Ara's POV
After kong kumanta, nagstart na magligpit yung iba. Yung mga matitino pa of course, kasi yung iba sabog na. Lalo na yung boys. HAHAHA! Pinapagalitan na nga ni Aly si Kiefer eh. Yari to bukas, Si Mika naman inasikaso si Jeron, Jeron has a thing for Mika, inamin niya sakin. I like them to be together, kampante ako na magiging good boyfreind si Jeron sa bestfriend ko if ever.
The rest, magsisiakyatan na. I decided to go to the shores muna, papahangin lang, medyo bumigat yung loob ko kaninang kumakanta ako eh. Naupo lang ako dito sa buhanginan. I can smell the salty air coming from the ocean, yung lamig ng dagat na dumadampi sa mga talampakan ko. Masarap, ang sarap sa pakiramdam. Nakakahinga ako.
Nag-isip isip ako, nagflash back kasi sakin lahat kanina. How I begged for her to love me back. For her to tell me what did I do wrong. Especially her letter na hanggang ngayon iniingatan ko.
~~~
Dear Galang,
I just want you to know na I stared in this blank sheet of paper for about an hour na. I really don't know what to say. Nahihiya ako sayo, nahihiya ako sa mga ginagawa ko sayo after all what you have done for me. I just want to tell you na walang mali sayo. You did nothing wrong sa relationship natin as bestfriends. Lahat ng love na pinakita mo sakin naramdaman ko and hindi ka naman nagkamali nung sinabi mo na you felt my love not just the love as bestfriends. Kasi I really loved you and I will continue loving you. Please forgive me for not accepting your love sa dahilan na hindi ko alam. I need to figure it out myself pa siguro without you by my side. Lalayo muna ko, i just really need to get out. I'll be flying sa states next week, hindi na rin muna siguro ako magpapakita sayo pagkatapos nitong gabing to. Goodbye and I love you Ara, from the bottom of my heart, I love you.
Ps: Please hold on...
LAZARO
~~~
HAHAHAHA! Natatawa nlng ako sa isip isip ko, pinunit ko pa kasi yung letter na yun pero tinape ko din after kong punitin. (Secret nlng muna kung bakit at kelan ko pinunit. You'll find out sa incoming chapters haha)
Going back to reality, uuwi na kami bukas, I mean mamaya ng Manila since it's 2:30am na and by tomorrow its friday na. I'm scared, paano ko maitatago kay Den yung mga gagawin ko sa friday. Naloloka na ko kakaisip. Bakit kasi hanggang ngayon hindi ko na yun matanggal sa sistema ko. Makakalbo na ko kakasabunot sa buhok ko. Just chill Ara, you have Mika and your Kuya LA is there. Everything's gonna be fine.
You'll be fine.
-----
FAST FORWARD TO FRIDAY
Denden's POV
I woke up around 8 in the morning. Pag gising ko walana si LA sa tabi ko, I remember may meeting pala sila ng team niya today since sa Sunday na yung alis niya papuntang Japan. Nag iwan naman siya na note.
Good morning baby,
Have a good day today, I'll be home around 7pm siguro.
Remember that today's gonna be fine :)
Ang weird lang nung sinabi niya sa huli. Anyways bumaba na ko at nakaamoy ako ng masarap na pagkain na nakahain sa mesa, bagong luto yata at may nagluluto pa. Si ara siguro, 10 yata talaga kasi ang pasok niya sa office niya. Or maybe walang shoot today? I dunno.