C H A P T E R T H R E E
+++
JESSA
Hindi ko napigilang paikutin ang mata ko nang magstory-telling nanaman ang professor namin sa harap. Palakad-lakad pa siya habang sinasabayan ng galaw ng kaniyang mga kamay. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang magkuwento ng kung ano-ano gayo'y Physics naman ang tinuturo niya. Ang out of topic! Kagaya na lang ngayon, tungkol sa taong lobo naman ang topic niya. Parang nung nakaraan lang, bampira ang naging topic namin. Kaya nga lagi na lang akong natutulog sa klase niya. After niya kasing maglesson ay tatanungin niya kami ng 'any questions?', siyempre mga dakila ang mga kaklase ko kaya sasagot sila ng 'none ma'am'. Kaya ayun, story-telling mode on ang professor namin.
"Alam niyo ba sa baryo namin noon, usap-usapan ang tungkol sa mga taong-lobo. Ayon pa nga sa mga nakatatanda, sila daw ang dahilan kung bakit isa-isang nawawala ang mga kababaihan sa lugar namin. Paniwala nila ay kinukuha ito ng mga taong-lobo at inaasawa. Lalo na ang mga magagandang babae."
Bigla tuloy akong napatuwid ng upo. hindi ko alam pero bigla akong nagkainteres sa sinabi ni Ma'am Polco. Kagaya ng ibang kaklase ko ay nakatingin na din ako sa kaniya at nakikinig ng mabuti. Napasulyap siya sakin at nakita kong bahagya siyang napangiti kaya pasimple naman akong nag-iwas ng tingin.
"Ayon sa mga haka-haka at paniniwala sa lugar namin, nakatakda ang isang pinunong taong-lobo na magmahal at magpakasal sa isang totoong tao. At ang babaeng pakakasalan nito ay siyang magdadala sa magiging anak nila."
Sumubsob naman ako sa mesa ko at tinakpan ko ng braso ang gilid ng mukha ko at nagpanggap na matutulog. Pero ang totoo niyan ay nacurious na ako sa sinasabi ng Ma'am Polco. Para kasing posible ngang mangyari ang bagay sa sinasabi niya.
May naramdaman akong kumalabit sakin ngunit di ko 'to pinansin. Batid kong si Andria ito at tatanungin nanaman ako kung bakit ako natutulog sa klase.
"Noong bata pa ako, talagang nacurious ako sa mga kakaibang nilalang na nababalita samin. Bukod daw kasi sa bampira at mga manananggal ay nakakatakot din daw talaga ang mga taong-lobo. Bagama't lahat sila ay mapanlinlang dahil pare-pareho ang uri nila na nakakapagpanggap bilang tao na hindi mo man lang namamalayan. Ang sabi ng lola ko sa tuhod, sa tuwing kabilugan ng buwan, hindi pwedeng magpala-gala ang mga kababaihan sa baryo namin. Ito daw kasi ang araw kung kailan nagiging malakas ang mga taon-lobo at naghahanap ng pain. Sino man ang magkakamaling lumapit at tumingin sa mata ng mga nilalang na ito, tiyak na hindi na muling makakabalik."
"Eh paano po 'pag lalaki? Aasawahin din po ba sila ng mga taong-lobo?" tanong ng kaklase kong si Axis na ikinatawa naman ng lahat.
Natahimik naman agad ang buong klase at sinagot siya ni Ma'am Polco "Ang usap-usapan, ginagawa silang pagkain." bigla tuloy ay parang nanindig ang balahibo ko. Paano nga kaya kapag may ganitong mga nilalang?