CHAPTER FOUR

453 10 3
                                    

Dare to Scream
written by Ian Joseph Barcelon.

(No Copyright Infringement Intended.)

IKAAPAT NA PAHINA

 

 

 

 

"Shane!? Shane?!" malakas na sigaw ni Kim habang tinatahak nila ang hagdan papunta sa ikatlong palapag. Naunang umakyat si Kevin at medyo nahuli si Kim.

"Sh*t!" Tumumba si Kim nang biglang nasira ang inapakan niyang palapag ng hagdan. Naramdaman niyang may humawak sa paa niya!

"Get off me! Kevin! Help!"

Makailang beses sinubukang bawiin ni Kim ang kanyang paa. Tinawag n'ya rin si Kevin na noo'y hindi na niya nararamdaman ang presensya.

PLAG! PLAG! PLAG!

At nabawi rin ni Kim ang kanyang paa. Kitang kita niya ang kamay na humihigit sa kanya na bigla na lamang naglaho. Dali-dali siyang tumakbo para sundan ang nobyo.

  **

 "Shane!" Napatakbo si Kevin sa kaybigang si Shane na noo'y wala sa kamalayan. Niyugyog niya ito at maka-ilang beses na ginising.

 Ilang sandali lang di'y nagbukas ang mga mata ni Shane, ngunit kakaiba ang mga mata niya sa normal! Napabalikwas si Kevin nang maaninagan niya mula sa liwanag ng buwan na tumatanglaw sa silid ang mukha at katawan ni Shane, tila ba may sumaping demonyo rito.

"Kagaya ninyo ang mamamatay ninyong kaybigan! Mamatay kayo!!!" matapos sabihin ni Shane iyon ay sinundan pa ng kakila-kilabot na halakhak. Naging kakaiba rin ang boses ni Shane, napakalayo sa normal na boses nito.

Dahan-dahang napaurong si Kevin nang makita niyang tumayo si Shane hawak hawak ang isang matalim na kutsilyo.

(thunder sounds)

Lumiwanag ang silid ng kumidlat kumulog. Nakita ni Kevin si Jim! Ilang hakbang mula sa likod ni Shane. WALA NA ITONG MGA MATA.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa kahindik-hindik na lagay ng kaybigang si Jim, at sa kutsilyong hawak ni Shane, tumutulo mula roon ang malapot at pulang dugo.

Nasa ganoong kalagayan si Kevin ng dumating si Kim. Nakita ni Kim ang nakatayong si Shane na wari niya'y wala sa sarili.

"S-Sha---"

Bago pa niya matuloy ang sasabihin ay bigla na lamang siyang hinigit ni Kevin palayo.

"Anong nangyari kay Shane?" takang tanong ni Kim.

DARE TO SCREAM (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon