..

18 0 1
                                    

Good Morning Abbabes! -timothy

nagulat ako. kasi kinakabahan ako pumasok ang dami kong iniisip ng bigla naman sumigaw sa harap ko 'tong lalaking 'to.

Akin na yang bag mo at books, hindi ka niyan tatangkad lalo, sabay kuha ng bag at books ko agad-agad at nilagay sa upuan ko.

Kami pa lang tao dito sa classroom, nakalimutan ko, eto nga pala si timothy ang pinakamaagap lagi pumasok. So, kinukulit lang ako ni timothy. Pero windang pa din ako. Hanggang dumami na ang tao.

2 weeks na ganun lagi ang nangyayari. Hinahatid ako lagi ni timothy. Kasabay ko syang maglunch at recess, libre pa niya. Puro kanchawan sa classroom. Sa katunayan, mabait naman si timothy, nakukuha na din niya talaga attention ko kaso hindi pa din mapalagay ang isip ko, 2 weeks na at hindi ko pa din alam kung kilala pa ako ni JL. puro kanchaw lang kasi siya. :|

Sabado ng niyaya ako ni timothy lumabas, last na daw yun. tapos hindi na sya mangungulit ng sobra, napaisip ako kung bakit? nagsawa na kaya? ano ba naman ako? manhid ba ako? kung anu-ano na nasa isip ko, naaawa ako kay timothy at nasasaktan at the same time kasi alam ko nakukuha na niya ang loob ko kaso gumugulo lang talaga sa isip ko si JL. Super effort kaya siya, super lambing, ibang-iba dun sa first impression ko sa kanya. Madami ngang nagsabi nagbago daw si timothy ng dahil sakin. :| bakit kaya ititigil na niya? isip ako ng isip. pero pumayag ako na lumabas kami. last na nga daw e. gusto  kong malaman kung bakit?

Kinakabahan ako. anong mangyayari? anong meron? Sinundo ako ng driver ni timothy sa kanto ng subdivision naman gaya ng usapan, dinala ako sa rest house nila timothy sa tagaytay, sobrang kinakabahan ako. rest house? biglang sumalubong sakin si timothy na sobrang sya pero iba ang mata niya, parang malungkot. napapaisip talaga ako.

Nanood lang kami ng horror movie sa resthouse nila, nagtatawanan kami kahit horror kasi naman natatawa kami sa mga reaction namin. At ng matapos manood, kumain na kami. Habang kumakain tinanong ako ni timothy ng seryoso, "within the two weeks ba napansin mo din ba ang pagbabago ko?"

napangiti ako, bakit naman ganyan ka magtanong ha? seryoso ka ba?

sagutin mo lang abbabes, dali na. -timothy

kumpara nun unang day na napakayabang ng dating mo at sumigaw sigaw ka pa ng kung anu-ano, e sa tingin ko, mukang narehab ka na. sabay tawa ko ng pang-aasar.

ngumiti lang siya at nakatingin sakin ng seryoso, Abby buti naman at hindi ka na galit sakin katulad nun first day, napatawa na din kita, sabay smile ng malambing. - timothy

HA? napakunot ang noo ko at kinabahan ako. bakit siya ganyan? Hoy timothy, anong meron?

sabay napatawa siya, bakit? meron na ano?

bakit ganyan ka?

kasalanan na ba maging seryoso at mabait at sweet? -timothy

hindi naman. pero may kakaiba talaga e. tsaka yan aura mo, iba talaga. nakikita ko sa mga mata mo na may nililihim ka e. bakit ba last na 'to? nagsawa ka ano? pangaasar na sabi ko.

hindi niya ako pinansin, kinuha niya cellphone niya at may tinawagan siya.

maya-maya, biglang may pumasok sa pinto, hindi na kumatok, pumasok na lang agad. nagulat ako. hindi ko agad nakita kung sino, kasi nakaharang yun whiteroses at 5 balloons sa muka e.

biglang tumayo si timothy sa inuupuan niya at sinalubong ang tao, "tol, maraming salamat. tara kain" sabi niya sa tao.

nang kinuha na ni timothy ang whiteroses at balloons, nakilala ko na, si JL pala. nandito rin siya sa tagaytay? bakit? ano bang meron?

Hi abby! - JL

bakit nandito ka?

pinapunta ako dito ni timothy e, ewan ko ba jan. sorry. nasisira ko ata ang date nyo. - JL

hindi naman a. sabay lingon kay timothy habang inaabot sakin ang balloons at roses, ano bang meron timothy ha?

nakaluhod sa harap ko si timothy habang inaabot ang dala, sabay seryosong umimik ng "abby, unang kita ko pa lang sayo, iba na talaga, pagkapasok mo pa lang ng pinto at hanggang makaupo ka sa tabi ko. napadasal ako nun, e hindi naman ako pala dasal, nasabi ko na lang na, salamat po dahil pinakilala niyo na sakin ang babaeng mamahalin ko at ang babaeng babago sa akin. salamat po. papakabait na po ako.."

.....

"abby, kahit two weeks pa lang, hindi ka man maniwala, mahal na mahal kitang talaga, kung papatagalin pa man ako na kasama ka, hinding-hindi kita papabayaan, aalagaan kitang mabuti at gagawin ko lahat para sayo. Iba ka abby! ewan ko ba pero mahl na mahal na kita agad." - timothy

napatulala lang ako, nagtataka, bakit timothy? wag ka namang ganyan. nagtitindigan ang mga balahibo ko. pati si JL ay napakunot ang noo. at napasabi na lang, "tol, inlove na inlove a."

sabay tayo ni timothy at lumapit kay JL, salamat pre sa lahat.

"para ka namang naghuhuling habilin tol, wag ganyan", pangaasar ni JL kay timothy.

kinilabutan ako at napatingin kay JL at timothy na parang ewan..

napaluha si timothy ng papalapit sakin, kinapitan ako ng mahigpit sa kamay at bumulong, mahal kita abby tandaan mo. kahit konting araw lang tayo nagkasama, salamat. Si tol na bahala sayo.

sabay tayo at ngumiti, John Lenard, ikaw ng bahala kay abby ha! wag mong papabyaan. mahal ko yan. babalikan kita kapag may nangyari dyan.

nagkatinginan kami ni JL na litong-lito. alam ba niya na magkakilala kami?

tol, nalaman ko na childhood friends kayo.. -timothy

kaya alam kong hindi mo sya papabayaan.. -timothy

bakit ba tol? -JL

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"I fell in love with my HATES!" >:PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon