Chapter 2: Unexplainable Feeling ii! >:\

42 1 0
                                    

Biglang may tumawag sakin, hinanap ko agad kung saan galing, sa bandang likod ko pala, tinatawag ako ni Ella, samahan ko daw siyang tawagin si kuya Errol kasi hinahanap ni coach. So, ayun. pinuntahan namin si kuya. (Si Ella ay co-player ko -- elementary.)

At nakita ko agad na katabi pa rin ni kuya ang lalaking nagpapakulo ng dugo at nagpapasama ng mood ko. Magkababata pala sila ni kuya Errol. Ohmy! Hindi ko talaga alam kung bakit ganun ang feeling ko sa kanya.

"Hoy Errol! Tawag ka ni coach at ni sir. YARI KA! may pinapagawa daw sayo si coach a." sabi ni Ella.

"Ay. OO. nakalimutan ko. Yaan mo na yun si Sir at Coach. Takot ka ba dun Ella-liit? HAHAHAHA. nga pala. si Eunice, Yuri, Shyla (turo sa mga kasama niya), abby, board 1 din sila. :) At si Ella-liit nga pala, board 2 naman sa elementaliit! HAHAHAHAHA." sabi ni Errol.

"Errol, sobra ka na. tawag ka nila sir. Tara na nga Ate Abby!" sabi ni Ella.

"Ay. sige maya na lang mga babes, tawag ako ng mga servant ko! HAHAHAHAHA" sabi ni Errol. (mayabang talaga yan si kuya errol. pasaway pa sobra! PERO MABAIT YAN! :))

Pabalik na kami sa room namin, biglang umimik ang katabi ni kuyang lalaki kanina. Ang lalaking kinaiinisan ko ng hindi ko alam kung bakit. (Busy sya sa kausap nyang babae kaya nong paalis na si kuya tsaka nya lang napansin.)

"Errol, san ka na?" sabi ng lalaking NAKAKAIRITA.

"Balik ako, tawag lang ako! Bantayan mo muna sila babes ha! BYE MGA BABES! :D" sabi ni errol.

"Sige. Bantayan ko sila babes! Walang makakadapong lamok at langaw sa kanila. :D" sabi ng lalaking NAKAKAIRITA. (Isa pa din pala itong mahangin at mayabang kaya siguro naiirita ako sa kanya. HAHAHAHA. pero ewan ko. makita ko lang talaga siya. GRABE NA! SOBRANG BADTRIP HA!)

Hindi kami napansin ni Ella nun kasi nga may kausap pang mga babae. Hindi ko nalaman ang pangalan ng walang hiya. HAHAHAHA. pero teka. hindi naman sa interesado ako sakanya ha. kaya ko lang gusto malaman para mabuo ko ang sumpa. HAHAHAHA. I need his name. HAHAHAHA. :P Ayoko na talagang makita ang pagmumuka nun. NAKAKABADVIBES NAMAN E! >:O 

"I fell in love with my HATES!" >:PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon