Rina's POV
Nag-iimpake na ako ng iilang mga damit dahil magbabakasyon kami sa Baganga. Naeexcite na ako. Ang tagal na din nung huli kong punta roon. Bukas pa ng madaling araw ang alis namin. Walong oras ang byahe doon.
"Tapos ka na bang mag-impake?" tanong ni papa.
"Yes. Pa." sagot ko.
"Oh sya, sige magsitulog na kayo maaga pa tayo bukas." Mama.
Nagbyabyahe na kami patungong Baganga, Davao Oriental. I'm just wearing a simple yellow off shoulder and shorts. Bitbit ko rin sa aking likod ang aking maliit na back pack. I also brought my Fujifilm X-A2, it's a graduation gift from my parents.
Huminto muna kami sa isang carenderia para mag-agahan. Matapos ang agahan. Bumalik na kami sa pagbybyahe. May limang oras pa kami bago makarating don. Hihinto kami sa Sleeping Dinosaur Island. Ilang beses na akong nakadaan dun. But that place never gets old.
Andito na kami sa Sleeping Dinosaur Island, at ayun panay na ang kuha namin ng mga litrato. Panay rin ang kuha ko.
"Ate Rina, give me your phone. Pipicture-ran kita." sabi ng kaibigan kong mas bata sa akin ng tatlong taon.
"Diyan ka pumwesto ate para kita yung sleeping dinosaur sa likod mo." sabay punta ko naman dun sa tinuro nya.
"1, 2, 3 smile!" sabi nya.
"Ang ganda ng view kasi gandang mo Ate." bola nya pa sa akin.
"Hahaha. Nangbola ka pa Norie. Salamat. Oh, Ikaw naman picture-ran ko." Pinicture-ran nya rin ako sa gitna ng kalsada, wala namang mga sasakyang dumaan kaya okay lang. Syempre ginamit ko ding pangpicture yun fujifilm ko. Hehe.
Matapos ang picture-ran session, bumalik na ulit kami sa pagbybyahe. Habang nasa byahe, panay naman yung tawanan namin dahil sa mga stolen pictures.
"Si Ate Rina kahit stolen maganda pa rin." sabi naman nung kapatid ni Norie. Actually, marami talaga kami sa sasakyan ngayon. Kasama kasi namin yung family friend namin and yung mga pinsan ko and kapatid nila mama.
"Wag mo akong bolahin Shane. Wala akong piso. Haha!" sambit ko.
"Hindi naman talaga ate e." Panay pa rin ang tukso nila sa akin.
"Baka may boyfriend ka na Ate ha. Yiiiee." sabi naman ng pinsan ko.
"Boyfriend? Haha. Wala akong oras para diyan." sagot ko sa kanila.
"Pero may nagbalak naman diba?" tanong ni Norie.
"May nagbalak pero wala akong balak. Haha. Tama na nga yan! Bat ako tinatanong nyo. Baka ikaw diyan Norie may boyfriend na." tukso ko sa kanya.
"Wala ate. Baka si Kyra meron." Si Kyra pinsan ko pero bata pa sya. Sampung taon palang siya.
"Ay oo nga! Baka si Kyra meron." sabi naman ng kapatid ko.
"Oo meron! Si Daniel Padilla boyfriend ko hihi." sabi nya habang kinikilig.
"Inagaw mo pa boyfriend ko." sabi ko naman sa kanya.
Sa sobrang saya namin habang nasa byahe, di namin namalayan na malapit na pala kaming makarating. Ilang minuto nalang. Naeexcite na ako. Two weeks ata kaming magststay dun. Lilibutin namin mga sikat na lugar. Yay!
BINABASA MO ANG
Summer Pag-ibig
Teen FictionIt all started in an ordinary vacation. Hindi nila inaakalang sa simpleng bakasyon na yun ay mararanasan nila ang tamis ng pag-ibig. Subaybayan ninyo ang kwento nila Rina at Kash.