(YAEL'S POV)
*AFTER 1YEAR*
1styear College na kami...
Magkakasama paren kami sa iisang school :)
Si Angel naman ayun namatay saktong pagdala sknya sa hospital namatay na siya..
"Hoy pre tulala ka nanaman dyan. Sama ka samin nila amber?" Sabi ni kyle
"San lakad nyo?"
"Mall lang. Simula kasi nung alam mo na... naging malungkot na tayong lahat" Sabi naman ni xave
Oo nga haaaaay :( Simula nung na coma si elle naging malungkot na kaming lahat
Parang wala na kaming gana.. Lalo na ako at si amber
Hanggang ngayon hindi padin siya gumigising... Miss ko na siya :(
"Ahh kayo nalang pupunta nalang ako sa hospital"
"Hay nako pre araw araw kanang nandun uso mag relax minsan" sabi naman ni rom
"Okay lang ako. Kayo nalang igala nyo yung girls para malibang naman"
"Osige basta sunod nalang kami sa hospital pag tapos namin mag mall" Sabi ni kyle
(HOSPITAL)
Pag pasok ko sa room niya kiniss ko siya sa noo at tumabi saknya
"Hi baby elley miss na miss na miss na kita" naiiyak nanaman ako -__-
Tuwing dinadalaw ko nalang siya lagi nalang ako umiiyak..
"Kelan ka ba gigising dyan? Masyado ka ng nagpapamiss samin, 1yr na elley. 1year ka ng natutulog dyan gumising ka naman oh! "sniff* nahihirapan na din kasi ako eh ayokong nakikita kang nandyan gusto ko araw araw kitang kasama,gusto ko sabay tayo papasok,kakain at uuwi. Please gumising kana sige ka mangbababae ako. haha jk lang ikaw lang mahal ko"
Lagi ako nangdadrama sknya pag pumupunta ako dito..
Lagi ko siya ginigising..
Nagbabakasakaling pag dating ko dito o kaya pag nagdrama ako sknya eh gumising siya
Pero wala padin :"( 1year na...
Siya parin ang mahal ko hindi ako tumingin sa ibang babae siya lang talaga..
Sknya lang ako...
Nagulat ako ng biglang gumalaw yung isang daliri niya..
Kaya napatayo ako bigla at tinawag yung doctor
"ELLEY" sabi ko sknya
"Y-yael"
Naiiyak nanaman ako </3 Narinig ko na ulit yung boses niya..
Sobrang namiss ko yun..
Niyakap ko siya agad
"Sobrang namiss kita e-elley"
"Hoy hindi ako makahinga" sabi niya
kaya napabitaw agad ako sknya
"Anoo nakakahinga kana ba? Okay kana ba? Ano gusto mong pagkain?"
"Na coma lang ako naging OA kana" sabi niya
Haaay hindi na siya nagbago haha
"Sobrang namiss lang talag--"
Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil biglang nagbukas yung pinto
O_____O ganyan itsura nila kyle pagpasok nila
"ATEEEEEEE"
"ELLEEE"
sigaw nila sabay yakap kay elley
"Hoy magsilayo nga kayo baka hindi yan makahinga" hinila ko sila palayo kay elle
"Sorry sobrang namiss lang talaga namin siya"
"namiss ko din kayo ^__^" sabi ni elle
Sheeeeet namiss ko yung ngiti niya <3
Grbe hanggang ngayon itong babae padin na to ang mahal ko.. At sinisigurado kong hindi ko na to papakawalan :">
