Dare to Scream
written by Ian Joseph Barcelon.
(No Copyright Infringement Intended.)
IKATLONG PAHINA
SA IKALAWANG pagkakataon, namulat ang mga mata ni Jim sa panibagong lugar. Mabaho, nakasusuka, malansa ang naturang lugar. Nakatali ang kanyang mga kamay pati na ang kanyang mga paa, nakatali ito ng mahigpit sa paanan ng silya. Naririnig niya ang patak ng tubig mula sa kanyang likuran.
'Nasaan ako?' napatanong siya sa sarili. May likido na tumulo mula sa kanyang ulo papunta sa kanyang mata dahilan para humapdi ang kanyang mata at madiin niyang maipikit.
"Ahhhhhhh..."
Kinabahan siya matapos marinig ang kakaibang paghingang iyon. Nakaramdam siya ng takot. Ilang sandali lang di'y nagbukas ang ilaw sa kanyang harapan. Bumungad sa kanyang paningin ang babae-- OO! Ito ang babaeng nagbuga ng samu't-saring insekto, ang babaeng may katakot takot na hitsura! Mas malinaw ito kung ikukumpara sa kanina.
Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib lalo pa't nasilayan niya ang mala-demonyong pag ngiti nito, tila ba'y sinasabing KATAPUSAN NA NIYA.
"S-Sino ka?! Nasaan ako?!" nauutal niyang tanong sa babae.
Hindi ito sumagot. Sa halip ay naglakad ito at dinampot ang isang bagay-- MATALIM! Mas lalo pa siyang kinabahan. Mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Wala siyang ideya kung anong balak nitong gawin sa kanya kung bakit siya dinala nito rito.
"Hindi mo ako kilala? Pwes! Makikilala mo ako sa kamatayan! HAHAHAHAHA!" malademonyong sigaw ng babae saka itinutok sa kanyang leeg ang kutsilyo.
"A-Anong gagawin mo?! W-Wag! Maawa ka sakin!"
Sumilay sa ngiti ng babae ang mala-demonyong hugis ng ngiti.
"AAAAAHHHHHHHH!!"
Tumalsik ang napakalapot at pulang dugo sa sahig...At galing iyon kay Jim.
****
INABOT ni Shane ang bagay na umiilaw sa ilalim ng kama, ngunit kinailangan pa niyang pumasok sa loob para makuha iyon. Agad din siyang lumabas matapos niyang makuha ang kailangan, isang lumang camera iyon. Pinanuod niya ang malabong nagpe-play sa camera, isang video. Nakita niya ang isang babaeng umiiyak at nakahubad. Palapit ng palapit ang camera sa babae kaya't unti-unti ay nakikilala niya ang itsura nito.
PAMILYAR SA KANYA ANG BABAE.
Subalit bigla na lamang namatay ang camera, hindi niya natapos na panuorin ang video. Sinubukan niyang tanggalin at ibalik ang baterya nito ngunit hindi na ito muling nagbukas. Pinalagay niyang lowbat lang ito o out of battery kaya't kailangan na i-charge. Kinuha niya ang battery sa dala niyang camera at inilagay sa camera na hawak niya.
Makalipas ang ilang minutong paghihintay niya, binalikan niya ang camera at sinubukang i-play iyon, ngunit hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang nag-iba ang nasa video. Nakita niya ang tatlong malalaking lalaki na tuwang tuwang pinaghahampas ng kahoy ang babaeng nasa sahig, napakaraming dugo kaya't hindi na sinikmurang panuorin pa ni Shane iyon. Nakaramdam siya ng takot-- ang nakita ng mga mata niya kanina, ang lugar sa loob ng video, ang bahay kung nasaan sila ngayon ay iisa! Itinigil ni Shane ang pag-play ng video at agad iyong ibinalik sa lalagyan. Isinilid niya iyon sa bulsa.
Tumayo siya sa kinauupuan para tignan sa kabilang kwarto ang nagpapahinga niyang nobyong si Jim. Wala si Jim sa loob ng kwarto, wala na rin sa ayos ang higaan nito. Nakapagtataka naman ay bukas din ang pintuan.
'Lumabas kaya siya? Saan naman kaya siya nagpunta?' iyon ang namutawi sa isipan ni Shane.
Nilibot niya ang buong kabahayan, nagsisilbing ilaw ang cellphone niyang malapit na ring malowbat. Walang kuryente sa buong bahay at tanging tubig lang sa gripo ang mayroon.
Nakarating siya sa isang silid na nakaagaw ng pansin niya kaya't pumasok siya roon. Malansa at di kaaya-aya ang amoy sa kalooban ng silid, halos tumaob ang sikmura ni Shane sa kanyang naaamoy. Di sinasadyang nailagay niya sa isang bahagi ang ilaw ng kanyang phone, halos lumuwa ang mata niya sa nakita! Si Jim nakaupo sa isang silya at tanggal ang mga mata!
Bumagsak ang mga luha ni Shane, pigil-hinga siya sa nakikita, ang kanyang nobyong si Jim sino ang may gawa nang bagay na iyon sa kanya?
Naramdaman ni Shane ang malansang hininga sa kanyang likuran, nararamdaman niyang may tao sa likuran niya....
"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!"
Mula sa ibaba, narinig ni Kevin at Kim ang sigaw ni Shane. Kinabahan sila sa matinis na sigaw nito. Agad na nagbihis ng damit si Kim at mabilis silang lumabas ng banyo. Umakyat sila sa hagdan patungo sa itaas kung saan nila narinig ang sigaw ng kanilang kaybigan.
Itutuloy.
BINABASA MO ANG
DARE TO SCREAM (FINISHED)
Mystery / ThrillerPaano mo nga ba tatakasan ang isang nakaraang wala ka namang kinalaman? Paano ka makahahanap ng sagot kung ang kaisa-isang taong makasasagot sa'yo ay wala na? Hanggang saan ang kakayanin ng isipan mo para sariling maresolba ang mga misteryong nakapa...