LAST CHAPTER (Chapter FIVE)

498 12 30
                                    

Dare to Scream
written by Ian Joseph Barcelon.

(No Copyright Infringement Intended.)

IKALIMANG PAHINA

(Ang Rebelasyon)

Tinignang mabuti ni Shane ang bawat silid niyang nadaraanan, alam niyang mahihirapan siyang hanapin ang mga kaybigan sa laki ng bahay. Naramdaman niyang may nakasunod sa kanya pero nilakasan lamang niya ang loob at walang lingon-lingon. Pumasok siya sa isang silid at isinara ang pinto.

 

 

Umupo si Shane sa isang sulok at nagtago, hindi siya maaaring masundan ng babaeng iyon. Naramdaman niyang nasa bulsa niya ang camera, kinuha niya iyon at muling pinanuod ang video. Iba nanaman ang nag-play sa video, hindi niya maintindihan kung bakit, ngunit parang pay nag-uudyok sa kanyang panuorin iyon para mabuo ang dapat niyang malaman.

Limang mga lalaking nag-iinuman at hindi niya inaasahang makita ang kanyang nobyo roon! Si Jim, kasama sa video. Tumayo si Jim sa upuan, may yosi siyang hinihithit.

"Ako muna rito," iyon ang narinig niyang sinabi ni Jim. Nilapitan nito ang babae at pumasok sila sa kwarto. Nandilat ang mga mata ni Shane, hindi niya inaasahang makikita niya si Jim sa  loob mismo ng video.

Alam na niya ang mga susunod na mangyayari, nakaramdam siya nang magkahalong emosyon-- poot at galit na may kasamang sakit sa nobyo. Pumasok ang isang bagay sa kanyang isipan,

Kung ang babaeng nasa video at ang babaeng nagmumulto sa bahay ay iisa, hindi kaya'y pinatay niya si Jim para paghigantihan?

Nanindig ang mga balahibo ni Shane.

"Dito nalang tayo dumaan, wag na diyan guys." Bumalik sa isipan niya ang sinabing iyon ni Jim nang pumili sila ng dapat na daanan. Mukhang takot na takot si Jim sa kung anong bagay.

"Umalis na kaya tayo? Nakakatakot sa lugar na 'to." Isa pa iyon sa nagpalakas nang kutob ni Shane, sinabi rin iyon ni Jim nang matapat sila sa bahay kung nasaan sila ngayon. Una palang ay kapansin-pansin na kay Jim ang kakaibang kilos nito at mga tingin sa bahay.

'No...papatayin niya rin kami!' Tumayo si Shane sa kinauupuan. Hindi na dapat siya magsayang pa ng oras, kailangan niyang iligtas ang sarili at ang kanyang mga kaybigan. Binasag niya ang camera saka lumabas ng kwarto.

"Aaaahhh...kkkkkkk..." Napatingin siya sa kisame at nadatnan ng kanyang paningin ang babaeng nakatingin sa kanya! Halos tumalon ang kanyang puso sa katakot-takot na hitura ng babae, masama ang mga tingin nito sa kanya.

Walang anu-ano'y tumakbo siya nang napakabilis sa corridor, pababa ng hagdan. Bumagsak siya at umuntog sa sahig nang hindi niya mamalayang sira pala ang isang palapag ng hagdan.

Hirap na tumayo si Shane, sobrang sakit ng likod at balakang niya dulot ng pagkakahulog niya.

Napatingin siya sa itaas, nakita niyang muli ang babae. Nakatayo na ito ngayon at may hawak na kutsilyo. Binalot ng takot ang katawan ni Shane nang makita niya ang mga titig nito.

DARE TO SCREAM (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon