Chapter 1

538 14 2
                                    

C H A P T E R  O N E

+++

JESSA

"DIBA ANG SABI KO SAYO, IPADALA MO ITO KAY DRINA?! HINDI KO SINABING IKAW ANG MAGDADALA!!"

Napapikit ako sa sobrang lakas ng sigaw ni Curtlar. Hindi ko mapigilang matakot. Galit nanaman siya sakin kasi sinuway ko nananaman ang utos niya.

Inutusan niya kasi akong ipadala sa isang tauhan niya na si Drina ang isang bagay na pinapadala niya para sa kapatid niyang si Carlisle na nasa kabilang kampo. Ngunit hindi ko nahanap si Drina kaya ako na lamang ang mismong nagdala nito. Hindi ko naman sinasadya na suwayin ang utos niya. At hindi ko naman inaasahan na gagabihin pala talaga ako.

"HINDI KA BA TALAGA MARUNONG MAKINIG SA SINASABI KO HA?!" 

Hindi ako nagsalita. Nakatungo lang ako at nakatuon ang mga mata sa baba. Nakakatakot talaga siya pag galit. Ewan ko ba kung bakit hindi pa ako nasasanay eh bata pa lang ako, siya na ang kasama ko. Nakakaloka lang dahil kahit galit siya, ang swabe pa din ng dating niya.

"NAKIKINIG KA BA SAKIN?" Hala ka! Masamang-masama na ang tingin niya sakin.

Marahan akong tumango para di na siya lalo mainis. Jusko, kailan ba babait sakin ang nilalang na 'to? Alam niya naman na lagi akong palpak sa mga ginagawa ko.

Narinig kong napabuntong-hininga siya. Isa talaga akong sakit sa ulo para sa kaniya. Madalas kong sinusuway ang mga utos niya, hindi ako masyadong nakikinig sa sinasabi niya at napakaclumsy ko din. Wala talaga akong magawang tama.

"Kumain ka na ba?" hindi tulad kanina, mahinahon na ang pananalita niya ngayon.

Marahan akong umiling "H-Hindi pa."

Muli nanamang kumunot ang noo niya na tila hindi nagustuhan ang naging sagot ko.

"Ginugutom mo ang sarili mo?!"

Galit nanaman yata siya. Ewan ko ba, paminsan hindi ko rin talaga maintindihan ang ugali niya at bigla bigla na lang nagbabago. Magagalit tapos babait tapos magagalit ulit.

"Hindi naman. K-Kararatig ko lang din k-kas--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla ninila ang braso ko dahilan para lumapat ang katawan ko sa kaniya. Niyakap niya ko.

Jusko!

Nilapit niya ang bibig sa tenga ko. "Diba ang bilin ko sayo, wag kang nagpapagutom?"

Lumunok ako at hindi nakasagot. Paano nga ba ako sasagot kung ganito kami kalapit sa isa't isa? At ang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko alam kung nararamdaman niya rin ba.

"Sumagot ka Jessa."

Bumaba ang mukha niya sa leeg ko na siyang nagbigay ng kakaibang kiliti sa buong sistena ko.

Hindi ko alam ang gagawin kaya napatango na lang ako bigla.

Ngumisi siya dahan-dahan ng lumayo sa akin.

Agad akong nagbaba ng tingin. Hindi ako makatingin sa kaniya ng maayos dahil hindi ko din alam kung papano. Sa tuwing malapit siya sakin ay hindi ako makapag-isip ng maayos at hindi ko alam kung bakit.

"Kumain ka na. At wag mo ng suwayin ang utos ko. Maliwanag ba?"

"O-Oo."

"Pagkatapos mong kumain ay dumiretso ka sa silid ko."

"S-Sige." Malamang uutusan nuya nananaman ako. At malamang papalpak nanaman ako.

"Sige na." Yun lang at tinalikuran niya na 'ko.

Unti-unting umangat ang mukha ko at pinanood siyang maglakad palayo.

Bumuga ako ng hangin at pinakalma ang sarili ko.

Para akong tumakbo ng sampung kilometro at ganito na lamang kalakas at kabilis ang pintig ng puso ko.

Pinilig ko ang ulo ko at tinapik-tapik ang pisngi ko. Marahil ay gutom lang ako.

Pumasok na lamang ako sa loob kasabay ng iba pang tagapaglingkod.

May iilan sa kanila ang binabati ako pero karamihan sa mga lalaki ay iniiwasan ako ng hindi ko alam ang dahilan. Nakakapagtaka ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang ito.

Dumiretso ako sa komedor kung saan lagi akong kumakain at pinagsisilbihan ng mga taong lobo. Tinuturing nila akong parang reyna pagka't ayon sa kanila ay ako daw ang magiging asawa ng kanilang pinuno na si Curtlar. Parang mga baliw lang. Hindi na lang din ako nagrereklamo dahil yun din ang utos ni Curtlar at maliban ron ay nasanay na rin ako sa ilang taong paninilbihan nila sakin.

Si Curtlar ay isa sa magkakapatid na makapangyarihan at malalakas na taong lobo. Lima silang magkakapatid at lahat sila ay may angking galing at kanya-kanyang pinuno ng bawat tribo. Nakakabilib lang.

Bata pa lang ako ay nandito na ako. Hindi ko alam kung paano ako napadpad dito o san ba ako nanggaling. Ni hindi ko nga alam kung ano ba ang tunay na pangalan ko. Basta ang alam ko ay kasama ko na ang pinakamakisig na nilalang rito na walang iba kundi si Curtlar. Nakakamangha dahil kung ano ang itsura niya noon ay ganoon at ganoon pa din ang itsura niya ngayon, medyo mas lumaki lang ang katawan niya. Samantalang ako, bilang isang mortal ay alam kong tatanda din ako balang araw. Hindi naman ako katulad nila na may kakaibang katangian.

Pagdating ko sa komedor ay agad akong umupo dahil nakahanda na ang pagkain ko.

Ang haba ng mesa at ang damig pagkain, pero nakakatawa dahil ako lang kakain.

Bumuntong-hininga na lang ako at nagsimulang kumain.

Sa tanang buhay ko ay isang beses ko lang yatang natatandaan na sinabayan ako ni Curtlar sa pagkain.  Yun ay nung una ko siyang nakita. Pagkatapos non ay mag-isa na lang ako laging kumakain.

Pano kaya kung--

"Mag-isa ka nanaman."

Agad akong lumingon at nakita ko si Croille. Isa siya sa mga kapatid ni Curtlar.

"Croille! Anong ginagagawa mo dito?" Masayang tanong ko sa kaniya. Tatayo sana ako pero pinigilan niya ko.

"May kailangan lang akong sabihin kay Curtlar."

"Ahh" tumango ako "Kumain ka na ba?"

"Oo."

"Ay sayang naman."

Mahina siyang tumawa at akmang hahawakan ang mukha ko nang biglang--

"Subukan mo siyang hawakan at ako mismo ang papatay sayo."

Sabay kaming napalingon ni Croille sa lalaking nakatayo malapit sa amin.

Si Curtlar!

Ni hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya.

Narinig kong tumawa si Croille at humarap sa kapatid.

"Chill brother. You're so possesive y'know?"

Napakunot noo na lang ako sa sinabi ni Croille. Minsan talaga ay hindi ko sila naiintindihan dahil kakaibang lengguwahe ang ginagamit nila. Tinitingnan ko na lang ang mga reaksyon nila at don binabase ang pinag-uusapan nila. Ni hindi ko nga alam kung nagmumurahan na ba sila.

Naglakad palapit si Curtlar "Dapat lang." Seryoso ang mukha niya pero napakatalim ng titig niya sa kanyang kapatid.

"Ikaw naman talaga ang ipinunta ko rito dahil may mahalaga akong sasabihin sayo." Nakangising sabi ni Croille

"And that is?"

"Let's talk inside."

Tumango si Curtlar at tumingin sakin. "Kumain ka na at pagkatapos ay magpahinga ka na agad."

"O-Osige."

Pagkatapos ay umalis na silang dalawa. Nagkibit-balikat na lang ako at tinuloy ang pagkain.

Nakakawalang gana talaga.

+++

A/n: sabado kasi bukas kaya nakapag update haha. Short I know. Pero kasi mahaba haba konti ang chapter 2 at 3 hoho. Till next update! :)

Ps. Matatagalan nanaman siguro ang update lol.

ALPHA 2: Gorgeous BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon