Chapter 15 : Acceptance.

275 25 5
                                    

Stephany's Point Of View

Naka upo lang ako sa Sofa , wala ng nakatingin sa’min dahil sinira ni Ajen ang cctv dito sa kwarto , hindi maalis sa isip ko ang nangyari. Nakakaloka.

Lalong humapdi ang tenga ko , pag talaga ako naganti mas malala pa sa ‘Elevator Trap’ ang gagawin ko sakanya! Ang sakit! Napakasakit!

“Na buksan ko na ang banyo , Hugasan natin ang sugat mo...” sabi ni Ajen , Tumayo ako at sumunod sakanya pina-upo niya ako sa gilid ng bath tub at dahan dahan niyang pinupunasan ang sugat ko.

Gusto kong mag salita ng ‘thank you’ pero ng tigas ulo ng bibig ko parang may sarili itong buhay at ayaw mag salita dahil sa sitwasyong ito.

“This is my world , Can you accept that? ” Seyosong sabi niya “And Let me be your Substitue groom?” He said ‘jokingly’

Yumuko lang ako , Hindi ko alam ang sasabihin sakatunayan MEGA JACKPOT ako dahil gwapo na at mayaman pa kaso nga lang lahat may disavantage at ang disavantage niyang ‘yun ay ang pagiging parte niya ng sinidikato ang pagiging Mobster  niya. Ay hindi. Ang pagiging Mobster BOSS  niya ayon sa nag dala sa’kin dito.

pinag masdan ko ang aking mga paa , paano ba ako makakahalubilo sakanya?

Tulad lang dati steph...Tulad lang ng dati.

Nag pakawala ako ng buntong hinga.

“What’s that for?” sabi niya at patuloy parin sa pag dampi ng basang tela.

“‘Yung alin?”ako.

“Buntong hininga?” sabi niya.

“Wala , Pagod lang.” sabi ko at ngumiti ng mapait.

“May balak kang palitan ako ano?” pag bibiro niya.

Inirapan ko siya bago sumagot.

“Nakilala kana ng mga Kamag-Anak ko , wala ng atrasan.” sabi ko at tumingin sa blanko niyang mata.

“For the first place ako naman talaga ang nag gulo ng tahimik mong buhay , Mobster Boss ka at Dada ni Lost tapos naka singit ako. Ako dapat ang mag adjust sa buhay mo dahil una sa lahat ako yung ng gulo”Ako.

Naka tingin lang ako sa mga mata niya at para bang hinahanp ko ang reaksyon na gusto kong makita ngunit bigo akong makita ito.

Hinawakan niya ang baba ko ang nilapit ang kanyang mukha.

Nag kadikit ang aming mga ilong at noo , amoy na amoy ko ang mabangong niyang hinga.

Hindi ako ignorante sa gagawin niya , Ignorante ako sa nararamdaman ko dahil bago ang bawat pintig ng puso ko.

Malapit na.

Ayan na.

*BOGHSS* *BOOGHSS*

May kumakalabog ng pinto kaya hindi nag pang abot ang aming mga labi , kinuha ni Ajen ang kanyang baril at dahan dahang lumabas ng banyo at ako ito naka sunod sakanya at parang buntot na laging nasa likuran.

Nasira na ng tuluyan ang pintuan at may limang lalaki at isang babaeng naka maskara na clown, mas lalo tuloy akong na-asar sakanila.

Pina tamaan ni Ajen hangang sa hinampas si Ajen ng bakal kaya nabitawan niya ang baril.

“A-Ajen!” sigaw ko at sinalo siya.

“Get them...” sabi nung Babae sa tatlong natirang naka tayo sa kasama niyang limang lalali kanina.

Hinampas ako ng isang lalaki ng baril sa ulo kaya nawalan ako ng malay.

~~~~~

Nagising ako ng hindi ko magalaw ang aking mga paa at kamay naka tali ang kamay ko sa uluhan ng bakal at ang mga paa naman ay sa paahan.

My Substitute Groom Is A Mobster [UnderEditing] [Remaking]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon