Chapter 2 : Date

637 78 41
                                    

May iba pang member ng mob hindi lang si Jack , Achie at Black :)

Red Chain Ang Name Ng Mob

Enjoy!

STEPHANY POV

"Steph nasaan na daw yung cover para sa novel ni jane?" Sabi ng aking katrabaho na si mabel

"Finishing na " sabi ko at tinuon ang aking atensyon sa computer

Illustrator ako sa isang book publishing corp , rumaraket din na teacher sa mga gusto mag drawing

Habang tinatapos ko ang aking likha may nag pop up na file

Drawing ko , Isang babaeng naka talikod na naka wedding gown at nag lalakad sa aisle at nag aantay ang kanyang groom sa altar

Tinapos ko muna ang cover para sa novel ni jane saka ko tinignan ang file

Binura ko , pati yung mga drawing ko kay ello

Kinuha ko yung sketch pad ko at nakita ko yung mga drawing na siya ang subject

Pinilas ko.

Tinapon ko , Gaya ng pag tapon niya sa feelings ko

May tatapusin pa akong limang book covers at malapit na ang deadline .

Mabuti pang mag OT ako ngayon para narin dagdag pera pambayad ko kay Ajen kaso pwede ko namang tong gawin sa bahay kaya sa bahay nalang.

Speaking of Ajen sabi niya saakin itetext niya daw ako para dun sa oh-so -called date namin , Para makilala namin ang isa't isa kailangan yun para totoo talaga ang pag papangap namin .... Bakit kaya siya hindi nag paparamdam? Isang week na rin ang nakakaraan.

5 o'clock na at out na namimg lahat may mga writter at editor na nag O-OT ngayon pwede namang silang mag sulat sa bahay nila ngayon ah? Sabagay kailangan pala nilang eedit dito yung mga story na galing sa wattpad .

Sumakay na ako ng jeep , nag jejeep ako hindi kasi ako RK para mag taxi

Tumunog ang cell phone ko ng tignan ko yun ay Unregistered Number .

Unknown Number

"Hello sino to?" Sabi ko sa kabilang linya

[Bumaba ka sa jeep]

"At bakit ako baba? Sino kaba?"

[Bababa ka o bababa ka?]

"Parehas lang ho iyon"

[Ibig sabihin wala kang choice]

"Wrong number ka ata , bye "

BAGO ko pa ma end ang tawag biglang pumureno si mamang driver kaya lahat kami napakapit dun sa hawakan sa taas pero itong katabi ko may pag ka shunga kaya sumubsub siya saakin

My Substitute Groom Is A Mobster [UnderEditing] [Remaking]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon