CHAPTER 7

123 1 4
                                    

ALAY

Matagal na rin after nung last trip namin na sobrang ikinatakot ko.Akala ko nung time na yun,katapusan ko na.Buti na lang to the rescue si Red.

"Guys,may pupuntahan ba kayo this week?" tanong ko sa kanila. ANdito lang kami sa bahay. Bakasyon na rin kasi.

"Hoy,may plan na ba kayo?" iniba ko lang iyong tanong ko pero parang ganun pa din.

Kaso deadma lang ako sa kanila. Para akong nagsasalita sa hangin.

"hello..May kausap ba ako?" Nakakainis naman oh. Bahala nga kayo diyan. Pumasok ako sa loob. Nasa salas sina Tara.Mga busy.Baka itong mga ito sumagot hindi katulad nung mga lalaki na akala mo ay sobrang busy.

"Guys,may plan na ba kayo for this vacation?" tanong ko sa kanila.

"Wala pa naman.Bakit?" tanong n Melody na hindi man lang ako tiningnan.Sa laptop niya siya nakatingin.

"Ahmm...Kasi inivite ako nung classmate ko na pumunta sa province nila.So tinatanong ko baka kasi gusto niyong sumama."

"Safe ba sa lugar na iyan?" Gia.

"oo naman.Ano game ba kayo?"-ako

"Oo ba.Bakasyon iyon." Nicole.

"Okay..Sasabihin ko kay Lizel." Nagtatakbo ako paakyat sa taas.

"Hoy,sinabihan mo na ba iyong mga lalaki?" sigaw ni Nicole.Bumalik ako sa may dulo ng hagdan.

"Hindi.Tinanong ko lang sila pero dahil sa hindi nila ako sinasagot bahala sila sa buhay nila.Kahit hind naman na sabihan iyong mga iyon."

At umakyat na ako pataas.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Melody pagbaba ko.

"Kina Lizel.Sasabihin ko na kasama ko kayo." lumabas na ako.

Nagcommute na lang ako.

After 30 minutes nakarating na rin ako sa apartment ni Lizel.

*tok*tok*tok

Mukhang wala pang tao ah.

*tok*tok*tok

"Lizel..." wala pa kasing nagbubukas ng pinto.

"Oh,abby,anong ginagawa mo dito?"mukhang gulat na gulat pa siya sa biglang pagpunta ko dito ng buksan niya iyong pinto.

"About dun sa invitation mo." Hindi pa ako pinapapasok sa loob.

"Ah iyon ba.Pasok ka muna." buti naman.Mangalay na kasi magtayo.

"Anong gusto mo?Juice o kape?" alok niya ng makapasok na kami.

"Juice na lang." Nagpasok na siya sa kusina.Sumunod naman ako.Napapansin ko na parang balisa siya.

"Liz,may problema ka?"

"Huh..." Nagulat pa siya sa sinabi ko.Muntik na ngang mabitiwan niya iyong baso.

"Okay ka lang?" tanog ko sa kanya.

"Yeah.Nagulat lang ako.Sumunod ka pa dito.Nakakahiya naman na akita mo pa itong kusina namin." Siya.Habang naghahalo nung juice na tinimpla niya.

"May kasama ka dito?"

"Yeah.Kaso nasa work siya ngayon.Mamaya pa ang uwi nun.Sa salas na tayo."

Nauna siyang lumakad.Sumunod naman ako.

"Nga pala,pumayag din ba iyong mga kaibigan mo?" tanong niya ng maka-upo.

"Yeah.Iyong mga girls lang ang sinabihan ko.."

KAKABOO-KABOG (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon