Dare to Scream
written by Ian Joseph Barcelon.
(No Copyright Infringement Intended.)
IKALAWANG PAHINA
Natigilan sa pag-aayos si Shane nang madawit sa kanyang mata ang nakabukas na kabinet. Pakiramdam niya'y isang malakas na pwersa ang nagtutulak sa kanya na lapitan iyon. Bahagya niyang binuksan ang kabinet na nasa kanang bahagi ng dingding ng lumang silid kung nasaan siya ngayon. Nakita niya sa loob ang isang notebook, isang lumang notebook. Ipinasok niya ang kamay sa loob ng kabinet para abutin ang bagay na iyon, ngunit bago pa man niya maabot iyon ng tuluyan ay bigla na lamang nandilim ang paningin niya.
Liwanag...
Usok...
Madilim...
Napatayo siya. Umiikot ang paningin niya nang iligid niya ang mga mata sa kabuuan ng kwarto kung nasaan siya ngayon.
"Tatakas ka pa ha?!"
Narinig niya ang impit na sigaw ng babae, Ang mabibigat na yabag papalapit sa kwarto kung nasaan siya. Napalunok siya sa sobrang kaba. Dali dali siyang sumuot sa ilalim ng kama at pinagkasya ang sarili niya.
"Tama na po...maawa na kayo sakin..." Narinig niya ang pagmamakaawang iyon ng babaeng umiiyak.
Pigil ang kanyang paghinga. Ang kabog ng kanyang dibdib, napakalakas.
Ipinikit na lamang niya ang mga mata at inisip na nanaginip lamang siya, na imahinasyon lamang ang tumatakbo sa isipan niya.
Ilang sandali lang di'y naglaho na nang unti-unti ang ingay, saka lamang niya pinagpasyahang buksan ang kanyang mga mata. Pawisan siya nang bumalik sa kasalukuyan, malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya.
Guni-guni lamang ba ang lahat? Iyon kaagad ang naging tanong ng isipan niya.
Lumabas siya sa ilalim ng kama at iniligid ang kanyang mga mata. Normal naman ang lahat. Tahimik ang paligid. Naisip niyang baka guni-guni niya lamang ang lahat, hinilot niya ang kanyang sentido at mariing ipikit ang mga mata.
‘Relax Shane...’ pagkokomportable niya sa sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/7994945-288-k909321.jpg)
BINABASA MO ANG
DARE TO SCREAM (FINISHED)
Misterio / SuspensoPaano mo nga ba tatakasan ang isang nakaraang wala ka namang kinalaman? Paano ka makahahanap ng sagot kung ang kaisa-isang taong makasasagot sa'yo ay wala na? Hanggang saan ang kakayanin ng isipan mo para sariling maresolba ang mga misteryong nakapa...