CHAPTER 17

621 29 0
                                    

Calix Pov

I am in love with the freaking vampire Ian

"Lix, may tubig ka ba?" Nawala ang iniisip ko nang bigla akong kinalabit ni Jenny

"Guys, pahinga muna tayo. Pagod na ako" sabi ni Sophia na parang any minute lang ay mahihimatay na siya. Pero bago pa siya bumagsak, sinalo na siya ni Ian! Sinasadya niya bang ipakita sa akin ang ganitong pangyayari? Para paselosin ako? Dahil alam niyang gusto ko siya? Ugh! Nakakabweset talaga ang vampirang yan! Naku kung hindi lang makasalanan ang pumatay, kanina ko pa siya pinatay!

"Oh ano na Lix? May tubig ka ba?" tanong uli ni Jenny na parang nahihirapan na ding huminga

"Maupo na muna tayong lahat. Mukhang nahihirapan na kayo" nakaka pagtaka naman. Bakit sila nahihirapan samantalang ako, kering-keri pa?! Tsk! Ang hina pala nila!

"Bakit kayo nahihirapan? Lalo na kayo vampires. Hindi naman kayo madaling mapagod ah" sabi ko sa kanila habang binigyan silang lahat ng isang boteng may tubig at isang biscuits

"Nakalimutan kong sabihin. Ang lugar pala na itoh ay gawa ng isang demonyo. Ang may dugong demonyo lang ang hindi mahihirapang huminga samantalang ang ibang Immortal creature ay mahihirapan or worse, ikamatay nila" nahihirapang sabi ni Dark which makes me shout

"Bakit ngayon mo lang sinabi?! Paano kung mamatay kayong lahat?! *sob* Wala na akong mga kaibigan pag nagkataon! Walang hiya ka Dark! Ikaw rin wag kang mamatay! Tinuring na din kitang kaibigan kaya kung mamatay ka susundan kita sa impyerno at papatayin uli!" sigaw ko from the bottom of my lungs pero tinawanan lang nila ako

"Hahahaha"

"Hahah impyerno talaga ang bagsak ko? Sa anghel  na mukha na toh?" Aba! Marunong rin palang mangarap ang isang ito pero totoo naman na pogi siya

"Excuse me asan ang anghel na mukha? Bakit may pakpak ka ba? Asan?" tanong ko at sinuri-suri pa talaga siya na parang hinanap ko talaga ang pakpak

"Hahah ang sama talaga ng ugali mo. Nakaka hurt kana ng feelings" sabi ni Dark with hawak sa dibdib effect pa siya. Aba! Naging spoiled na ang vampirang toh! Porket kaibigan niya ako, inaasar na niya ako?!

"Aba! Ibigay niyo na nga lang ang pagkain at inomin ko!" sigaw ko at hahablutin na sana ang kanilang pagkain ng harangan nila ang mukha ko at sabay sabing

"Wala ng bawian!" Eh ano pake ko?! Pwede ko itong mabawi dahil akin ang pagkain na iyan!

"Tumayo na kayo jan! Ang layo pa ng lalakarin natin! Wag kayong mag as if na mahina! At wala na kayong makukuha na pagkain sa akin. Kung magugutom kayo pwes kumain kayo ng bato para mabusog kayo at uminom kahmp hmp" naputol ang sasabihin ko nang linagyan nila ng pagkain ang bibig ko pagkatapos kong linunok ang pagkain, sumigaw na naman ako

"Aba! Bakit kayo nangsusubo ng bigla-bigla, paano kung nabilaukan ako at mamatay sa madilim na lugar na itoh?! Sayang ang lang ang  ganda ko at baka tu-tumbling na ang lungs ko. Pasalamat kayo nag dala ako ng 3 flashlight, pagkain at inomin kung hindi baka kanina pa kayo nakahilata jan! Mga walang utang na loob" sigaw ko ulit sa kanila

"Pfft. Ang ingay mo talaga"

"Basta tumayo na kayo jan at magsimula na tayong maglakad!" nakaka bad trip ang mga taong itoh. Wala pa naman ako sa mood

"Pfft. Kahit na sumisigaw ka at least hindi ka na cold" eh? Pinag tripan ba ako ng mga nilalang na itoh?

Tsk. Hindi ko na lang sila pinansin at nauna ng maglakad leaving them. Wala ako sa mood ngayon at pinag tripan pa talaga nila ako. Napapansin ko nga na palagi nalang nila akong tinatawan tuwing magsasalita ako. Ano ako? Clown nila? Aba! Swerte nila, ang ganda ng gagawin nilang clown. Bakit hindi nalang nila tawagin si Doll at gawing Clown? Tutal bagay naman sa kanya yun dahil ang kapal ng makeup

The Crystal Academy:The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon