(2) mga kaibigan

58 1 0
                                    

Bzzzt… bzzzt… bzzzt…

From:

Athena: Punta ka sa canteen. Sabay tayo kain. :”)

Nagtext sa akin si Athena. Dahil nga nasa fake relationship kami, palagi nalang kami natitext-text. Ako ang isang sa mga taong hindi hilig sa mga text, chat at iba pang messaging platforms pa dyan. Pero dahil gusto rin talaga si Athena, hinayaan ko nalang na palagi kaming nagtitext at saka tunayan, parang nagugustuhan ko na rin ito.

To: Athena

Okay. :)

Papunta na ako ngayon sa canteen. Pagpasok ko, hindi ko siya nakita. Baka mas nauna akong umabot dito. Kaya umupo muna ako dito sa bakanteng upuan at table. Chineck ko ulit ang aking relo nang may biglang tumakip sa aking mga mata.

 “I miss you,” bulong niya sa akin at hindi ko maiwasang ngumiti. Sana totoo nalang itong relasyon na ito dahil hindi ko maiwasang makilig sa kanyang mga pagbati.

Marami ding ibang bagay na ginagawa niya na hindi ko maiwasang makilig at mamula. Tulad nung natulog muna siya sa aming classroom dahil noon break, imbes na nag-aaral ay para akong tanga na nakatitig lang sa kanya. Dahil armchair ang aming upuan, ang kanyang mukha ay nakaharap sa akin. Habang nakadikit pa ang mata, sinabi niya, “Alam kong tinititigan mo naman ako,” tapos ay sinisilip gamit ang isang mata. Hinawakan ko agad ang libro at kunwaring nagbabasa, at sinabing, “Hindi ah!”

Tumawa lang siya na mahinhin at bumalik sa pagna-nap. Kasali na siguro yun sa usapan na maging sweet siya sa akin kasi yan naman ang ginagawa ng magkarelasyon, diba?

“Ehem?” sabay taas kilay na pagkasabi ng isa sa dalawang babae na kasama niya, mga kaibigan yata niya?

“Ah, oo nga pala. Macky, ito si Sarah at siya naman si Lorene, mga kaibigan ko. Girls, si Macky, boyfriend ko,” ngumiti ako sa kanila at ngumiti naman sila pabalik, pero halata kong pinilit lang nila ito.

Tumingin si Lorene kay Sarah at sabay silang nagpaalam kay Athena, mag-aaral pa daw sila kasi may quiz sila ngayon hapon. Yun lang pala ang pinunta nila dito sa canteen, kasi may ipakilala daw si Athena sa kanila.

Nung nakaalis na sila, medyo nag-aalinlangan akong tanungin pero, “Bakit mo ako pinakilala sa kanila?”

Nabigla si Athena at may halong pagtataka sa kanyang mukha. “Ano ka ba? Mga kaibigan ko yun, may karapatan silang malaman kung sino boyfriend ko.”

“Baka kasi…” baka kasi masira ang imahe mo kapag nalaman ng buong school na nakikipagboyfriend ka sa isang katulad ko.

“Baka kasi ano?” tanong niya.

“Ah, wala… nevermind,” tapos pilit kong ngumiti. Bumuntong hininga siya na parang alam niya kung ano ang ibig kong sabihin. Sabagay, kung siya lang naman ang tunay kong kaibigan dito sa school, hindi rin mahirap para sa kanya para malaman kung ano ang iniisip ko.

Kinuha niya ang kamay ko at sinabing, “Tara, kain na tayo!”

Ngumiti siya sa akin at umorder na kami ng pagkain. Kahit siya lang ang kaibigan ko, medyo hindi ko parin maiintindihan ang kanyang iniisip. Oo, noon, nung crush pa lang niya si Vince at nung naging sila na, madali ko lang siyang maintindihan. Pero ngayon, mukhang hindi ko na naman magegets kung anong iniisip niya. Haaaaaay -_-

Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa mga classrooms namin at syempre, hinatid ko siya sa kanilang room. Nung umabot na kami sa room nila, biglang yumakap siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

“Thank you!” at pumasok na siya sa loob ng room nila. Ako naman ay parang baliw na ngumingiti ng abot tainga at namumula pa ang mukha. Nakatulala lang ako dito at nung napansin ko na hindi ako kumikilos ng ilang sandali, lumakad na ako pabalik ng room namin.

Habang naglalakad ako pabalik ng aking room, hindi matanggal-tanggal ang ngiti ko sa mukha ko. Pabalik-balik kong hinahaplos ang pisngi na hinalikan niya. Napakasarap ng feeling na ito, ayoko munang isipin na hindi naman talaga pangmatagalan ang ganitong relasyon namin. Gustong malunod sa ganitong feeling, ayokong mawala ang nararamdaman ko ngayon.

Nung malapit na ako sa may hagdanan, may naoverheard akong nag-uusap kaya nagtago ako sa likod ng poste.

“Yes Vince, it’s confirmed! She even introduced us to him.”

“Yeah, but I really like don’t that guy, especially for her. He’s such a loser compared to you.”

“I really doubt she really likes him as a boyfriend. Knowing her, she’s just emotionally unstable kaya siguro nasabi nyang boyfriend niya yun. Right, Sarah?”

“I agree with Lorene, I think she still loves you. There were close pero Athena would never make patol with someone like him. Ewww! So, what are going to do, Vince?”

“Leave that to me. Ako bahala. Hindi ko papayagang mapunta si Athena sa loser na yan.”

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon