A/N : Oh bakit ?? May Note nanaman ako noh :D Chapter 3 na ako Push ko pa ito Karakaraka !! Kelan ko ba balak ilunsad ang mga Characters dito bwahahahaha >:D Uyy alam niyo nahihirapan akong mag Lagay ng photo :(( Hindi naga-appear eh . Hoy Itong mga susunod na pangyayari ay hindi ko masyadong Gamay . Kumbaga kung nagkamali ako Walang husgahan huh !! :)
- - - - - - - - - -
"Princess" Nakita kong lumabas ng Room ni Jerome si Mommy na may mga luha sa mga mata
"Kamusta na po siya? Ano pong nangyayari sa loob? Bakit po..."
Pinutol niya ang sasabihin ko,
"Critical na si Jerome,hija. Ma-Malaki na ang posibilidad na hindi na siya magising."
"pe-pe-pero paano pong ??"
"Yun ang sabi ng Doktor . Kanina nung umalis ka humina ang mga vital signs niya "
"Pe-pero paano yun mangyayari mommy eh, Malakas naman po siya kanina"
Yumuko lang siya at hindi ako sinagot .
Agad naman akong Pumasok sa Room ni Jerome
"Te-teka dok , Ano pong ginagawa niyo kay jerome !!?"
Nakita ko kasing Tatanggalin na nila yung mga apparatus na nakakakabit sa katawan niya
"Teka naman po nurse , sandali lang ! Hindi ito pwede, Wag niyo po munang tanggalin !! " Nangingilid ang mga luha ko pero kinakaya ko .
"Iwan niyo po muna kami." narinig ko na boses ni Mommy sa likod
"Je-Jerome !! Jerome !!" niyakap ko siya , Hindi ako makakapayag na Tanmgalan nila ng Life support si Jerome.
Hinarap ko ang doktor ni Jerome at si Mommy
"Ano ba to ? Bakit niyo Tatanggalan ng Life support si Jerome ? Mo-Mommy bakit mo ito ginagawa ? BAKEEEET?!" Napa facepalm nalang ako , Tinakpan ko na ang mukha ko kasi hilam nanaman ng luha ang mga mata ko.
"Doc, iwan niyo muna kami sandali." sabi ni Mommy
Umalis nalang yung doctor.
"Pumirma na ako ng Waver"
"Waver ? Bat niyo naman po pinirmahan ng Hindi niyo sinasabi saakin ?"
"Princess ako padin ang Nanay niya"
"Nanay ?? Paano naman po Ako ? Paano yung nararamdaman ko? Hindi niyo po ba naiisip na Buhay ng anak niyo ang Sinusugal niyo sa gagawin niyo?!"
Hindi ko na pigilan , Naiiyak na talaga ako . Hindi ko nato kaya. T^T
"Kasi hindi mo alam ang nararamdaman ko bilang isang Ina! Nahihirapan ako sa tuwing nakikita ang anak ko na nakahilata dito sa Letseng Hospital na ito !! "
"Paano niyo po yan nasasabi !!? Lahat tayo nahihirapan. Paano niyo nagawang magdesisyon ng ganyan kung Alam niyo na lumalaban siya. Para SATIN !! Ang tagal na po natin dito, Ngayon pa ba tayo susuko Mommy?" Hindi ko maiwasang mag taas ng Tono dahil alam ko na nasa tama ako .
"Mahal ko si Jerome . Ang gusto ko lang naman ay Matapos na ang paghihirap niya"
"At pag namatay siya Hindi na ba siya mahihirapan ? Malalaman niyang sarili niyang Ina .. Sarili niyang ina ang kumuha ng Buhay niya ? OO Girlfiend niya lang ako ? At alam ko pong Ina ka ni Jerome . Pero hindi po kayo ang Diyos !!!"
Hindi nakaimik si Mommy sa mga binitiwan kong mga salita . Kahit ako hindi ako makapaniwala na nasabi ko ang mga bagay na iyon.
"So-Sorry po " Yun lang ang nasabi ko .
"Hindi , ako dapat ang mag sorry . Hindi ko naisip na Nasasaktan ka din "
Hindi lang ako nagsalita , Tinignan ko lang si Jerome . Habang Umiiyak ako
"Nililipat ko na sayo ang Desisyon . Ikaw na ang bahala . Pinirmahan ko na ang waver ikaw nalang ang hinihintay , "
"Pe-pero po ?"
"5 days . 5 days lang , kelangan mo nang mag paalam "
Lumabas nalang siya ng Room .
Ako ? Ako ? Mag dedesisyon sa Loob ng Limang araw ? Niloloko niyo ba talaga ako ? Hindi to pwede .
Mawawalan na ba ako ng Pag - asa o Lalaban pa ako ?
Ipag lalaban pa nga ba kita ? Nahihirapan nako.
Hinawakan ko ang mga kamay niya
"Jerome , Kung ako lang ang tatanungin ayaw ko talaga . Ayokong sumuko sa pagmamahalan natin. Kaya please naman Babes lumaban ka para samin ng Mommy mo "
Ang mga luha sa aking mata tuluy-tuloy lang na umaagos . Hindi ko alam ang gagawin ko .
"Babes, dito ka muna ha? Lalabas lang ako saglit."
Habang ako ay umiiyak na naglalakad, napansin ko nalang na nasa tapat nako ng Chapel ng Hospital. Pumasok ako at nag dasal (-/\-)
Lord , Lord . Wala akong karapatan , Wala kaming karapatan na bawian ng buhay ang sino man. Hindi ko na po alam ang gagawin ko . Bakit ako ang kailangang mag decide ng gagawin . Lord sana po eh Bigyan niyo ako ng lakas ng loob . Sa gagawin ko pong desisyon sana ay hindi ako magkamali. Amen
Binalikan ko nalang si Jerome sa room niya , Mag-iistay na muna siguro ako dito for five days .
Pinakuha ko na ang mga damit ko kay Manong. Naiintindahan naman siguro ng mga Teacher ko kung bakit ako aabsent .
Lumipas ang Dalawang araw at gabi . Hindi man lang dumalaw dito si Mommy . Alam ko , Nahihirapan din siya . Kinausap na niya yung mag nurse na Pagbigyan muna ako .
"Goodmorning jerome !!" Ikatlong araw ko na ito . Natatakot ako, ayaw kong dumating yung panglimang araw.
Bumabagabag padin sa utak ko kung ano ba talaga ang Gagawin ko ,
Tama nga siguro yung doktor, Hindi na nga siguro siya Magigising. :((((
Binibigyan nalang siguro ako Ng Mommy ni Jerome na matanggap ang sitwasyon
Kung Iisipin talaga .
OO Humuhinga pa siya . Pero mga Makina nalang ang Bumubuhay sakanya
Kung tutuusin , Hindi na talaga siya magigising eh , Pinahihirapan ko lang siya
OO buhay siya ngayon pero pano kung Bukas bumigay na siya ? Yun lang din ang pahihinatnan ng lahat ng ito
Dapat pala sa umpisa palang eh hindi na ako Umasa pa
Princess gumising ka na nga sa Katotohanan!! Hayss.
Pero hindi ko talaga to kaya gawin sa Pinakamamahal ko
Pero...paano kung Eto nadin ang gusto niya ? Sa tingin niyo tama ba na isuko ko na siya?
Pero hindi padin ako ang Diyos. Kung ako ang mag dedesisyon parang Pinatay ko siya kung Ipapatangal ko na ang Apparatus .
Pero kailangan ko ng magDesisyon
Masakit talaga para saakin . Si Jerome nalang ang Meron ako . Siya nalang talaga . Tapos ako pa talaga ang Gagawa nito ??
Umiiyak ako , Iniisip ko ang mga pangayayari . Iniisip ko na lahat ng Posibilidad . Sana wag lang akong mag kamali
Mahal na mahal kita, alam mo yan ..................... Unti unting nadudurog ang puso ko sa gagawin ko . Sana ako naang ang naaksidente nang hindi ako nahihirapang ng ganito ....... Sorry na din sa lahat ng ginawa ko at sa gagawin ko . lagi mong tandaan na Mahal na mahal na mahal kita .
NAKAPAG DESISYON NA AKO