Chapter 5

27 1 0
                                    

Kash's POV

Andito kami ngayon kina Tay Isko. May pakain sila dahil nga dumating sina Tita Grace. Habang ako ay kumakain hindi ko maiwasang hindi sulyapan si Rina na nakaupo lang sa may gilid at nagcecellphone. Kumain na kaya sya? Simula kasi nung nakarating kami dito, cellphone lang inatupag nya. Pupuntahan ko na sana sya kaso bigla syang tinawag ng kaibigan nyang si Norie. May tinanong ata si Norie at nagkibit balikat lang si Rina. Pagkaalis ni Norie, umalis na rin sya. Pumasok na sila sa loob ng bahay.

"Kuya, dalian mo na daw kumain dyan." Danica

"Teka lang naman, ano."

"Hmm. Bagal bagal."

"Bat ba? Ano ba kailangan mo?"

"Kasi ano....."

"Ano, Nica?"

"PWEDEKABANGKUMANTAPLEASE?!"

"Huh?!" Nagulat ako sa sinabi nya. Baliw tong babaeng to.

"Hindi mo narinig? Ang sabi ko PWE-------"

"Narinig ko di ako bingi. Ang akin lang, bat naman ako kakanta?" putol ko sa kanyang sasabihin.

"Kasi......ano.....kasi gusto ko lang tsaka miss ko na boses mo kuya. Sige na please?" nagpuppy eyes pa sya. Kingina, kadiri. di bagay. Loko lang.

"Ayoko nga. Kung gusto mo ikaw nalang kumanta dyan." Iniwan ko na sya. Papunta akong kusina para ilagay ang pinagkainan ko nang makasalubong ko si Rina.

"Uy, ano, okay ka na ba? Kumain ka na ba? Di kita nakitang kumain kanina." tanong ko sa kanya.

"Huh? Ano ah, oo, okay na ako. And kumain na ako sa loob." ngumiti pa sya sa akin.

"Ah, ganun ba? Oh sige." iniwan ko na sya at nagpatuloy na sa aking paroroonan. Ang lalim. LOL.

Pagbalik ko sa bakuran ng bahay ni Tay Isko kung saan ginanap ang salo-salo, nakita ko si Rina kasama si Norie & friends na nasa karaokehan. Pinapanood nila si Kyra na kumakanta.

"Ate Rina, ikaw naman kumanta." alok ni Kyra.

"Anong ako? Ayoko. Si Norie nalang. Sige na. GO NORIE!" At panay ang cheer kay Norie.

Hindi naman umayaw si Norie at kumanta nalang din sya para bang no choice naman din kasi sya.

"Sa hindi inaasahan pagtatagpo ng mga mundo.........."

Napatingin ako kay Rina na panay ang cheer kay Norie. Nung una akala ko talaga maarte sya, pero akala lang pala yun. Napakasimple nyang babae.  Hindi pa nag-iisang araw ang pagkilala ko sa kanya pero alam ko ng mabuti syang tao. And halata mo talaga sa kanya na may pinag-aralan syang tao.  

"Ba't di pa sabihin, ang hindi mo maamin. Ipauubaya na lang ba to sa hangin....."

Tumatawa sya ngayon kasama sila Kyra. Ang lakas ng tawa nya pero ang sarap pakinggan. Ang ganda nya talaga. Ang swerte ng boyfriend neto. 

"Bro, ba't di mo ako binalikan? Sabi mo babalik ka sa bb court after kumain?" putol ni John sa pagmomoment ko.

"Sinadya ko talagang di ka balikan."

"At bakit naman?"

"May kasalanan ka." Ngayon ko pa lang sasabihin sa kanya ang nangyari kay Rina dahil sa kakulitan nya.

"Oh, anong kasalanan ko? Wag mo kong niloloko. Nagpapalusot ka lang e kasi di mo ko kayang talunin."

"Hah! Yun ang akala mo."

Summer Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon