Chapter 2

411 7 2
                                    

C H A P T E R  T W O

+++

JESSA


      HINDI ko alam kung anong sumapi sakin at iniwan ko ang pagkain para sundan sina Curtlar sa silid nito. Alam kong kapag nalaman ito ni Curtlar ay magagalit nanaman siya sakin at ang mas masama, baka parusahan niya ako dahil sa pagiging pasaway. Bigla kasi ay parang nacurious ako. Ano kaya ang pag-uusapan nila at kailangang nasa pribadong lugar pa?


Alangan namang iparinig nila sayo? sabi ng kabilang utak ko. Agad akong napailing.


Pero pakiramdam ko talaga ay napakaimportante ng pag-uusapan nila dahil kinailangan pang pumunta rito ni Croille. 


Dahan-dahan akong naglakad patungo sa silid ni Curtlar. Ngunit pagdating ko ay nakasarado ito. Walang ingay na lumapit ako at tinapat ang kanang tenga sa pinto.


"You should tell her, Curtlar. She deserves to know!"


"Leave us alone, Croille. I know what I'm doing."


"C'mon! This is not her world. You know she doesn't belong here. Kailangan mo siyang ibalik!"


Kumunot ang noo ko. Ibalik? Sinong ibabalik?  Sa lahat ng narinig ko ay 'yon lang yata ang naintindihan ko.


"Shut up Croille! I told you, I know what I'm doing. You don't tell me what to do." matigas na pagkakasabi ni Curtlar


"Just be sure. If she finds out, for sure she will hate you forever. Think about it, Curtlar."


Ano daw? 


"Ay!" gulat na bulalas ko nang biglang bumukas ang pinto. Muntik pa akong mawalan ng balanse.


"Jessa!" mukhang nagulat rin si Croille na makita ako sa labas ng pinto. Halatang pinapakinggan ko ang pag-uusap nila.


Napakagat-labi ako at nakangiwing tumingin sa kaniya "C-Croille.."


"Anong ginagawa mo dito?" galit ang tinig na sabi ni Curtlar at lumapit sa akin. Salubong ang kaniyang kilay at umiigting ang kaniyang panga. Medyo napaatras ako sa kaba.


Naku, ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Lagot ako nito!


Akmang hihigitin ako ni Curtlar nang pumagitna si Croille at pigilan siya "Stop it."


Mas lalong nandilim ang anyo ni Curtlar "Get out of the way."


Pagak na tumawa si Croille at sinalubong nito ang tingin ng kapatid "And then, what? Come on, maybe she was eavesdropping but for sure she didn't understand a single word. For once, pwede bang wag kang magpadala sa init ng ulo mo?"

ALPHA 2: Gorgeous BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon