Chapter 7

15 0 3
                                    

Rina's POV

"Rina! May bisita!" Sigaw ni Mama. 7 am pa lang may bisita na? Ang aga naman yata.

"Sino po ba yun?" tanong ko kay mama pagkalabas ng kwarto sakto namang paakyat na rin si Kash. "Oh, anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka kasi balak kong maglibot dito."

"Huh? Ah, ganun ba? Ah, sige magbibihis muna ako wait lang." Pumasok na ako sa kwarto at nagmadaling magbihis. Shet! Ngayon ko lang narealize na hindi pa pala ako nakahilamos. My ghad. Ang baho kaya ng bibig ko kanina? Oh my god. Kahihiyan 101. Nagmadali na akong maligo at bihis. Simpleng shorts at crop top lang suot ko, total pasyal lang naman daw gagawin namin.

Bumaba na ako. At nakita ko na nasa hapagkainan si Kash kasama pamilya ko at iba pang kamag-anak.

"Nak, kain muna kayo bago umalis." Umupo na ako sa tabi ni Kash dahil yun nalang ang bakanteng upuan.

"Tagal mo magbihis ate."

"Nagpaganda pa kasi sya, ano ba kayo."

"Tumigil ka nga Kyra." Tinawanan lang ako. Tumawa din sila Norie.

"Saan ba kayo mamamasyal, Kash?" tanong ni Papa sa katabi ko.

"Kahit saan ho. Ah, baka pupunta kami ng parke at bayan."

"Ah, sige. Maraming pwedeng gawin sa parke ngayon kasi malapit na fiesta." Sabi naman ni Lolo.

"Oo nga po e."

"Ah, basta mag ingat kayo. Tsaka iuwi mo si Rina ng safe." Bilin ni Papa.

"Opo. Safe po tong prinsesa nyo pag ako ang kasama."

Nasamid naman ako sa sinabi nya. "Okay ka lang?"

"Huh? Oo naman. Tapos na ako. Alis na tayo?"

"May naeexcite." Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Kyra.

"Uhm, Tita, mauna na po kami."

"Sige. Ingat kayo."

"Bye po."

"BYYEEE ATE RINAA!" Sigaw nila Kyra, Shane, at Norie. Tapos tumawa pa sila nang nakakaasar. HAY NAKO.

Lumabas na kami ng bahay dahil naiinis na talaga ako sa mga pinsan ko. Nakakahiya kay Kash.

"Pasensya ka na sa kanila, ah?"

"Okay lang. Ang saya nga nilang kasama." Tumawa pa sya. Punyeta, ang gwapo mo po. :(

"So, sila nalang isasama mo?" Oh, shit. Why I sounded like....

Ngumisi sya. "Syempre, hindi muna. Ikaw muna isasama ko."

"Oh?" Wala na. Natameme ako.

Naglakad-lakad lang kami ng biglang may tumawag kay Kash. "Kuyaaa Kaaash!"

"Oh, Pia? Bakit?" Bigla naman akong nairita. I hate myself.

"Saan punta nyo?" Sumabay na rin sya sa  paglalakad sa amin.

"Mamamasyal lang."

"Ah ganun ba? If kailangan nyo ng tour guide, I'm always free."

"Ah hindi na Pia. Salamat nalang." Ako na sumagot sa kanya.

"Ano, kuya? Need nyo ba?" What the. Hindi nya ko pinansin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon