Ang Kursong hindi ko Inakala [21]

9.3K 126 10
                                    

Chapter 21


Saktong alas-ocho kami nakarating sa kanyang apartment at naglabas agad siya ng inumin. 

"Isang bote lang ang akin Kristan, may pasok pa ako kinabukasan." pumayag naman siya at kami'y nagsimula ng mag-inuman. 

"Teka naalala ko lang Kristan, ano pala ibig sabihing ng Gintong Paro-paro? Hindi mo kasi nasabi noong nakaraan?" ang pagtatanong ko. 

"Ay ung dumapo sayo? Ang ibig sabihin ng gintong paro paro ay Nagmamahal ka ng tunay pero pinagtataksilan ka ng taong minamahal mo, at isa pa ung mga taong nagmamahal naman sayo ayon naman ang hindi mo nabibigyang pansin o nasusuklian man lang ang pagmamahal nila." ang pagsagot ni Kristan. 

Medyo kinabahan at nagsitaasan naman ang aking balahibo sa aking nadinig. Para kasing tumugma ang sinabi ni Kristan sa akin. 

"Oh? Anong nangyari sayo? Ba't bigla kang natulala dyan?" si Kristan na nagtataka sa ikinilos ko. 

"Ah...Eh... Wala! Biglang sumama lang ang pakiramdam ko..." ang pagdadahilan ko. "Mauna na ako Kristan, sa susunod nalang siguro tayo mag-inuman." 

"Ha? Eh? Diba? Kararating mo lang?" ang pagtataka ni Kristan. 

"Ah...Oo kaso bigla talagang sumama ang pakiramdam ko eh..." ang tugon ko. 

"Ah...Ok!" ang maikling tugon ni Kristan. 

Agad akong lumabas ng kanyang apartment at naghanap ng masasakyan. Nang makasakay na ako ay hindi ako mapakali, parang may kirot sa aking puso ng madinig ko ang kahulugan ng gintong paro-paro. "Paul! Kalma ka lang, pamahiin lang iyon at hindi ka dapat maniwala, Walang masamang mangyayri sayo at makakahanap ka pa ng taong mamahalin mo..." sa isip isip ko. 

Alas-nuebe ng gabi na ako nakarating sa aming bahay at nagtaka naman si mama kung bakit ang bilis ko daw umuwi, ang naisagot ko nalang ay dahil sumama ang pakiramdam ko. Nagpaalam ako kay mama na magpapahinga na at agad naman akong pumunta sa aking kwarto. 

"Ano ka ba Paul! Mukha kang tanga! Nakakahiya kay Kristan! Pupunta punta ka tapos uuwi ka din pala! Uhhhrrg! Shit. Tapos na kayo ni JL! Wala na, moved on na Paul!" sa isip isip ko. 

May pasok pa kinabukasan ngunit hindi pa din ako makatulog ng dahil sa letcheng paro-paro na yan. Alas dose na pero ito pa din ako tulala at parang sasabog ang utak sa kakaisip." ang patuloy na pag-iisip ko. 

Habang nakahiga ako sa aking kama at nagmumuni muni ay may natanggap akong text mula kay JL. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan at parang nagbalik lahat ng masasayang ala ala namin ni JL. 

Nanginginig ang aking kamay ng kunin ko ang aking mobile at hindi ko inaasahan ang nabasa ko sa text ni JL. 

"Mr.Paul Perez right? I'm Dr.Alvez, na-aksidente ang iyong kaibigan na si John Louie at malubha ito, kinakailangan nya ng magbabantay at mag-aalaga. Ikaw ang sinabing pamilya ni JL kaya't ikaw ang aming kinontak. Sana'y makapunta ka dito sa St.Marie Hospital, sa Quezon City branch. Iyon lamang po at salamat." 

Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon