Chapter 12: Ello

303 28 8
                                    

STEPHANY POINT OF VIEW

Napa lingon ako saka'nya , naka suot ang kamay niya sakanyang bulsa .

"B-Bakit ka nandito?" Tanong ko , tingnan niya lang ako mula ulo hangang paa

"Bakit sugatan ka? Na rape kaba?" Nag alalang tanong niya , tsk Rape agad?.

Umiling lang ako.

"U-Umalis kana" sabi ko at pumasok sasarado ko na ang pinto ng bigla niya itong hinarangan , nakapasok siya sa bahay ....ito ang unang beses niyang makapasok dito kahit nung may relasyon pa kami ay hindi siya pumapasok dito gawa daw na baka pag pumasok siya ay ayaw na niyang lumabas pa.

"Gagamutin ko ang mga sugat mo"

"Kelan kapa naging doctor?!" Angil ko

"Steph...."

Umupo ako at hindi siya pinansin

"Nasaan ang First aid kit mo?" Tanong niya habang nag hahagilap sa mga drawer , nasa tamang drawer siya kung saan nakalagay 'yon kaya hindi na ako nag abalang sumagot.

Lumuhod siya at nilagyan ng gamot ang sugat ko sa tuhod ,

"Ganyan kaba ka desperada? Kumuha kapa ng papalit sa'aakin para maikasal ka?!" Galit na sabi niya habang ginagamot ako , SINO NAMAN ANG NAG SABI SAKANYA?

Hindi ko siya sinagot .

"Hindi mo ba alam kung gaano Ka sagrado ang kasal? At dinaan mo sa pakontrata kontrata? Hindi mo siya kilala!paano kung miyembro siya ng sindikato? Rapist? Gangster? Paano nalang!?" Galit na galit na sabi niya habang ginagamot padin ako

"Kahit rapist , sindikato o gangster siya Hindi siya katulad mong mang loloko! , wag kang mag salita ng parang alam mo ang lahat! Oo desperada ako! Desperada akong takpan lahat ng kagaguhan mo! Desperada akong hindi mag-alala ang mga kamag anak ko! Desperada akong hindi nila malaman na kinuha mo 'yung perang pang kasal na pinag hirapan nila! Alam ko kung gaano ka sagrado ang kasal , ginagawa lang ito ng mga taong nag mamahalan? Pero anong gusto mong gawin ko? Hayaan ko nalang? Ginagawa ko 'to hindi para sa sarili ko! Hindi ko 'to ginagawa para lumandi! Ginagawa ko 'to para hindi sila masaktan at mag alala! . saka asa kang mag maka awa ako sayong bumalik ka sa'akin , nag desisyon kana makipag hiwalay diba? No turning back." Halos habulin ko ang hinga ko sa sobrang dami kong sinabi , ang lakas pa ng pag ka sabi ko para ramdam niya!

"Tapos anong gagawin mo pag natapos na ang kontrata niyo? Ano!?" Sigaw niya rin pabalik sa'akin

"Wala ka nang pakielam 'don" sabi ko , Bumakas ang pinto agad akong kinabahan lalo na ng nakita ko si Ajen na nandoon.

"Babe ako na ang - oh..." Napatingin siya kay Ello at nag katinginan naman sila ...F_ck!

Tumayo ako , si Ello naman ay nanatili sakanyang pwesto at nakatingin kay Ajen

"A-Ajen , Bakit ka nandito?" Pinilit kong hindi mautal , sh_t na malagkit!

"Gagamutin ko sana ang mga sugat mo , hindi ko nagawa kanina dahil kay Lost." Si Ajen "Pero may gumamot na pala" sabi niya at ngumiti ng mapait

Lamunin ako ng lupa ngayon na!

Tumayo si Ello at nag alok ng pakikipag kamay .

"Ellorico , Pare" sabi niya at inabot ang kanyang kamay , hindi iyon tinangarni Ajen at tumango nalang

"Ajen " simple niyang sagot . binawi ni Ello ang kanyang Kamay at nag pamewang "hambog" bulong ni Ello ng mahina pero dahil katabi ko siya dinig na dinig ko 'yon

My Substitute Groom Is A Mobster [UnderEditing] [Remaking]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon