CHAPTER 9

26 1 2
                                    

SUMMER VACATION:

Planning

RED'S P. O. V

Hay! Two weeks na ng makauwi kami galing sa kaklase ni Abby. Kung anung lugar iyon, nalimutan na ni Author. May partial amnesia siya. Wala kasing inspiration. Pagkauwi namin, nag-ayos pa kami ng ibang requirements sa school. Andito lang ako sa HQ. Ang bahay ni Ms. B. Gusto ko mang umuwi katulad nila, pero ayoko. Wala rin naman akong gagawin sa bahay. Maiinis lang ako sa pakikinig sa sermon ng tatay ko at sa walang kapaguran nilang pagtatalo ng nanay ko. Sa kung anong dahilan, wala akong pakialam. Umaalis na lang ako ng bahay kapag nagtatalo sila. Babalik lang ako ng bahay kapag nagtext ang kapatid ko na tapos na ang gyera. Buti na lang, nakilala ko si Ms. B. Kahit papa'no, naka-alis ako sa bahay.

"Thol, problema? Nag-e-emo ka dito ah." biglang sulpot ni JM. Umuwi din sa kanila itong kambal. Umupo si MJ sa kabilang sofa at si JM naman sa sandalan naupo.

"Namimiss na kasi niya. Sigurado 'yon." sabi ni MJ na nagbubuklat ng inagaw niyang magasin sa akin.

"Hindi pa ba sila umuuwi?"-JM

"Hindi pa." I said. Ako lang ang naiwan dito. Si Kalvin, pinauwi ng nanay niya. Mama's boy kasi. Hindi lang halata. Si Prince at Bullet, kasama nung ibang classmate nila na nag-outing. Iyong mga babae, umuwi din. Sinama ni Melody at Nicole si Abby kaya wala dito. At may girl's bonding sila kina Tara. Wala kasi ang parents ni Tara. Kaya naman, solo ko ang bahay ng isang linggo. Walang magugulo. Wala din si Ms. B. Nag-out-of-the country. Ewan lang kung mag-isa siya.

"Basketball na lang tayo. Labas-labas man lang. Siguradong hindi ka na naaarawan." sabi ni JM na nakahiga na.

"Kung ikaw din lang makakalaro ko, huwag na lang. Wala kang kwentang kalaro."-ako

"Nagsalita ang may kwenta. Kahit ako, hindi ka yayayain. Nagtxt sina Kalvin. On the way na daw sila. Sa gym na ang deretso. Tara na."-JM

"Sina Abby?" tanong ko.

"Asus! Miss na nga. On the way na din. Doon na din sila dederetso."-JM

"Nag-te-text sa'yo?"-ako

Ba't kanina pa ako text ng text sa kanya, hindi man lang nagrereply? Pero kay JM nakapag-reply siya.

"Malamang naman. Kaya nga alam ko eh. Tsk. Tsk. Wala ka kasing kwen-"

"Gago ka." Binato ko ng magasin na hawak ni MJ.

"Tang-ina naman. Masakit 'yun huh. Makabato naman 'to. Affected lang? Totoo ata eh. Hep! Masakit yan."

Babatuhin ko sana ng sapatos. Ang daming alam nitong lalaking ito.

"Tara na nga. Baka andun na 'yung mga 'yun." at tumayo na si MJ. Sumunod na kami ni kambal niya. Malapit lang naman ang gym sa bahay, kaya nilakad na lang namin. Pagdating namin, andun na iyong mga babae, nakaupo sa bleachers. Iyong tatlo, naglalaro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KAKABOO-KABOG (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon