MGFFH -5: Story Telling.

7.4K 305 17
                                        

MGFFH –5: Story Telling.

//Cifer Capulet’s Point of View//

Alam ko nang lahat. Naalala ko na ang lahat-lahat. Kung sino man ang bumulong sa akin sa mall, salamat sa kanya dahil ngayon malinaw na sa akin ang lahat.

Pumunta agad ako sa underworld para makaharap si bossing, alam kong may alam siya sa pagkawala ng mga alaaala ko. Alam kong binura niyang lahat iyon.

“Bakit niyo binura ang alaala ko?” Matigas kong tanong kay bosing na nagyoyosi sa kinauupuan niya.

Kumunot ang noo nito, “Sa tingin mo ba, gagawin mo ang pinapagawa ko sa’yo kung hindi ko binura ang mga alaala mo?”

“Hindi ko talaga gagawin ‘yun! Alam niyo kung sino si Astarotte sa buhay ko! Bakit sa lahat ng pwede kong isama rito sa underworld eh siya pa?!” Pasigaw kong tanong kay bossing. Hindi ko na ma-control ang emosyon ko. Ngayon lang ako nagalit ng ganito kay bossing.

Napangisi si bossing, “Ayaw mo ‘yun?” Sabay hithit sa yosi nito, “...makakasama mo siya rito.”

“Ayoko.” Sagot ko sa kanya.

“Ayaw mo nang i-recruit si Astarotte?” 

Nanlilisik ang mga mata ko, “Ayoko na rito.” 

Mabilis siyang tumayo mula sa kinauupuan niya, lumapit sa akin at kwinelyuhan ako, “Gagawin mo lahat ng pinapagawa ko sa’yo dahil akin ka na!” Nagsimula akong makaramdam ng matinding init na parang tumutupok sa aking katawan.

Ibinaling ko ang tingin ko sa paligid at nakita ko ang pag-apoy nito. Napasigaw ako sa sakit at sa init. Napagulong ako. Pakiramdam ko ay sinusunog ako. Hindi naman ganito dati sa underworld ah? Bakit... bakit nagbago?!

“Yan ang napapala ng mga ayaw sumunod sa akin.” Pahayag ni bossing.

Ito, ito pala ang nangyayari kapag hindi ka sumunod sa kanya, kapag sinuway mo siya. Pero ayoko na rito! Ayokong ituloy ang recruitment! Ayokong mapunta si Astarotte sa ganitong lugar, ayokong matulad siya sa buhay ko ngayon.

Akala ko, puro sarap at saya lang sa underworld pero mali ako, dahil ito pala ang tunay na underworld. 

“Sundin mo ang gusto ko Cifer, kung hindi ako mismo ang guguyod kay Astarotte dito. Alam mo kung paano ako sumundo ng tao.” Pahayag niya at ngumisi ito ng bahagya. 

Anong gagawin ko? Gusto kong makaalis dito! Gusto ko ulit mabuhay pero alam nating lahat na hindi na pwede. Patay na ako, at ang patay hindi na pwedeng mabuhay pa. 

Shit! Kung sana lang hindi ko ginawa ang bagay na iyon eh ‘di sana kasama ko pa rin si Astarotte sa lupa. Sana wala ako sa impyernong ito. 

Umalis na si bossing at huminto na rin ang apoy. Balik ulit sa dati ang underworld. Pero ang alam ko, hindi pa ito ang tunay na underworld. Ang alam ko, kaya nananatili pa ako sa kalmadong lugar dito sa underworld dahil sa recruitment operation ko. 

Pumasok na ako sa silid ko at doon sinariwa ang nakaraan...

Nung third year high school ako sa Sentinel Academy, isa ako sa mga kinakatakutan sa school. Bakit? Member kasi ako ng isang fraternity doon, at hindi lang iyon basta-basta fraternity dahil ‘yun ang pinakamalakas na frat sa lugar. 

Laban dito, laban doon. Lahat na ata ng school frat sa lugar namin eh nalabanan na namin. Mga laos nga sila eh. Pero kahit ganun ako, matino naman ako ng konti. Konti lang! Super :D

Minsan din napapasama pa ako sa Top 10 sa klase namin eh, top 1 pa nga kung hindi lang e-epal ‘yung nerd naming kaklase ‘yung ano... Gabrielle Angelo Nuñez. Ano kasi eh, magaling akong city hunter, de joke lang! Mwhahaha! Ninanakaw ko kasi ‘yung mga answer keys or ‘yung test paper sa principal’s office. Syempre magaling ako eh! Kaso ‘yung hayup na Gabrielle na ‘yun masyadong matalino! Gago ‘yun eh! Inagaw si Astarotte sa akin.

Oo, si Astarotte. Siya ang inspirasyon ko :D Shet ang lantod ko! Pero seryoso, noon ko pa talaga siya gusto. Bwisit lang talaga ‘yung Gabrielle na ‘yun at siya pa ang nakakuha kay Astarotte-my labs.

//Flashback//

Pumunta ako sa punong sinisilungan ni Astarotte habang nagbabasa ng libro. Ang gwapo-gwapo ko nga eh, kaya magtatapat na ako ng nararamdaman ko para sa kanya xD

“Jane Eyre.” Pagbasa ko run sa librong binabasa niya.

Agad niya itong ibinaba at tumingin sa akin, “Ano na naman?!” Pagalit niyang tugon sa akin.

Eh kasi, the more you, the more you love ang drama namin! Pakipot pa kasi itong si Astarotte eh alam ko namang gustong-gusto niya ako :33

“High blood ka masyado babes ah!” Tapos umupo ako sa tabi niya at inakbayan siya.

Tinanggal naman niya ‘yun, “Wag mo nga akong mababes-babes! Layuan mo nga ako! Problema mo ba?” Galit na naman siya! Kinikilig lang ‘yan!

“May gusto sana akong sabihin sa’yo…” Okay serious mode!

Tumayo siya at kinuha ang bag niya, “Sige, bilisan mo lang. Hinihintay na ako ni Gab sa canteen eh.” Psh! Gab na naman! Basagin ko bungo nun eh =___=

Tumayo ako at hinawakan ang mga kamay niya, “Ano… Star… ano…” Nauutal na ako! Pakshet! Star! Star ng buhay ko mahal kita!

“Ano ka ng ano eh! Bilis na!” Sabay tingin niya sa relo niya.

“Ano… Starmahalkita!” Tapos yumuko ako kaagad, feeling ko kasi nakakahiya eh.

Hindi siya nagsalita, hinihintay ko ‘yung sagot niya eh. Pag-angat ko ng ulo ko naka-nganga siya na animo’y hindi makapaniwala. Tinitignan niya lang ako, ano ba Star! Basted ba ‘ko sa’yo?

“S-Sorry… Si G-Gab ang m-mahal ko…” Tapos tumakbo na siya papalayo.

Ouch! Basted nga ako! At sa Gab na ‘yun pa mapupunta si Astarotte my labs? Buset! Tanginang ‘yan! 

//End of Flashback//

So ayun, pagkatapos kong umamin sa kanya eh nagtungo ako sa hideout namin. Naglasing ako run. Yung mga ka-frat ko nagyayang mag-drag racing. Agad naman akong pumayag kasi matagal ko nang hindi nasasakyan ‘yung kotse ko.

Kaya nag-drag racing kami, kalaban namin ‘yung kabilang frat sa isang school. Una akong sumabak at kalaban ko pa ‘yung leader nung frat. 

Sa hindi inaasahang pagkakataon, may pakalat-kalat na babae run sa daan at nasagasaan ‘yun nang kalaban ko at dahil sa curios ako, nilingon ko ‘yun hindi ko napansin na may paparating pa lang truck kaya ayun, nabangga ako.

Kaya ako namatay, kaya ako nandito ngayon.

All in all? Ang dapat sisihin eh si Gab! Kung hindi siya pinili ni Star eh ‘di sana buhay pa ako ngayon! Gago talaga ‘yun. 

Pero teka, saan na ba ‘yun? Bakit wala sa tabi ni Star? Psh, ‘di niya rin siguro kayang panindigan si Star. Baka ‘di niya mahal?

Haay, sabi ko na eh! Dapat ako na lang minahal ni Star.

***

“Christofer Anduez” 

Binasa ng isip ko ang pangalang nakasulat sa puntod. 

Kilala niyo ba kung sino ‘yan? 

Psh, sino pa ba eh ‘di ako. 

Iniba kasi ni bossing ‘yung pangalan ko nung binura niya ‘yung memorya ko, pilit niyang isiniksik sa utak ko na Guardian Devil ako ni Star simula pagkabata niya. 

“Cifer?” 

I turned my head and I saw my Star standing in front of me. Siguro binisita niya ang Mama niya. Bakit naman niya ako bibisitahin eh hindi niya alam na si Christofer Anduez at ako ay iisa.

Pero teka… bakit nga pala hindi niya alam na patay na ako? O___O

Isinantabi ko muna ang mga tanong sa utak ko at agad ko siyang niyakap. Miss na miss ko na si Astarotte ‘Star’. Buti na lang bumalik ang alaala ko.

“Star…” tawag ko sa kanya. Mahal kita, Star.

My Guardian is Fresh From HellMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon