edited
_____________________________________________________________________________
ABBY'S P.O.V
Naniniwala ba kayo na may nag-eexist na multo? O kung may multo talaga? Kasi ako, I dont believe in ghost. Hindi naman sa hindi ako naniniwala. Hanggat sa hindi ko sila nakikita, hindi ako maniniwala sa kanila. Na meron talagang multo. Pero minsan, nakakaramdam ako ng something weird. Bigla na lang lumalamig. Sabi nila meron daw spirit na dumadaan but I reject what they say. Hangin lang iyon. Ah basta. Ewan ang gulo ko din.
Andito kami ngayon sa opisina ni Ms.B. Pinatawag niya kami. May importante daw siyang sasabihin. Ano naman kaya iyong importante na iyon.?
"Guys,kumpleto na ba kayo?" tanong niya sa amin.
"Hindi pa po.Kulang pa ng isa." sabi ni Gia.
"Sorry. Late ako. May ginawa pa kasi ako."
At ang late na iyon ay si Prince.As expected.Siya ang palaging late sa amin.
"Ay naku! Always naman eh." mataray na wika ni Tara.
"Ok. Bago pa kayo mag-away, sasabihin ko na muna ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag." umpisa ni Ms.B
"Ano po iyon?" tanong ko.
"Tutal,well develop naman na ang mga skills niyo, it's better to practice that outside."
"Ano po ang gagawin namin?" tanong ni Kalvin.
She gave us a photo of a house instead of answering our question.
Anong gagawin namin sa picture na ito? It's not an ordinary house. I feel something fishy in this house. Pagkahawk ko pa lang sa kanya,kakaiba na eh.
"Abby,what can you say about that?" tanong sa akin ni MS.B.
They all staring at me waiting for my verdict. Anong sasabihin ko?
"Ah eh..Ano po?!"
Anong sasabihin ko? Ano? Basta feeling ko, creepy siya. At parang may something.
"Kakaiba po. Parang may something na hindi kaaya-aya sa bahay na ito." sagot ko.
Bigla kasing bumigat ang pakiramdam ko pagkahawak ko palang doon sa picture. Iyan ang aking kakayahan. Makaramdam ng kakaiba. Nakikita ko ang mga mangyayari sa hinaharap at sa nakaraan. Sa panaginip man iyon o kapag nakakahawak ako ng isang bagay o tao. Kaya nga parang ayaw kong kumapit sa kung sino man.Baka kung ano ang makita ko.
"Ano po ang ibig sabihin ni Abby doon?" tanong ni Bullet
"Marami ang nagsasabi na may mga nakikita silang mga kaluluwa sa lugar na iyan...."
Ano? Kaluluwa? Ibig sabihin multo. Sabi ko nga hindi ako takot sa multo, pero kung ma-eexperience ko ng makikita sila,parang hindi ko kakayanin.
"........lalo na sa bahay na iyan.Mga kaluluwa ng hindi matahimik na tao." dagdag pa niya.
"Nasaan po ang may-ari nung bahay?" tanong ni Melody.
"Nasa ibang bansa na .Doon na naninirahan. Ilang beses ng may bumili ng bahay, pero walang nagtatagal. Meron daw silang naririnig na mga ingay. Iyak ng isang babae particular na sa isang silid na hindi pinapagalaw nung may- ari sa mga umuupa. Nakasarado lang ito." Sagot ni Ms.B sa tanong ni Melody.
"Ano po ang gagawin namin?" Tanong ko.
"Aalamin niyo ang dahilan ng pagpaparamdam nung babae na iyon. At ikaw lang, Abby, ang may kakayahan na umalam sa bagay na iyon."-Ms.B.
BINABASA MO ANG
KAKABOO-KABOG (ONHOLD)
Mystery / ThrillerA group of kids with special ability. Iba't - ibang abilidad. Iba't-ibang katangian, iba't ibang pinagmulan. Pagsasamahin ng iisang misyon. Paano sila magkakasundo? Magamit kaya nila sa tama ang kakayahan na meron sila? Pagkakaibigang mabubuo sa is...