PART 2

22 1 0
                                    

~Keylis' POV~

Pagbukas ko ay may nakita akong.... Sheet eto yung inorder ko sa online.

"YES!!!!" Sigaw ko with excitement.

"Ano nanaman yan?" Tanong sakin ni Mckenzie.

"Yung bagpack na totoro ko!!!" Sagot ko naman.

"Hay nako, halos theme park na ng totoro yung kwarto mo, Keylis." Hah? Totoro theme park daw? San kaya meron nun, gusto ko pumunta.

"Bakit naman, Mckie?"

"HALOS LAHAT NG GAMIT MO AY TOTORO NALANG, KULANG NALANG PATI BAHAY NYO TOTORO NA!" Sigaw ni Mckie. Galit?

"Inggit ka? Edi gaya ka." Sabi ko naman sa kanya. Di nya maiintindihan ang pagka-fandom ko sa totoro. Paki nyo ba kung gusto ko si totoro, ang cute kaya nya.

Naalala ko nga nung 12th birthday ko totoro themed yung party, tapos lahat ng cupcakes ko totoro.

Nilagay ko na yung bag sa cabinet ko full of totoro stuff para di pa madumihan o masira.

"By tha way, sino kanina yung Destin na yun? At san kayo nagkakilala?" Tanong sakin ni Mckie.

"Well, kaklasi namin sya ni Jaron at Seth sa arts, nalate sya kanina tapos pinatabi siya sakin ni Sir Delaroso tapos yun." Sagot ko.

"Hahahah, pano yung seat arrangement nyo?" Tanong niya ulit.

"Bale, sa last row kaming apat. Eric, Jaron, Destin, Ako."

Pagtingin ko sa orasan namin ay 7:00 na pala.

"Huy, gusto mo dito ka nalang matulog?" Tanong ko sakanya kasi gabi na eh, baka mamaya mapaano pa si Mckie.

"Tanong ko lang si Ate, baka mamaya di ako ako payagan eh." Mckie.

Tinawagan niya ang Ate niya at pinayagan siyang mag overnight dito samin pero bawal daw siya umalis dito sa bahay.

"Paano naman ang damit ko?" Tanong ni Mckie.

Oo nga no, hihiram nalang ako mamaya kay Ate ng damit niya. Maarte pa naman si Mckie pagdating sa mga damit.

"Hiram nalang ako mamaya kay Ate Keyla."

"Piliin mo yung maganda ah?" Gaga talaga to, ginawa pa ako utusan.

"Hoy di mo ko utusan!" Sigaw ko sakanya.

"Edi shing shang fu." Sagot niya naman.

Shang fu? Diba ano yun? Tresseme, Sunsilk, Clear. Hahahahah ang corny naman.

Pagdating nila Kuya at Ate ay kumain na kami agad. Siguro next week pa dadating sila Mommy at Daddy. Medyo okay naman sila Mckie at Kuya kasi dati nung bata pa kami ay natutulog na siya dito.

Pagtapos naming kumain, nagshower muna ako at nilaro ng onti si Hatchi, sa guest room kasi matutulog si Mckie. Ayaw ko naman siya katabi, ang arte kasi, baka mamaya sa floor pa ako matulog. Pag-gising ko ay bumaba na ako para magkape. Nakita ko na naka-bihis na si Mckie.

"Gewd morning, Ke." Bati niya sakin.

"Morning." Sabi ko nalang.

Pumasok sila Kuya at Ate sa dining room, lahat sila nakangisi, pati na ren si Mckie.

"Ano nanaman ang nginingisian nyo?" Tanong ko sakanilang apat.

"Wala naman, heheheh." Sagot ni Kuya Keylen.

Heh, ewan ko ba sakanila. Nagshower nalang ako at nagbihis. Pagtapos ko ay dumiretso na kami ni Mckie sa school.

Pagdating namin ay nakita ko sila Eric, Seth, Jaron at Destin ay magkakasama.

"Ano to? Reunion? Di man lang kami kasama?" Tanong ko sa apat.

"Oo nga, di nyo man lang kami sinama." Sabay nagpout si Mckie.

"Hinde, tinatanong lang naman namin si Destin kong gusto nya sumama sa team." Sagot naman ni Seth. Huh? Anong team?

"Anong team?" Tanong ko.

"Basketball." Sagot ni Jaron.

"Aaaah." Sagot ko.

"Mamaya may try-outs kami, nandun si Destin, manood kayo." Sabi ni Jaron.

"Sure. Ikaw Key manonood ka ren ba?" Tanong saken ni Mckie.

"Actually sasali ren ako sa team." Sagot ko. Gulag naman ako na tinignan ni Destin.

"Oh, bakit gulat na gulat ka diyan?" Tanong ko kay Destin.

"Pwede ba ang mga babae dun?" Tanong nya. Sus pwede yun.

"Pwede naman kakausapin ko lang si coach, total tita ko naman ang may-ari ng school eh." Sagot ko kay Destin.

Bigla naming nag-ring ang bell namin. Pumunta na kami sa room at nagsi-upo kaming lahat. Dumating na si Miss Ramirez at nagstart na ang aming lesson.

Natapos na ang aming mga class at pumunta na kami sa court at pinag 1 V 1 kami kay Seth, pero easy lang daw. Kaya alam ko na medyo dadalian niya lang sakanila. Pero nung sunod na ako. Alam ko na hindi dadalian ni Seth to. Pero natalo ko pa rin siya. Kaya accepted na ako sa team.

"Ang galing mo kanina ah." Sabi saken ni Destin.

"Syempre, si KeylisReign Chua ata sinasabihan mo nyan." Sabi ko at nag-pogi pose.

"Di bagay sayo." Sabi ni Mckie. Ay gaga kala mo naman bagay sakanya.

"Eh paki mo?" Sabi ko nalang.

Nakita ko naman si Eric na nag pa-practice sa tabo, pawis na pawis na siya, pagod na ata. Kaya kumuha ako ng tubig at lumapit sakanya.

"Oh, pagod ka na ata." Bato ko sakanya at sinalo nya naman.

"Salamat." Sagot nya nalang.

Bumalik na ako sa kanila at pumunta sa shower room ng girls (alangan naman sa boys) at naligo nalang tapos nagbihis. Nagsi-uwian na kaming lahat. Naglakad nalang ako pa-uwi. Nagulat nalang ako nung nakita ko siya sa harapan ng bahay namin.

"Kamusta na, Key?" Bakit siya nandito?

(A/N : Another part finished. Sino kaya ang tinutukoy ni Keylis? Malay ko ba XD Hulaan nyo nalang. Sorry nalang sa cliffhanger hahahah. Thank you for taking your time to read my story. Please vote and comment of what you think about the story thanks everyone.)

Only Mine (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon