Chapter 12

37 0 0
                                    

(Princess Ahrodite's POV)

Kinuha nila si Jerome Andrade para kuhaan na ng dugo . Matagal tagal din . Almost 2 hours na nawala si Andrade . Kahit na maluwag-luwag na ang paghinga ko . Hindi ko pa din lubos maisip na hahantong nanaman sa Ganitong sitwasyon si Jerome .

Sa pakiwari ko , bakit ba ako nalang lagi ang may kasalanan . Kahit sinisisi ko na ang sarili ko , Wala naman talagang nangyayari . Kasi naisip ko na .... Kahit umiyak ako dito , hindi ko na maibabalik ang memorya ni Jerome , Hindi ko masasalinan ng dugo ang taong pinakamamahal ko .

Kahit na nag dedelikado si Jerome sa Loob ng room na iyan , Ni isa saamin ay walang nag tangakan pumasok . Kung meron man , Ang mga doctor at nurses lang ang pumapasok roon .

"Kung dugo ko lang ay B positive ........" Sa gitna ng aming katahimikan nag salita si Carl

"Kung dugo mo nga ay B positive ? Ano ? ....."

"Baka hindi din ako mag donate" Nabigla kami sa sinabi niyang yoon . 

Minsan nasagi din sa Utak ko na sana... sana .. HINDI KO NALANG HINADLANGAN ANG PAG TANGGAL NG LIFE SUPPORTER niya .  Bakit ? Kasi mas masakit pa palang makalimutan ka niya .. Kesa sa malaman mong nawala siya .

Bakit ko nga ba nasasabi ang mga bagay na iyo ? Alam niyo siguro kasi ... Kasi nag bago siya , Hindi na siya yung dating JEROME GLAZEN na nakilala ko . Kahit kelan Hindi niya ako magagawang saktan . Pero ngayon .. Wala na ata siyang pakielam , Nasugatan niya ako pero ano ? Pinalayas niya lang ako ng kwarto niya .

Pero .. Naisip ko yung mga sinabi ko kay Mommy ...

Kung sakaling hindi ako tumutol , Parang napaka SELFISH ko naman .

Hindi nga ako naging selfish ngayon kaso naging SELFLESS naman ako ngayon .

"Bakit carl huh ? Bakit ? Dahil ba nakalimutan ka na niya ? Dahil ba Hindi na niya tayo makilala ?!! Ganon ba yon carl ? Kaibigan mo iiwan mo ? " sabi ni Renier habang kwine-kwelyohan nito si Carl .

"Teka nga pare ? Ano Talo talo na ba tayo huh? Ganyan na ba ?" Tinulaktulak naman ni Carl si Renier

"Tama naman si Carl eh , siguro i dodonate ko kay Jerome ang dugo ko , DUN SA JEROME NA KILALA KO DATI , DUN SA JEROME NA KAIBIGAN NATIN " napatayo na din si Angelo na Tumabi kay Carl

"Teka hindi naman ata tama to , Hindi naman pala kayo nga tunay na kaibigan eh , nang iiwan pala kayo eh .." Sabi ni Vincent na nakaupo lang habang halatang halata sa muka niya na Tila ba naasar siya .

"Eh ano bang gusto niyo talagang Mangyari ha ??!! Mag iwanan nalang ganon ganun nalang yon ?" Sabi ni Louis sabay tayo .

Tumalikod si Carl at Angelo , 

"Aalis na lang kame , Nakakapagod din maging TUNAY NA KAIBIGAN" sabi ni Angelo

"Teka " tumayo si Vincent at Hinablot si Angelo sabay umakma ng suntok .

Sapag kakakilala ko kasi kay Vincent , Siya yung tipo ng taong ayaw niyang tinatalikuran siya

Pero hindi itinuloy ni Vincent sa halip at binaba niya ang kanyang kamao .

"Ano ? Ano ? Ituloy mo pare, Ituloy mo .." Sabi ni angelo , Pero hindi itinuloy ni Vincent

Ng biglang si Angelo ang sumapak kay Vincent .  Napahawak sa muka si Vincent at pinunasan ang dugo sa labi nito . Tinignan nito ang pulang pulang dugo sa mapuputi niyang kamay .

"Wala... wala kang kwentang kaibigan " Tinignan ni Vincent si Angelo at mayamaya ay Sinapak ito . 

Nag kagulo silang lahat , Sapak dito , Tadyak doon , Tumatalsik ang dugo sa bawat sapak nila . Si Diamond naman ay Litong lito at hindi alam ang gagawin sakanila

"Princess !! Princess , Tumawag ka na ng Guard oh , Sigi nanaman " Pag mamakaawa saakin ni Diamond

Pero hindi ako umimik 

"Uyyy.. Tumigil na kayo dyannn .. Uyy Tama na kasii .." Patuloy lang ang pag pigil ni Diamond sakanila , Nakikita kong Umiiyak na ding ang matalik kong kaibigan .

Tumayo ako , Tuluyan nang kumawala sa Mga mata ko ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan

"Tama na.. TAMA NA !!!" sigaw ko sakanilang Lahat . Sa isang iglap ay tumigil silang lahat sa mga Kalokohang ginawa nila .

"ALAM NIYO .. ALAM NIYO NAPAKA SELFISH NIYONG LAHAT . WALANG KWENTANG KAIBIGAN BA HUH ? HINDI NIYO BA NA PANSIN NA LAHAT KAYO WALANG KWENTA ??" 

Humagulgol sa iyak si Diamond , At niyakap ako , Inalis ko ang kamay niyang naka akap saakin .

"Pasensya ka na Diamond *napatakip nalang siya sa muka niya , hinarap ko naman na ngayon ang mga lalaking ito* , Carl ? Angelo ? Louis ? Vincent ? Renier ?  Umalis kayong lahat . Sige , Ganyan naman eh . Wala naman talaga sainyo ni isa ang nag mamalasakit kay Jerome eh , Mabuti pa't mawala nalang kayo , Imbis na Humanap kayo ng solusyon , KAYO PA ANG NAGIGING PROBLEMA , Okaya naman Iuntog untog niyo ang Ulo niyo dyan sa Pader , Ng MAWALAN NA KAYO NG ALAALA , NG MAKALIMUTAN NIYO NA LAHAT . Tutal yan naman talaga ang Gusto niyo eh Sige ..."

Tinitignan ko silang lahat ngayon , Hindi sila makatingin saakin ng maayos , May sabog ang nguso ang iba naman ay parang nabalian ata ng braso .

"Masakit no ? Pagod na nga kayo sa pagiging TUNAY NA KAIBIGAN , Nag bugbugan pa kayo . Ganito nalang , Tumalon nalang kayo , Ng Mamatay na kayong lahat . Tutal pagod na kayo eh . Kasi hindi naman kayo nakakaintindi eh , Minsan ba na itanong niyo saakin na PAGOD KA NABA ? Hindi diba ? Ayaw kong mag reklamo , Ayaw kong bumigay , Alam niyo kung baket ? Kasi ayaw kong makita niyong nahihirapan ako ? Kayo na nga lang ang Inspirasyon ko oh , Pero tignan niyo naman ang mga sarili niyo ....."

Tumalikod ako at sabay humagulgol ng Iyak . Pag tingin ko sa Itaas nakita ko ang isang Orasan 

alas 5:00 na pala ng Umaga Hindi padin bumabalik si Jerome Andrade 

Nagulat naman ako dahil Apat na oras na wala pa siya .

Hinarap ko sila , pero bago yun ay pinunsan ko muna ang luha ko

"Apat na oras na , wala pa si Jerome , Ayan na oh . Masaya na ba kayo ? 20 hours nalang ang natitira .. Mawawala na si Jerome Glazen yan naman kasi ang gusto niyo diba ?....."

Tumulo ang luha nilang lahat .

- - - - - - - - 

Vote && Comment 

"The forgotten Princess "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon