Chapter 13

28 0 0
                                    

(Princess Aphrodite's POV)

Para matapos na lahat . Odi tapusin nalang .

"Wag kayong mag alala . Kung ma Co-comatose ulit si Jerome , Ipaatanggal ko nalang yung Life supporter niya . Tutal naman eh .... Yun naman ang gusto niyo diba ? "

Hindi sila umimik . Hindi ko alam kung nag papahiwatig ba sila na ITULOY ko o WAG . Sa Puntong eto na ba . Dito ko na ba Isusuko si Jerome ? Hindi ko alam .....

"Anong Nagyari dito ??? !!"isang nurse na gulat na gulat ng madatnan niya ang mga itsura nilang bugbog sarado . Siya siguro yung Nurse na nag Rorounds .

"Ahmm.. Wala po nag katulakan lang po kami sa Hagdan " Tinaas ni Vincent ang bugbog niyang muka at Ngumiti sa Nurse .

"Hay , Mga kabataan talaga , Sa susunod wag kayong nag haharutan sa Hagdanan, Halina kayo at sumama saakin sa baba at ipapagamot ko kayo "

Sumunod naman silang lahat sa nurse , Hindi ko alam kung napaniwala nila ang nurse o hindi. Tumalikod lang ako at hindi ko na pinagmasadan ang pag alis ng bawat isa sa kanila  Baka kasi tuluyan nang hindi na sila bumalik eh .

Ngayon ay naiwan na kami ni Diamond . Umupo kami sa Bench at nanahimik ng ilang sandali . 

"Diamond sa tingin mo , Magiging selfish ba ako kay Jerome pag ginawa ko iyon ?" kahit hindi ko sinabi , alam na niya kung ano ang tinutukoy ko .

"Siguro... Siguro OO , Siguro Hindi"

"Huh ? Ba-Bakit, Pa-paano mo naman nasabi  ??"

"OO kasi tatanggalan mo na siya ng karapatan para lumaban sa buhay , Tatanggalin mo nalang siya sa mundong ito ng wala siyang kamalay-malay , Sa isang iglap hindi mo na siya hahayaan pang tuparin ang mga pangrapap niya, Alam mo para ka lang papatay sa Legal na paraan .

..... Hindi kasi ...  Kasi hindi naman natin alam .. Malay mo ayaw na din niyang LUMABAN , At isa pa . Mabuhay man siya o mamatay , Wala na din kasi yung Jerome na kaibigan ko , Yung Jerome na mahal na mahal tayo , Lalo ka na ..."

"A-Ano sa palagay mo ang dapat kong gawin ?"

"Hayaan mo na siya na ang kusang Bumitaw . Hayaan mo na kusa siyang sumuko ... "

Kahit hindi ko maintindihan  Ngumiti nalang ako . Hindi naman ako ang Diyos, Wala akong karapatan para kumitil ng buhay

Pinatong ni Diamond ang ulo niya sa Balikat ko at maya maya ay nakatulog nalang din .

Wala pa akong tulog kaya Inaantok na din ako . Hindi na din ako nakatulog ng maayos nung nakaraang araw dahil kakaasikaso kay Jerome ...

Napipikit na ako . Lumalabo na nag mga mata ko . Sana magandang panaginip naman na ang mapanaginip ko 

1

2

3

4 ............

Nagising naman ako ng may narinig ako ng mga yabag ng taong papunta saakin .

"Aphrodite !! Aphrodite !! Wake up !! Wake up !!" 

Pinilit kong imulat ang mga mata ko .Ng nakita kong si Jerome Andrade ang nasa harapan ko

Naalimpungatan naman ako at napatayo , Nagising naman din si Diamond dahil na patid ang ulo niyang nakapatong sa Balikat ko

"Ba-Bakit ngayon ka lang ?" Sabi ko sakanya

"Nakakuha na ba kayo ng Dugo ? Masasalinan niyo naba si Jerome" sabi ni Diamond

"The forgotten Princess "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon