Naglalakad ako ngayon sa hallway pamuntang klase. Maaga talaga ako pumupunta ng school kasi ayokong malate. Ang ibang teachers ay namaminus ng grade pa naman kung late ka.
Medyo tahimik pa ang paligid kasi wala pang tao. Sabagay, 30 minutes pa naman bago magklase.
“Good morning!” nagulat ako nung binati ako ni Athena sabay yakap sa likod ko. Habang tumatagal, mas lalo siyang napapahug, or minsan ay kumakalabit sa aking braso. Kulang nalang kumabit siya sa akin tuwing magkakasama kami.
“Good morning too!” bati ko sa kanya. Ningitian ko siya at ngumiti rin siya sa akin. Ang ganda talaga niya.
Dahil maaga pa naman, hinatid ko muna siya sa kanilang room bago ako bumalik sa aming room. Bago siya pumasok, sinabihan niya ako na susunduin ko daw siya sa office ng org niya kasi may meeting sila.
~ Pagkahapon ~
Pumunta muna ako sa library kasi hindi pa naman uwian, tinapos lang ng maaga ni ma’am ang klase may faculty meeting raw.
“Tara!” sabi ko sa kanya nung natapos na ang kanilang meeting. Andito na ako sa labas ng office nila, at ang ibang kasama niya sa org ay napapatingin sa amin.
Kinuha ko yung bag niya. Syempre, kumalabit na naman si Athena at sabay na kami pauwi. Simula nung naging “kami”, hinahatid ko siya sa kanila araw-araw. That’s what boyfriends do, right? Kahit fake lang.
Matagal ko na itong gustong itanong sa kanya pero wala akong lakas ng loob. Pero dahil wala na akong topic habang naglalakad kami, tinanong ko na rin siya.
“Athena…”
“Hmmm?” lambot niyang sagot.
“May tanong ako sa’yo, umm… ok lang kung ayaw mong sagutin,” lumunok muna ako at tumingin siya sa akin na nagtataka, “Bakit ba kayo naghiwalay ni Vince?”
Tumingin siya sa kalsada at bumuntong hininga. Nararamdaman ko na parang nasasaktan siya kaya, “O-ok lang kung a-ayaw mong sagutin. S-sorry.” Medyo kinabahan ako.
Tumingin siya sa akin at, “Ok lang, matagal ko na rin gustong sabihin sa iyo…” Tumingin ulit siya sa kalsada, “Mahirap siyang maging boyfriend.”
“Bakit?” hindi ko mapigilang magtanong.
“Kasi… kasi diba, sikat siya sa school. Magaling rin siyang lumalaro ng basketball. Of course, maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya,” pilit siyang ngumiti, “kahit na inaassure niya sa akin na mahal niya talaga ako, mahirap pa rin magtrust, lalo maraming gusting umagaw. Hindi rin naman niya tinataboy ang ibang girls kasi ayaw niyang maging bastos. Friendly rin kasi siya.”
Ahhh…
Yun lang ang nasabi ko sa sarili ko. Parang ang hirap pala maging gwapo at sikat? Napatawa ako sa sarili ko. Pero bakit niya binitawan si Athena? Kung ako sa kanya, at alam na alam kong mahal ko ang kasintahan ko, hinding-hindi ko papakawalan si Athena. Unless…
“Pero mahal mo siya?” tanong ko.
“Oo, minahal ko siya syempre…” sagot niya. Tumingin rin ako sa kalsada. Minahal, o baka mahal pa rin niya si Vince? Masakit. Masakit na hanggang dito lang ako. Masakit na baka sa tuwing babalik si Vince kay Athena, iiwan rin niya ako. Tagapagsalo lang ako.
“Pero ang pinakamasakit ay…” lumingon ako kay Athena kasi akala ko tapos na siya, “nakita kong may kahalikan siya.”
Pilit ko man itago pero nagulat ako sa sabi ni Athena. Mukhang sira na talaga ang trust sa relasyon nila. Sabi nga nila, trust ang isa o ang pinaka-importante sa isang relasyon. Kung wala ito, hindi magtatagal ang relasyon.
“Pero wag na natin yan pag-usapan,” sabi niya habang hinigpit ang kapit niya sa braso ko. “Andito ka naman.”
Kahit hinahampas na sa mukha ko ng aming pag-uusap na rebound lang ako, napangiti pa rin ako sa sinabi niya.
“Andito lang talaga ako, para sa’yo Athena,” sabi ko sa kanya, “Hindi kita iiwan. Baka nga ikaw ang unang mang-iiwan sa atin eh.” Joke ko sa kanya.
Kumiwalas siya sa pagkalabit sa akin. Huminto rin kami sa paglalakad kasi nasa harap na kami ng bahay nila.
“Huh? Bakit mo naman nasabi yun?” biglang umiba ang kanyang pagsasalita.
“B-baka kasi… K-kapag bumalik si Vince sa iyo, iiwan mo na ako,” nauutal kong sagot. Gusto ko sanang hindi nalang sumagot pero baka mas magkakagulo lang.
“Wala ka bang tiwala sa akin?” namula ang kanyang mga mata, “Ikaw ang gusto kong makasam. IKAW, hindi si Vince,” galit niyang sumbat.
Hinablot niya ang bag mula sa akin at pumasok na sa bahay nila.
“A-athena!” mahinang sabi ko. Hindi na niya narinig kasi nasa loob na siya.
Bakit ko ba sinabi yun? Sana hindi nalang niya nalaman yun at ako nalang ang masasaktan sa aming dalawa, at least masaya siya. Ako nalang ang magdedeal sa mga doubts ko, kahit malaking posibilidad na magkatotoo, hindi lang siya mag-iisa. What have I done?

BINABASA MO ANG
Rebound
Teen FictionKabebreak lang ni Athena sa kanyang ex at sa sobrang sakit at pagkapoot, nakipagsundo siya sa kanyang kaibigang nerd na si Macky na maging pseudo boyfriend niya hanggang mamove-on siya. Pumayag din si Macky kasi matagal na ng crush si Athenao. Pero...