(Princess Aphrodite’s POV )
YOUNG MASTER CALLING …..
Wag nakayong magtaka kung sino siya okay ? Syempre si Jerome Andrade ano ba kayo . Tska yan talaga ang sinave ko na name niya . Pano ba naman kasi kinuha niya yung number ko at pinangalanang “SLAVE” Kala mo naman koreanovela =__________= So nung tyempong kukunin ko na din yung number niya , Hinablot niya yung phone ko at tinype ang number niya at siya pa talaga ang nag save .. At ang pangalang naka save ay ‘Savior’ ang kapalmuks , Kaya pinalitan ko ng ‘Young Master’ HAHAHAHAHA.
So asan na nga ba tayo ? Tinignan ko naman si kuya , Aktong sasagutin na ni Koya yung tawag ko . Pero nahablot ko yung phone ko .
“Ano ba kuya ? Pati sariling tawag ko ikaw ang sasagot ? Ano ba naman yan , Hindi ka ba nagsasawang sumagot ng mga calls mapa international man o Local HA-HA-HA-HA”'
“Whatever Sister , Kala ko kasi wala ka nang balak pang sagutin kaya para hindi naman masyadong sayang sa Load nung tumawag sayo ako nalang sasagot HA-HA-HA”
Tapos biglang natigil yung pag riring =___________________=
Inunlock ko yung phone ko at ang nakalagay ? 1 missed call .
Yan ang sinasabi eh
“Oh Ayan tuloy pinatayan ka na HAHAHAHAHAHA” Sabay tawa si kuya ng nakakainis .
Inirapan ko nalang siya at ako nalang ang tatawag kay Young Master kuno hahahahahaha
Mga nakadalawang ring lang sinagot na agad niya . Ano kayang pangyayaring nagaganap ngayon ?
“Yes Young Master bat po kayo napatawag ?”
“Okay Slave , Patay na si…”
“PATAY NA SI JEROME ?!!!!!!” nagulat naman ako dun , Dahil sa lakas ng pagkakasabi ko nagulantang din si Kuya .
“Baliw ka ba ? Joke lang , Gising na si Jerome mo . Okay na daw siya”
“Ahhh. Thanks LORD”
“Babalik ka na ba dito ?”
“Oo siguro mga mamayang tanghali nalang matutulog muna ako ”
“Huh ?!”
“Anong Huh ?!”
“Hindi mo ba kakamustahin ang pinakamamahal mong si Jerome”
“Bakit ? Naaalala naba niya kami ? Hehe” Natawa ako sa sinabi ko . Alam ko naman kasi na hindi pa
“Baliw ka naba talaga ?!” Narinig kong nagbago ang tono ng pananalita niya
“Hayaan mo na siya . Hindi mo ba alam na ayaw na niya akong Makita hayaan mo muna yan”
“Si Cy.. Si Cyyyril daw ?” Tanong sakin ni Andrade na nagpabago ng ihip ng hangin .
“Ah Yon ba ang hinahanap niya ? Ayon nasa France . Hanapin niya kamo”
“WHAT THE HELL ? FRANCE ?”
“Wala dun nasa Paris pala . Ano paulit ulit na ? Ganon ?”
“Sira , Ang sabi niya gusto niya na Makita as in ngayon na si Cyril”
“Sus . ” Pinatay ko nalang yung telepono . Kung maririnig ko pa kung gaano kasabik Makita ni Jerome si Cyril eh baka masaktan nanaman ako ng bongga . Tutal sabi naman niya hindi naman naniya ako kelangan diba ? Siguro tama na mamaya ko na siya puntahan . Tyka di naman siya mamatay kapag hindi niya ako nakikita , Baka lalo pa siyang lumala kapag nasa paligid ako niya eh .