Ang Kursong hindi ko Inakala [9]

12.5K 197 7
                                    

Chapter 9

 Nagtampo talaga si Kelly sa akin dahil sa aking ginawang hindi pagpasok kanina. Hindi ko namalayan na naiiyak na ako sa naghalong saya at lungkot, Saya dahil nanalo si Jasper bilang Mr.Campus ngunit lungkot rin dahil alam kong galit pa rin siya sa akin. Wala akong ginawa kundi ang magmukmok pa rin sa aking kuwarto, labis na nag-aalala na ang aking pamilya ngunit nirespeto naman nila ang aking desisyon na hayaan lang ako mag-isa at makakaya ko din ang aking problema. Hindi na rin nangulit si mama kung ano ang aking problema basta ang gusto niya lang daw ay kumain ako nang nasa oras at kinabukasan ay pumasok na ako. 

Araw nanaman ng aking pasukan, hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o mahihiya ng dahil sa ginawa ko. Pumasok na nga ako dahil ayokong mahuli sa mga lectures na tinuturo ng aking mga professor. Pagkapasok na pagkapasok ko ng aking room ay agad na tinignan ako ng aking mga kaklase, kinabahan ako dahil baka pinagsabi ni Jasper ang ginawa ko sa kanya.  Pumasok ako ng aking room at naupo sa isang sulok, Wala akong mukhang ihaharap ng araw na iyon wala akong malapitan, hindi ko matanong ang mga kaklase ko dahil nahihiya ako. Nang tinignan ko ang mukha ni Jasper ay tuwang tuwa ito at parang proud na proud. Sabagay dapat lang siyang maging proud dahil siya naman talaga ang nagpanalo sa sarili niya at wala nang iba. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkasalubong ang aming mga tingin, iniwas ko agad ito ngunit ang nakita ko sa mata ni Jasper ay parang galit at nagtitimpi lang. Natapos ang mga masasakit na tingin sa akin ni jasper nang pumasok na ang aming propersor, nagulat ako dahil hindi naman lumiliban ang aking bespren na si Kelly.  Nagtext agad ako kay kelly, dahil sa isang saglit lang ay maguumpisa nang magturo ang aming propesor. 

"Kelly galit ka ba sa akin Sorry na please! Sige ok lang na magalit ka sa akin pero pumasok ka na kahit malate ka parang awa mo na kelly." ang pagmamakaawa kong text kay kelly 

Nagsimula na ngang magturo ang aming propesor, puro discussion, lectures ang aming ginawa nang araw na iyon, pero may pahabol pa ang aming propesor magpapartner partner kami para sa gagawin naming proyekto sa kanyang subject, Inilabas ng aming propesor ang fish bowl at may mga nakalagay na papel sa loob ng nito, mga pangalan namin ang nakalagay sa mga papel, inisa isang bunutin ng aming propesor ang aming mga pangalan 

Kinakabahan ako hindi dahil sa project na pinapagawa kinakabahan ako kung sino ang magiging kapartner ko. 

Nagtawag na ng nagtawag ang aming propesor ng pangalan, unti unting naubos ang mga papel na may pangalan, kinakabahan ako dahil hanggang ngayon ay hindi padin natatawag ang aking pangalan, hanggang sa dalawang pangalan nalang ang natira. Ang pangalan ko at ang pangalan ni "Jasper" 

"Ayieeeeeeeeh" sigawan ng aking mga classmate. 

Wala akong kaalam alam kung bakit ganoon ang inasta ng aming mga kaklase. 

Hindi ko alam kung sinasadya ba ito ng tadhana, pero kung sinadya nga ito ay napaswerto ko dahil magkakaroon ako ng time para makahingi ng patawag o marinig man lang ang aking panig kung bakit ko nagawa iyon. 

Nang malaman na namin ang aming mga partners ay agad itong nagusap usap ngunit kami ni jasper ay hindi man lang nagkikibuan.    

"Ok tama na to! Grades namin ang nakasalalay dito." sigaw ng utak ko. 

"Jasper okau kung wala tayong kibuan ay okay lang sa akin, sana ay magawa natin ang ating project." ang lakas loob kong sinabi kay jasper. 

Ngunit nagmukha akong tanga sa hindi niya pagpansin sa akin, parang hindi man lang niya ako nakikita parang multo lang ako na nagpaparamdam.  Natapos ang aming unang subject at kailangan na naming magtungo sa susunod na subject. Tumayo nalang ako at agad na lumabas ng klase, tinungo ko ang susunod kong klase ng biglang may nagtext sa akin. 

Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon