~Keylis' POV~
"HOY, GUMISING KA NA! MALALATE KA NA SA UNANG ARAW MO SA SCHOOL!!!" Sigaw saken ni Ate Keyla.
"Teh, pwede bawal pumasok?" Sabi ko sa kanya. Ano magagawa ko? Eh nakakatamad naman talaga pumasok.
"Ah, ganon?" Sagot ni Ate.
Naramdaman ko na binuhusan ako ni Ate ng malamig na tubig. Bumangon ako at tinignan ng masama si Ate.
"Oh ayan, maligo ka na." Banggit nya. Bumangon nalang ako at naligo.
Pagtapos ko maligo sinuot ko na ang school uniform ko, nagsuklay ng buhok at naglagay ng onting makeup. Di na ako nag almusal at dumiretso na ako papunta sa school.
Hi, ako nga pala si KeylisReign Chua. Ewan ko ba kung puro mga Key pangalan namin, kasi yung dalawang Kuya ko ay si Keylen at Keyan. Pinaglihi ba kami sa susi? But I'm 15 years living here in this world. Nag-aaral ako sa Eastwood High, Tita ko ang may-ari ng school na yun. May pagka tomboy ako pero rarely ko lang pinapakita ang "girly" side ko.
5 kaming mag kakatropa sa school; Si Seth Gonzales, Eric Phillip Silva, Jaron Kiel Monteloyola, Mckenzie Lorraine Aquino, at ako.
Nang nakarating ako sa school bigla ko nakita silang lima. Kumaway si Seth saken.
"Oh, kamusta na buhay?" Tanong ko kay Mckie (Mckenzie)
"Eto, pogi paren." Sabay sila ni Seth at Jaron.
"DI KO KAYO KAUSAP!!" Sigaw ko sa dalawang engot.
"BAKIT IKAW REN BA KAUSAP NAMIN?!" Sigaw ren ng dalawa.
Tinignan ko sila ng masama at di ko nalang sila pinansin.
"So kamusta nga buhay mo Mckie?" Sambit ko.
"Eto, naghahanap paren ng fafa." -.- as always.... Lalakero talaga kahit kalian ang bestfriend ko.
Napansin ko naman si Eric na nakatingin sakin.
"Oh ikaw, kamusta na?" Tanong ko sakanya.
"Ok lang......" Sambit nya. Wow forever awkward ata kami.
Pagtapos naman ng dramahan ay biglang nag-ring ang bell namin. Nagsi-pasukan na kami sa room namin. Magkaklase kami ni Eric at Jaron sa first period which is Arts.
Since first day of school, uso nanaman ang introduce yourselves. Since nasa likod kami ni Eric at Jaron huli kami.
"Hi ladies, ako nga pala si Jaron Kiel Monteloyola, ang James Reid ng klaseng ito." Sabay kindat sa mga babae.
"Ulul!" Sigaw ko sakanya. Nagsitawanan yung mga lalake kong kaklase, samantala yung mga babae naman busy titigan yung engeng na yun.
Sunod naman ako.
"Ang pangalan ko naman ay KeylisReign Chua. Kaibigan ko yung ulul na nasa harap kanina." Dahil wala na akong masabi umupo nalang ako.
Tumayo si Eric at nagsalita "Eric Phillip Silva." Sabay upo.... Dafuk ang ikli naman nun. Sabay may bumukas bigla ng pinto.
"SORRY IM LATE!!!!!" Sabi ng isang lalaki na hinihingal. Bagong estudyante ata.
"It's ok, you may sit beside Miss Chua, Mister Silva is it okay if you switch places with Mister Castillo?" Sabi ni Sir Delaroso. Walang nagawa si Eric at lumipat. Lupet.... May katabi akong di kilala.... Boring.
"Hi, I'm Shawn Destin Castillo, you can call me Destin." Sabay nagshake hands kami, "Ano pangalan mo?" Tanong nya
"KeylisReign Chua." Sagot ko naman. Nakita ko si Eric na nakatitig sakin. Dafuk.
Nagsimula na mag lesson si Sir.
"Hey Princess, anong oras na?" Gago to ah tinawag pa akong princess nakakasuka naman.
"Wag na wag mo akong tawaging Princess kung mahal mo pa buhay mo." Sagot ko sa kanya.
"Ok." Sagot nya, "Ano itatawag ko sayo?" Tanong nya.
"Keylis." Sagot ko.
"No, I'll call you..... Reign!"
Daheck? Reign daw? Wala pang nagtawag sakin nun.
"Oh, parang gulat ka naman ata?" Tanong niya
"Hinde..... Wala pa kasing nagtwag sakin nun." Sagot ko sakanya.
"So pwede yun nalang itawag ko?" Hmmmm pwede ren para maiba naman.
"Bahala ka." Wala na akong paki. Nilabas ko nalang cellphone ko at nagbasa ng wattpad.
After our classes nag ring na ang bell ibig sabihin lunch time na. Nagkita-kita kaming lahat sa canteen pero nakita ko si Destin na walang maupuan. Kaya tinawag ko siya para makitabi samin.
"Oh. Key, sino yan? Jowa mo?" Tanong ni Seth.
"Ulul kaklase natin yan sa arts." Sagot ko naman sa kanya
"Shawn Destin Castillo nga pala." Sabay nag shake hands sila lahat, except kay Eric. Parang gusto kong sabihin 'watdfukishwrongwidchu, mayperiod ka ba?' hhahhaaha wag nalang baka magalit pa.
"Wew, ang hot mo naman." Sabi ni Mckenzie sabay kindat kay Destin.
"Oy, tama na landian, kumain na tayo gutom na kasi ako eh." Sakit na talaga ng tyan ko sa gutom.
Nag-order ako ng maraming pagkain.
"Key, manlilibre ka ba?" tanong ni Jaron.
"Ano ka? Chix? Akin lahat ng yan, bumili kayo ng sainyo." Sagot ko naman.
"Takaw mo naman." Nagsalita si Destin.
"Paki mo?" Tumuloy na ako kumain. Pero nakatitig silang lahat sakin pati si Eric.
"Ano tinitingin-tingin nyo?"
"Wala." Sabay na sabi nila.
After school nag si uwian na kaming lahat kaso sumama sakin si Mckie kasi matagal nya na daw di nakikita si Hatchiko. Yung dachshund na aso namin.
Pag dating naming sa bahay wala sila Mommy at Daddy nasa business trip daw sila. Sila Kuya nasa office. Umalis na rin ata si Ate kasi sa trabaho nya. Puro yung mga maids lang ang nandito.
"Hatchi!!!" Sigaw ko. Biglang may aso kaming nasalubong.
"Hatchi! Ang laki mo na ah, mas naging cute ka pa." Kinakausap ni Mckie yung aso, parang baliw amp.
"Para kang baliw dyan. Di yan sasagot sayo." Sabi ko
"Paki mo?"
"Kape ko"Sagot ko naman.
"Ano connect nun?" Ewan ko ren eh. Heheheh.
Dumiretso kaming tatlo sa kwarto ko para naman makapag-relax kami. Nagbihis na ako ng may biglang kumatok sa pintuan ko.
"Maam, may package po para sainyo." Sabi ng house maid namin.
"Sige manang, iwan nyo nalang po dyan."
Eto na ata yung inorder ko sa online. Binuhat ko yung box at binuksan ko ito at nakita yung nasa loob.....
{A/N : Hahahaha sa ngayon po yan palang ang kaya ng utak ko dahil wala na akong maisip na iba. Please vote the story and tell what you think in the comments.}
Credits ren po kay:JoyDreamer07 inedit nya po yung story na to, full on support pa po sya, please follow her and tell her I sent you :3
BINABASA MO ANG
Only Mine (On-hold)
RomanceWell, ang storyang ito ay tungkol sa isang babae na si Keylis na may boyish personality ay may makikilalang lalake na magbabago ng pagkatakbo ng kanyang mundo.