Chapter 22

600 27 0
                                    

Jenny Pov

"What the hell?" nakita ko lang naman po si Lix at si Ian na magka holding hands. Dito pa sa amusement park. Sabi kasi ni Headmaster, ipapasundo daw silang dalawa sa amin

"Uhmm hi?" Tsk. So may secret relationship sila

"Pinapasundo kayo ni headmaster pero mukhang nag date kayo kaya mauna na kami. Tara na Jenny" sabi ni Rain at hinila na ako. Hala! Nagselos na siya

"Look! I didn't mean to make it a secret" ang dali niya namang nakaharang sa harapan namin

"Kung ganon. Bakit sinekreto mo parin?" tanong ni Mike

"Takot akong iwasan niyo. Ayaw ko kayong mawala sa tabi ko kaya sinekreto ko na muna" sabi niya. Tsk. Mukha namang maniwala kami

"Sa bagay, tama ka Calix. Iiwasan ka talaga namin. At alam mo ang dahilan kung bakit" naiintindihan ko rin sila. Simula noon, pinaramdam nila kay Lix ang naramdaman nila pero hindi ito pinapansin ni Lix. At ngayon ilang buwan pa lang niya nakilala si Ian pero naging nobyo na niya ito

"Kaya nga eh! Alam ko na kung ano ang tatakbo sa isip niyo. At hindi ko magugustuhan yun" kahit na mangiyak-ngiyak na siya ay iniwan pa rin namin siya doon. Tutal nandoon naman ang boyfriend niya eh! At nandoon rin si Dencel. Alam niyo, may gusto ako kay Dencel pero may gusto rin siya kay Calix. Ano kaya ang meron kay Calix? Bakit ang daming nagkagusto sa kanya? At pati nadin kay Aunt Trixie, nalaman ko ring marami ang nagkagusto sa kanya. Ano ba ang meron sa mag-inang yon?

"Okay lang kayo?" anong klaseng tanong yun? Syempre hindi sila okay. Ako nga rin eh, nakita ko lang nasaktan si Dencel. Nasaktan rin ako

"Sa tingin mo Jenny?"

"Sorry" yumuko nalang ako. Hindi maganda ang timpla ng utak nila. Kailangan na muna nilang magpa-cool down

"Pero alam niyo... mas mabuting si Ian ang nagustuhan niya" sabi ko ng nakayuko parin

"Bakit naman?"

"Dahil kung isa sa inyong tatlo ang magiging boyfriend niya. Baka mag-away pa kayo at ang labing pitong taong pagsasama natin ay mabaliwala nalang" tama naman eh. Baka kung isa sa kanilang tatlo ay magugustuhan ni Lix ay magkahiwalay kaming lahat at yun ang hindi pwedeng mangyari

"Hindi siguro" ngumiti nalang ako ng mapait ng mapicture-out ko ang pangyayaring yun. Sana nga...

"Hindi nga ba? Gaano ka sigurado?" at alam ko rin napag si Ian naman ang pipiliin ni Lix ay iiwasan siya nila

"Alis muna ako" iniwan na nila ako. Ako nalang mag-isa ang nakatayo dito sa gitna. Marami akong nakikita na mga masasaya na tao at umiiyak na mga bata. Ganyan na ganyan rin nung mga bata pa kami. Sana tatlong araw lang magtatampo ang dalawa. Lalo't lalo na malapit na ang birthday ni Lix

"Jen? Ikaw rin ba, galit sa akin?" lumingon ako sa likod ko at nakita kong nakatayo si Lix. Ang mukha ni Lix na kahit ilang minuto ay iiyak na. Pero kung sasama ako sa kaniya, sino na ang magpapagaan ng loob nina Rain. Si Lix ay may Ian na samantalang yung iba ay kaibigan lang ang meron, at ang kaibigan yun ay ako

"Hindi naman masyado Lix pero kailangan ako nina Rain kaya mauna na ako" sabi ko at tumalikod na. Pero natigilan ako ng may naramdaman akong nakayakap sa akin galing sa likod

"Sorry. Sana patawarin niyo ako. Umibig lang naman ako ah. Masama ba yun? Pero sige na, kailangan ka nila" I'm sorry. I'm sorry Lix. Pero napatawad na kita

Dencel Pov

Gusto kong protektahan si Lix. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil kaibigan ko siya? Pero bakit nung nakita kong nagka holding hands sila ni Ian, bigla nalang kumirot ang dibdib ko. Bakit? May gusto naba ako sa kanya? Kung meron man, hindi ko pwedeng ipag-laban ang pagmamahal ko dahil hindi madaling kalaban ang mga Blood Family

"Oh Dencel. Bakit mag-isa ka? Nasaan ang iba?" nandito pala si Jenny. Isa pa ito sa prino-problema ko, pag nakita ko siya bigla nalang akong sasaya. Magkatulad ang nararamdaman ko pag nakita ko silang dalawa ni Lix. Nakaramdam ako ng saya?

"Naghihiwalay muna kami. Eh ikaw? Bakit mag-isa ka?" this time ako naman ang nagtaka kung nasaan ang kasama niya

"Same?" Hahah magkatulad lang naman pala kami

"May tanong pala ako Jenny" gusto kong tanungin kung bakit ang ganda mo?

"Bakit nga pala nagalit sina Rain sa kanya?" tanong ko. Nalaman lang nila na may secret relationship ang dalawa, nagalit na sila. Anong problema nila?

"Ah, yun ba? Wag mo nalang silang intindihin, nagselos lang yun" selos? So may gusto rin sila kay Lix?

"Alam mo, alam kung nasaktan karin" ano daw? Alam niyang nasaktan rin ako

"Nalaman ko dahil yung expression mo kanina, katulad din ng expression nina Rain" okay? So totoong may gusto ako kay Lix?

"Tsk. Kung totoong may gusto rin ako kay Lix pwes hindi lang siya ang gusto ko" pagkasabi ko non. Nakita kong nalungkot siya

"Sino naman ang isang yun?"

"Bakit ka nalungkot?" mapang-asar kong tanong sa kanya

"Hindi ako malungkot noh!" wow! Defensive! Hahah

"Ang babaeng yun ay ikaw" hahah ang cute-cute niya pag nashock

"Wag mo nga akong binibiro jan Dencel!" sigaw niya sabay hampas sa akin. Ouch! Ang sakit non ah!

"Hindi ako nagbibiro Jenny. Kung nakikita ko si Lix, nakaramdam ako ng saya. At kung nakikita rin kita, nakaramdam din ako ng saya. Hindi ko alam kung sino talaga ang pinaka gusto ko sa inyo" oha! Natigil din siya

"Eh ikaw Jenny? May gusto karin ba sa akin?"

"Oo. Gus-to rin ki-ta" tsk. Kung hindi man ako ang mamahalin ni Lix. At least may nagkagusto sa akin. Si Jenny

"Mauna na ako Dencel! Sige bye!" hindi na niya hinintay ang sasabihin ko at kumaripas na siya sa takbo. Aba! Nahiya siguro. Ikaw ba naman, mag confess ka sa isang lalaki. Hindi kaba mahihiya? Okay lang pag ang lalaki ang mag confess dahil natural yun pero kung babae kahihiyan yun

Naglakad-lakad lang ako ng makita ko si Jenny na nakaupo sa isang upuan at nakatitig kung saan. Sinundan ko kung sino ang tinitigan niya, only to see the two couples dating. Bakit nasasaktan parin ako? Gusto ko rin naman si Jenny ah!

"Hi" bati ko at umupo sa tabi niya. Nang bigla niya akong hinarap sa mukha niya

"Wag kang lilingon sa likod mo. Masasaktan ka lang" eh siya? Hindi ba? Na malaman niyang nasasaktan ako dahil may kasama ang babaeng gusto ko. Nalilito na ako. Kakanta nalang kaya ako ng ♪Pusong lito♪ ?

"Nakita ko na sila" malungkot kong sabi

"Okay ka lang? Gusto mo tulungan kita?" Eh? Tulungan sa saan?

"Saan?" takang tanong ko

"Make me your boyfriend and I'll help you to forget her" tsk. Hindi nalang sabihin na gusto niya akong maging boyfriend

"Okay. Deal"











A/N: sa chapter na ito. Sa kanila ang love story diba? Sa susunod naman. Kay Rain, hulaan niyo. Sino ang magiging girlfriend niya?

Thanks for reading guys. I hope you like this. Thank you for reading guys. Love you mwahhh
-Princess_Quennie-

The Crystal Academy:The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon