(ELLE'S POV)
Haaay ilang araw na kaming hindi nagkakausap ni yael
masyado na silang naging busy sa training nila
tapos may pinapaasikaso pa daw sknya yung dad niya...
Ang boring tuloy :( Miss na miss ko na siya..
"Hoy tulala ka nanaman dyan!" sabi ni benz
Naging super close na din pala kami nyan.. Siya kasi lagi sumasama sken pag wala si yael
"Wala namimiss ko lang si yael"
"Hay nako. Intindihin mo nalang siya"
"sabi ko nga eh"
"tara lakad lakad nalang muna tayo"
ayun naglakad lakad lang kami dito sa campus -___-
Nung dumaan kami sa gym nakita ako ni yael kaya tumakbo siya palapit samin
"Elley, hindi muna kita mahahatid ulit ah? Pinapapunta ako ni dad sa office nya mamaya eh" Sabi ni yael sakin
"Okay lang. Sige ingat ka mamaya" kahit hindi okay :( Haaaay
"sige baby. Ah benz ikaw na muna bahala kay elley ah?" sabi nya. Nakalimutan ko palang sabihin sainyo na medyo okay na silang dalawa MEDYO lang naman :)
"Sige pre" sabi ni benz
Kiniss lang ako sa cheeks ni yael at bumalik na sa gym.
Haay namimiss ko na talaga siya
"Hoy!!!!" sigaw ni benz
"AYNAMIMISSKOSIYA"
"HAHAHA EPIC FACE ELLE"
"sapakin kita dyan eh! bat ka ba kasi sumisigaw?"
"Tulala ka nanaman kasi dyan! Tara na nga baka hinahanap na tayo nila amber"
"Ehhh pakiss muna" Sabi ko sknya
Hahahaha sarap talaga pagtripan nitong lalaking to.
"A-ano?"
"hahahah joke lang epic face benz"
"ikaw sapakin ko dyan eh tara na nga!!!!" HAHAHA nainis siguro. Nauna siya naglakad sakin
Nung nasa canteen na kami kinawayan kami nila amber kaya pumunta agad kami dun.
"san ba kayo nagpunta dalawa? ang tagal nyo ah" sabi ni amber
"Nagdate kami. Diba bebe benz?" pang aasar ko kay benz hahah
"OMG pinagpalit mo na si kuya kay benz? pero okay lang boto din naman ako kay benz" sabi naman ni mae
"Wag kayo maniwala dyan kay elle, baliw na yan!" sabi ni benz hahahaa
"Hindi kayaaaaa! Kiss mo na kasi ako bebe benz" sabi ko sknya haha
nagulat ako ng biglang lumapit yung mukha nya sakin
"Gusto mo ba talaga?" sabi niya sakin habang nakatitig sakin tapos titingin siya sa lips ko
DUG.DUG.DUG.
halaaa hindi pwede to!!!!!!!! patay ako nito kay yael
"H-hoy j-jinojoke ka lang eh" hala nauutal ako
"hahahahha epic face elle. May pagnanasa ka siguro sakin no!" sabi ni benz
"sapak gusto mo?" sabi ko
"Hoy easy lang kayong dalawa. Mamaya mainlove kayo sa isat isa" sabi ni liana
"ako gusto ko naman talaga si elle matagal na" proud na sabi ni benz.
"Edi ikaw lang pala elle ang mag-ingat. Baka mamaya hindi mo alam nahulog kana dyan kay benz" sabi ni liana
"Yuck. pwede ba tigilan nyo ako!" sabi ko.
Pano nga kaya no pagnainlove ako dito kay benz? Pano na kaya kami ni yael?
