Chapter 4

21 0 0
                                    


Natigil ako sa pag-alala nung nangyari kanina ng may nagsalita sa likod ko.

"Ang ganda dito noh?" sabi ng isang pamilyar na boses.

Nang nilingon ko sya parang gusto ko ng ibaon ang sarili ko sa lupa. Muntik nang magdikit ang mga labi namin kasi di ko naman ineexpect na sobrang lapit nya pala sa akin. Buti nalang umatras siya agad.

"Ay sorry. Nabigla ata kita." Kash.

"De okay lang."

"Ang ganda dito noh? Kasing ganda....." Hindi nya tinuloy yung sasabihin nya kaya hinayaan ko nalang.

"Hmm? Oo maganda dito. Ang fresh ng hangin."

"Taga dito ka ba?" Tanong nya kaya napalingon ako sa kanya.

"Nope. Taga Davao ako. Vacation lang kami dito."

"Oh I see, parehas pala tayo."

"Ay talaga?"

"Oo. Hanggang kailan kayo dito?" Sasagot na sana ako sa tanong nya kaso may biglang sumingit.

"Bro!" Tawag nung lalaking kasama nya kanina. May binulong sya kay Kash.

"Sige Rina! Balik muna kami doon." paalam ni Kash sa akin. Akmang susuntukin sya nung lalaki pero nakailag sya.

"Selfish mo naman bro." Sabi nung lalaki kay Kash pero hindi na sya pinansin ni Kash.

"Di ko talaga ineexpect na dito din ang punta nyo, Grace." Nag-uusap sila Mama at Tita Stella.

"Kami nga rin di namin ineexpect na andito pala kayo. Haha." Mama

Nag-uusap pa rin sila kaya pumunta muna kami sa may dagat. Picture doon, picture dito. 

"Ate Rina, dito ka pumwesto. Dali, akin na camera mo Ate." Norie

"Oh sige." 

Habang nagpipicture-ran kami napatingin ako kay Kash andun lang sya sa likod ng Tito nya ata kasama yung lalaki

"Rina! Karl! Hali nga muna kayo." Tawag ni Mama sa amin pero si Karl lang muna ang lumapit.

"Ate Rina! Tawag ka uy!" Sigaw nya sa akin habang tumatakbo dito.

Naglalakad na kami patungo kina Mama. Nang sinulyapan ko si Kash nakita kong may binulong yung lalaki tapos bigla syang siniko ni Kash. Ang brutal naman neto. 

"Bakit Ma?" Tanong ko kay Mama nang makarating na kami.

"Ipapakilala ko kayo sa mga anak ni Tita Stella mo." Mama

"Danica, this is my panganay Rina. And Karl my bunso." pakilala ni Mama sa amin.

"Hi Ate Rina, you're so pretty like me. Hihi. Hi Karl, I think kaage lang tayo." Bati ni Danica sa akin. She's pretty and so kikay. 

"Hi Danica. Yea, ang ganda mo." bati ko naman sa kanya habang nakangiti.

"I know Ate. Magkakasundo talaga tayo. Haha." 

"Hi Danica. Oo ka-age lang ata tayo e." Nahihiyang sabi ng kapatid ko. Haha. Shy type si koya. 

"Teka, san na ba panganay mo? Si Kash?" tanong ni Mama kay Tita Stella.

Summer Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon