganda niya sa buong buhay ko. Gusto ko sanang magsalita para hindi akong magmukhang tanga na nakatitig lang sa kanya pero wala rin akong masabi.

Tumawa siya na mahina, “’Pwede bang’ ano? Haha,” nakatulala pa rin ako.

“May something ba ako sa mukha?” hinawakan niya ang kanyang magandang mukha. Hahablot na siguro siya ng salamin mula sa bag niya nung nakasalita ako.

“W-w-wala,” ibinalik ko ang tingin ko sa libro. Pinipigilan ko ang pagmumula ng aking mukha pero parang tinatraydor ako ng aking dugo.

“Hahaha, nakakatawa ka,” hinawakan niya ang aking balikat at biglang lumamig ang aking pakiramdam. Hindi rin kasi ako sanay sa mga babaeng tulad niya na lalapit at makikipag-usap sa akin.

“Ay, sorry. Ang rude ko naman. Ako nga pala si Athena,” inilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan.

Nanginginig, inabot ko rin ang aking kamay at naghandshake kami, “M-macky. Ako si Macky.”

~ Kasalukuyan ~

Hinding-hindi ko makakalimutan ang tagpong iyon. Simula nun, lagi nalang ako sumisilip sa kanya tuwing hindi siya tumitingin at papanggap na nakikinig sa teacher kapag siya’y lumingon. Hindi ko rin inexpect na magiging kaibigan kami pero napakabait talaga niya at nag-eeffort din siyang kilalanin ako. Maganda na nga sa panlabas, maganda rin ang kanyang loob…

Teka lang, ilang sandali na hindi na siya nagsasalita o gumalaw man lang. Baka na-awkward na siya sa mga pinaggagawa ko? Ang nerd ko talaga.

Hinay-hinay kong binuksan ang mata ko at sinilip siya. Tumingin lang siya pabalik at ngumiti.

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon