Ang Kursong hindi ko Inakala [33]

8.1K 106 7
                                    

Chapter 33

Nang matapos na siyang kumanta ay unti unti siyang naglakad. At kung hindi ako nagkakamali ay naglalakad siya sa direksyon kung nasaan ako. Bawat hakbang niya ay kakaibang emosyon ang aking naramdaman. Saya, Lungkot, Galit at Panghihinayang ang aking naramdaman ng mga oras na iyon.

 Hindi ko nga alam kung bakit ako nakaramdam ng saya nang makita ko siya. Basta bigla nalang akong napangiti na biglang binawi ng galit dahil muli kong naalala ang lahat ng kanyang ginawa.

"Kumusta ka Paul?" tanong nito sa akin ngunit nanatili akong tahimik.

"Gusto ko lang sanang sabihin na hindi ko gustong saktan ka dahil mah--" hindi na nagawang tapusin ni JL ang kanyang sasabihin dahil nagsalita agad ako.

"Hindi mo na kailangan magpaliwanag JL. Wala ka nang dapat ipaliwanag pa." wika ko.

"P-p-pero... M-m-mali... Ang iniisip mo... Please Paul hayaan mo naman akong magpaliwanag." saad nito sabay hawak sa aking kamay na tila nagmamakaawa.

"Ano ba pare! Diba sinabi na nga niyang wala ka nang dapat ipaliwanag pa!" saad ni Jasper.

"Bakit sino ka ba niya? Diba ikaw lang naman yung dahilan kung bakit naging magulo yung buhay namin? Ikaw lang naman itong nakikisalo? Dahil isa kang ahas! At kahit kaylan hinding hindi magiging masaya sayo si Paul dahil ako ang mahal niya. At ikaw isa ka lang namang KABET!!! MANG-AAGAW!!!" Bulyaw ni JL kay Jasper.

Biglang napikon si Jasper sa mga sinabi ni JL kaya agad niya itong pinaulanan ng suntok. Ngunit hindi nagpatinag si JL na agad na gumawi ng suntok. Di hamak na mas malaki ang katawan ni JL kumpara kay Jasper ngunit nagawang patumbahin ni Jasper si JL. Tatayo na sana si JL upang makabawi ng biglang sumingit si Paul at inawat ang dalawa.

"TAMA NAAAA!!!" sigaw ko na agad na nagpatigil sa kanilang pagsusuntukan.

"Gago kasi yang ex mo eh! Nasiraan na yata ng kukote." wika ni Jasper sabay turo kay JL.

"Sinabi ng tama na eh. Nakakahiya na! Nakikita niyo ba yung mga tao sa paligid niyo! Pinagtitinginan na tayo! Kaya kung ayaw niyong magpaawat na dalawa, bahala kayo sa buhay niyo!" sigaw ko sa kanilang dalawa sabay lakad paalis ng bar.

                                                                                                           

Kalalabas ko palang ng Bar ay biglang nagsilabasan din ang dalawa. Tila bumubuntot sa akin. Patuloy pa din ako sa paglalakad at tinungo ko ang direksyon pauwi. Habang naglalakad ako ay ramdam ko silang dalawa na nasa likod ko at sinusundan ako. Lumingon ako at hinarap ko silang dalawa.

"Ano? Tapos na kayong magsapakan?" mataray na tanong ko sa kanilang dalawa.

"A-ah E-eh... Gusto ko lang sanang magpaliwanag Paul..." saad ni JL.

"Diba sinabi ko namang wala ka nang dapat ipagpaliwanag pa? Okay na ang lahat. Naka move-on na ako. May pamilya ka na. Maayos na ang buhay natin kaya please lang tama na JL. Wag mo na akong guluhin pa. Please..." mahinahon na pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Ganon ba? Masaya ka na? Masaya ka na dahil may nagmamahal na sayo? Tama ba?" wika ni JL. Sa pananalita ni JL ay halata sa kanya ang labis na pagkalungkot at panghihinayang.

 Hindi ako nakasagot sa kanyang tanong dahil hindi ko alam ang kasagutan. Ayokong mag assume na tama ang aking nararamdaman. At isa pa ay ayokong masaktan ang damdamin ni JL. Ewan ko pero parang may parte pa din siya sa aking puso. May maliit na bahagi nito na nagsasabing mahal ko pa siya. Na kaya ko pa ngunit sa pagkakataong ito hindi na ako magpapaka tanga pa. Ayoko ng maulit pa ang dinanas kong sakit mula sa kanya. Alam ko sa sarili kong nakapag move-on na ako sa kanya. Pero bakit ngayon na muli ko siyang nakita ay bumalik lahat ng masasaya naming ala ala. Haisst! Napaka irony talaga!

Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon