C H A P T E R F O U R
+++
JESSA
Sino ang lalaking ito?
Dalawang pares ng asul na mata ang sumalubong sa akin.
Kinuha ko agad ang bag ko sa tabi ko at tumayo. Ngunit kinailangan ko pa ring tumingala para salubungin ang tingin ng lalaking nasa harapan ko. Ang tangkad niya! Malaki din ang katawan niya.
Pinagmasdan ko ang damit niya at napansin kong ito din ang suot ng lalaking pinagkakaguluhan kanina sa fountain. Walang duda, siya nga iyon.
Ang guwapo naman..
T-Teka ano? Agad akong napailing. Tumikhim ako "Ah, sino ka? May kailangan ka ba sakin?"
Mataman siyang nakatingin sakin, sinasalubong ang aking tingin. Hindi man lang siya gumalaw o gumawa ng kahit na anong reaksiyon. Ni sagutin ako ay hindi niya ginawa. Basta lang siyang nakatingin sakin na parang anumang oras ay mawawala ako sa paningin niya.
Pasimple akong napalunok "Pinapunta ka ba dito ni M--"
"Hali ka na." aniya na nagpatigil sakin. Tumalikod na siya.
ako naman ay hindi naintindihan ang sinabi niya "Ha?"
Tumingin siyang muli sakin at ngumiti "Ang sabi ko hali ka na."
Hindi ko napigilang mapakunot-noo. Napakademanding naman ata ng isang to. "Kilala ba kita?"
Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya ngunit bigla siyang ngumisi "Wag mong sabihing, nakalimutan mo na ang sarili mong boyfriend?"
Nanlaki ang mata ko at umawang ang aking labi. T-Teka, anong sinasabi ng baliw na 'to? Boyfriend? As in kasintahan?
Wait, Paano naman ako nagkaroon non!
"B-Boyfriend?"
Grabe, di man lang ako nainform. Nakainom ba to ng hangin kaya pinagtritripan ako? Pero teka, nakangisi siya. Posible ngang hindi siya seryoso sa sinasabi niya. Tama, tama.
Tinaasan ko siya ng kilay "Naka drugs ka ba kuya? Wag mo nga akong pagtripan diyan! Hindi mo ko madadala sa paganyan-ganyan." itinaas ko ang isang kamay ko. Ngunit hindi man lang nagbago ang kaniyang ekspresyon. Kinabahan ako. Mukhang seryoso nga siya.
Pero imposible. Kailan pa ako nagkaboyfriend? Eh wala naman akong matandaan na may nanligaw sakin.
