CHAPTER 13

772 36 0
                                    

Calix Pov
Si tanda, umiyak rin.At ano daw?!Pinatay niya ang Papa niya para sa kapakanan ng lahat ng tao?Kung ako siya, magagawa ko kaya iyon?Ang pumatay ng sariling kadugo?

"Matutulog muna ako guys" pagpa paalam ko sa kanila

"Kumain ka muna Lix bago matulog" sabi ni Rain

"Wag na, mas prefer ko pang matulog.May klase pa naman tayo mamaya" walang ganang sabi ko

"Kahit na, tignan mo sila Ken at Mike.Naging matatag pa rin sila sa kabila ng nalaman nila" sabi ni Dencel kaya napatingin ako kina Mike at Ken.Si Mike nagluluto at si Ken naman nagbabasa ng libro.Sorry kung hindi lang ako nagtanong, hindi niyo sana malaman yun.

"Inaantok lang talaga ako guys" sabi ko at tuluyan ng umalis.Sa totoo niyan, gusto kong mapag-isa at umiyak

*sob* Ma?Miss na kita.Gusto kitang makita Ma *sob*.Huhuhu...miss na miss ko na ang Mama ko.Totoo ba yung lahat na sinabi nila?Pinatay mo ba talaga ang Aunt mo?Possible kayang maging masama ako at kayo pa ang papatay sa akin?Sign na ba yung panaginip ko na malapit na akong mamatay?Hindi ako takot na mamatay pero takot ako na maging malungkot ang taong naiiwan ko!Kaya nga ayaw kong maniwala sa Love eh!Para hindi ako magmahal at hindi masaktan ang taong maiiwan ko

.

"Ma!Please magpakita ka sa akin.Ang rami kong tanong na gusto ko itanong.At isa pa, miss na kita Ma.Sana okay ka lang ngayon.Bakit ba kasi hinarang mo pa ang maganda mong mukha?Pwede namang saluhin mo lang ang kamay ng ChakaDoll na yun eh!Hindi ko na alam ang gagawin ko" *sob* Shit!Para tuloy akong tanga na kinakausap ang hangin.Alam kong pag malungkot ako o kausapin ko ang hangin ay kusang pupunta ito patungo kay Mama pero....hindi pa rin siya dumating

"Oh, bakit malungkot na naman ang Princess ko?"

"Ma? *sob* Dumating ka!Akala ko hindi ka na dadating.Huhuhu"

"Shhh...nandito lang ako anak.Hindi kita iiwan kaya tahan na.Nasasaktan ako na makita kang ganito" Yes!Mabuti nalang dumating si Mama.

"Okay kana ba Ma?Wala na ba ang poison?Dinala ka ba sa hospital?Hindi na ba masakit?" Wow ha!Concern talaga ako sa Mama ko.Ang dami kong gusto itanong pero bakit hindi ko magawa?

"Dahan-dahan lang anak.Mahina ang kalaban.Ok as you can see okay na ako at maganda pa rin" sabi niya sabay kindat sa akin

"Hahahaha"

"By the way anak.Alam na ba ninyo kung ano ang ibig sabihin kung bakit Eclipse ang name ng grupo niyo"

"Oo sabi ni Tanda dahil daw sa pagkaiba namin pero nagkaisa parin sa kabila ng pagsubok" proud na sabi ko.Totoo naman yun eh, naging kaibigan ko na kaya ang limang vampirang yun

"Tama ka anak.Pero ito ang tandaan mo ang salitang comrade at friends ay hindi salita lamang kundi dito sa puso galing yun.Ang pagsasakripisyo para sa kaibigan, ang pagmamahal sa kaibigan.Ang comrade ay may salitang Pride, Loyalty at Courage" wow!Daig pa ni Mama si tanda.Para na kasing guro si Mama ngayon.At ang lesson 'About Comrade' Hahaha

"At sinabi na ba niya ang lahat?Tungkol sa amin?Ng mga Papa at Mama niyo?" Itoh na!Itanong ko ba sa kanya ang gusto kong itanong?Aish!Nakakainis naman oh!

The Crystal Academy:The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon