Not yet the right time (4-13-16)

33 2 0
                                    

Hi guys! Oh my gosh! Salamat at nasagutan ko ang nat sci ng matino! Grabe na this! <3 Sarap sa feeling. Kaso IT at PolSci naman bukas. Oh fudge! Kailangan talaga mag-aral :(




But wait, lalandi lang muna ako saglit.




Kanina gumawa ako ng poem tungkol sa feelings ko kay kuya management. Tapos dinikit ni Justine. Mukhang tanga kami. Alamniyoyun. Napakain pa ako ng ice-cream nang wala sa oras.




Tapos totoo ba yung 7 signs of love? Kasi sabi ni Justine kanina nung tinignan namin sa veranda si kuya management, tawagin ko daw ng 7 times tapos pag lumingon it means naririnig niya yung puso ko na tinatawag siya. Nung una di ko sineseryoso pero nanahimik ako tapos bumulong ako tapos tinawag ko siya. 6 times palang bigla siyanh tumingin. *blush* of course, baka naman nagkataon lang pero mas naniniwala kasi ako sa destiny. Na lahat ay may dahilan.




So bumaba kami. Nakita ko pa si Charles. Kaya niyaya ko siya baka kasi nasa waiting shed pa si kuya management. Pero wala na siya eh :(





Pero y’know what? Meron akong natutunan kay Justine ngayon at alam ko na tatatak ‘yun saakin. (Nice, special ka sa araw na ‘to.)




Sabi ko kasi sakanya, since nung parang nafeel na ata ni kuya management na gusto ko siya, hindi na niya kami pinagtatagpo. Kapag papasok kasi ako dati magkakasalubong kami sa gate or pag pauwi na siya makikita ko pa siya na nag-a-out sa guard house or nag-aabang ng jeep sa waiting shed.




Nalulungkot syempre ako pero eto nga ang sinabi ni Justine...




“Malay mo kaya hindi pa kayo pinagtatagpo kasi the next time na magkikita kayo, ready na kayo na sabihin na gusto niyo talaga ang isa’t-isa. Kasi ngayon marami pa kayong tanong na hindi masagot. Ni-reready pa siguro kayo ni Lord. It’s not yet the right time pero darating din ‘yun.”





OHA! HAHAHAHAHAHAHA! PAINS! Kaya love ko to eh. Lols. Meow! <3





Okii.

The Aya FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon