PART 4

16 1 0
                                    

Nagising ako sa alarm ko sa phone ko. Nakita ko si Kuya Aiden na tulog pa. Ngumiti nalang ako kasi ang cute niya matulog. Kinuha ko cellphone ko at pinicturan siya. Hehehehh pang-blackmail lang. :3

Ginising ko nalang si Kuya kasi 8:00 na.

"Good morning, Key." Sabi sakin ni kuya.

"Morning Kuya." Bati ko sakanya.

"Saan tayo pupunta mamaya?" Tanong niya saken.

"Sa Star City at sa MOA." Sabi ko naman. Ngumiti naman si Kuya at lumabas na sa kwarto ko para maligo. Naligo na lang ren ako sa CR sa loob ng kuwarto ko.

Pagtapos ko maligo pumili na ako ng susuotin ko. Nagjeans nalang ako at nagpolo na medyo mahaba at tinupi yung sleeves. Naglagay ako ng hikaw at inayos mga piercings ko. Nilagay ko yung cap ko na may nakalagay na Darth Vader at nilagay ko backwards. Nag Chuck Taylor ako na black at nag relo ng Rolex. Hahahah rich kid to.

Pagbaba ko nakabihis na si Kuya. Ako nagdrive kasi ayoko pag may ibang nag d-drive. Nagpupumilit pa nga si Kuya na siya na raw eh, in the end ako paren ang nasunod. Pagdating namin dun nagpasyal-pasyal kami. May nakita akong sapatos kay Curry yung sa Under Armour. Mahilig si Kuya sa basketball kaya bibilhan ko siya neto. Sabi ko sakanya na pumunta muna siya sa kabilang store. Pumayag naman siya at binili ko na yung sapatos, syempre dalawa para parehas kami. Parehas mahilig sa basketball eh.

"Kuya!" Tawag ko sakanya.

"Oh ano yan? Dami mo na ngang sapatos eh." Sabi  niya naman eheh.

"Sayo yung isa, palitan mo sapatos mo." Sabi ko sakanya at as I expected gulat nanaman siya na binilhan ko siya ng sapatos.

"Suotin mo nalang, saying pag di mo ginamit.." Sabi ko at nag puppy eyes.

"Oo na." Sagot niya in defeat. In the end magkaparehas na kami ng suot ng sapatos.

Pagtapos namin pumasyal at bumili ng karami-raming gamit sa MOA dumiretso na kami sa Star City. Me still driving. Iniwan nalang namin yung mga binili namin sa kotse.

Nung bumibili na kami ng tickets nakita ko si Destin... Mag-isa sa entrance.

"Sino yun?" Tanong naman ni Kuya na parang tinitignan ng masama si Destin.

"Kaklase ko." Tipid na sagot ko. Bigla akong naglakad sa harap ni Destin.

"Oh, Reign, anong ginagawa mo dito? Bat ka nga pala umabsent kanina?" Tanong niya sakin.

"Pinapasyal ko lang pinsan ko. Eh ikaw?" Tanong ko naman sakanya. Curious lang.

"Family outing." Tipid na sagot niya.

"Kuya Aiden this is Destin, Destin si Kuya Aiden." Pagkakakilala ko sa kanila. Nakipagshake hands nalang sila.

"Bakit di mo kasama Family mo? Family bonding nga eh." Tanong ko saknya.

"Nakakairita sila kasama." Tipid na sagot niya.

"Gusto mo sumabay samin?" Tanong ko. Nakitingin lang sakin si kuya.... Na nakangisi? Dafak?

"Di ko alam...kung papayag pinsan m-..."

"Ok lang." Nakangising sagot ni Kuya.

Kaya yun.... Pumunta muna kami sa Snow World.

Gusto ko sana magsled pababa.

"Kuya magsled tayo." Yaya ko kay kuya.

"Ayaw ko, kayo nalang ni Destin." Sagot ni Kuya habang nakangiti. May binabalak to si Kuya. At di ko gusto yun.

"Kuya ano nanaman bibalak mo?" Tanong ko sakanya.

"Type ko si Destin para sayo." Bigla naman ako naubo sa sinabi niya. Dafuk?

"Kuya di nakakatawa biro mo.." Ano kaya pinaplano nito?

"Well, ngayon lang kita nakita na may ganyan na kaibigan, yung iba mo kasing mga kaibigan... Mga..... Babaero?" Patanong niyang sagot. Di talaga kita magets.

"Destin magslide tayo dun." Aya ko nalang sakanya at iniwan ko siya na nakangiti pa ren.

"Uy, sa harap ako." Sabi ko kay Destin at umupo sa harapan ng sled? Malay ko ba kung ano tawag dun. Umupo nalang siya sa likod ko. At tinulak kami pababa sa ice. Naramdaman ko yung thrill ng malamig na hangin sa mukha ko. At nakita ko na pinicturan kami ni Kuya. Pagbaba namin sa sled ay tinulungan kami ni Kuya tumayo.

"Saan sunod?" Tanog ko sa dalawa.

"Sa Surf Dance!" Sabi nila in chorus. Tumawa nalang ako sa ka-childishan nilang dalawa.

Hinila nila ako dun papunta sa Surf Dance at pinila namin ang napakahabang pila. Sa wakas naman ay kami na ang sunod na sumakay. Excited silang dalawa at parang medyo kinakabahan at chill lang naman ako. Sanay naman ako sa mga ganitong ride. Nang nag start na ang ride medyo sumisigaw na ang mga babae at mga ibang lalake. Mga bakla amp. Sa kinauupuan namin sa outer part kami which means kitang-kita ang view. Bali ganto seat arrangent namin.

Kuya - Destin - Ako -> labas na

Anlalakas ng mga tilian ng mga babae parang mga papatayin sa horror movie, kung ano ano pa sinisigaw. Naka sampay lang yung kamay o sa ulo ko. Tinignan ko yung dalawa na ang higpit ng hawak sa railing. Pfffft bakla amp.

Pagtapos na ng pag sasayahan namin sa Star City  umuwi na kami which means pagod ako kakalakad.... Which means si kuya na ang mag d-drive. Habang pauwi na kami nararamdaman ko na ang pag pikit ng mata ko.... Hanggat sa nakatulog na ako.

(A/N : Yan na po ang Part 4. Sorry at medyo natagalan at maikli. Medyo nauubusan ren ako ng ideas eh. Please vote ang comment to let me know what you think of this story. Thanks guys bai~)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Only Mine (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon