(ELLE'S POV)

andito kami ni amber at benz sa hospital..

Hinihintay yung result...

biglang lumapit yung doctor samin ng nakangiti..

"Congrats Ms. Ayes you are 1week pregnant" 

b-buntis a-ako? Sinong ama?

"Congrats mr. magkakaanak na kayo" sabi niya pa kay benz

niyakap ako bigla ni benz..

hindi padin ako maka react.. Masaya ako pero naguguluhan din kasi hindi ko alam

kung sinong tatay nito..

hinawakan ni benz yung pisngi ko

"Papanagutan kita.. Kahit sino pang tatay niyan samin ni yael akong tatayong ama. Hindi ko hahayaang mapunta ka ulit kay yael, ayokong masaktan ka ulit" kiniss niya yung forehead ko..

"So pano yan ate? Ano ng balak mo?" 

"Pumuntang states, pumunta kay mom." Nasa states kasi si mom inaasikaso din yung ibang business namin..  Busy na siya simula nung namatay si dad

"Sasama ako sakanya" nakangiting sabi ni benz

"Feel na feel mo naman pagiging tatay" sabi ni amber

Kaya natawa ako..

"Syempre naman... Kaya ikaw elle lagi ka susunod sakin ah?" 

"opo itay" sabi ko..

"itay ka dyan.. Sapak gusto mo?"

"subukan mo...ng hindi ikaw ang gawin kong tatay ng anak ko" pagbibiro ko sakanya

"Joke lang ito naman" hahaha

"Hahaha under ka na nyan benz. Ngapala kelan punta niyo ng states?"

"siguro next week magaayos lang kami.. Wag mo sasabihin sakanila to amber hanggat hindi pa kami nakakaalis wag mo muna sasabihin na buntis ako"

"okay ^_^" 

Haaaay. Kaya ko to! magiging mommy na ako ^___^

--- ---- ---- ---- ---- ----- 

(YAEL'S POV)

Bakit wala sila amber dito sa school?

"Sila amber?" tanong ko kay mae

"Ewan nga eh.. Wala sila. Hindi macontact" 

Saan kaya yun? Namimiss ko na si elle </3

Pinagbabawalan naman ako ni mae na lumapit kay elle kasi daw sinaktan ko daw kaibigan niya..

Nagseselos ako sakanila ni benz pero wala naman na akong karapatan..

"Hoy pre san ka?" tanong ni xave.

"Dyan lang.." lumabas na ako ng room.

Naglakad lakad lang!

"Y-yael" sabi ng babaeng nasa harap ko ngayon..

Bakit bigla akong kinabahan..

"M-may sasabihin ako sayo" sabi niya

"Ano yun?"

"B-buntis ako.. 1week pregnant" sabi niya

Nagulat ako.. Hindi ko alam kung anong irereact ko..

"d-demonisse.." yan lang nasabi ko

"Don't worry wala naman akong sinabi na panagutan mo.. Gusto ko lang ipaalam sayo na ikaw ang tatay nito" aalis na dapat siya pero niyakap ko siya

Kahit naman na siya yung may kasalanan kung bakit kami naghiwalay ni elle nasa kanya padin ang magiging anak ko..

"Papanagutan kita" yun lang nasabi ko..

Umiyak naman siya..

"S-sorry.. Sorry sa nagawa ko sainyo ni elle" 

"Hayaan mo na yun. Nangyare na eh.. Basta papanagutan kita.. Araw araw ka sasama sakin para mabantayan yang baby" sabi ko

Kahit hindi ko siya mahal kelangan kong panagutan dahil anak ko yun...

Magkasama na kami ni demonisse ngayon... papunta kaming canteen kasi andun daw sila kyle

Pagdating namin dun andun na din pala sila elle

"Elle anong gusto mong kainin? ^_^" sabi ni benz

"Hmmm. Ice creaaaaaam" sabi ni elle at nagpacute pa kay benz.

Naiirita ako! dapat sakin ginagawa ni elle yun -___-

"Kumain ka ng kanin pati mga masusustansyang pagkain" sabi ni benz

"Bakit? may sakit ba si elle?" tanong ni mae..

"Walaaaaa! OA lang talaga to si benz ^_^ " sabi ni elle

"OA ka dyan! Sigena bibili na ako" 

umalis na si benz...

--- ---- --- --- ----- ---- 

(ELLE'S POV)

"Ikaw demonisse anong gusto mong kainin?" tanong ni yael sknya..

So pinanindigan na niya yung relasyon nila ganun? Dahil ba wala na kami kaya magagawa na nila yung gusto nilang gawin? -__- 

Naiirita ako...

"A-ah kahit ano nalang"

"Sige.. Kakainin ka ng marami ah!" tapos umalis na din si yael para bumili ng pagkain..

"E-elle sorry" biglang sabi ni demonisse

ngumiti lang ako sakanya

"S-sorry elle.. Pinagsisihan ko na. Dapat hindi na ako naghiganti sainyo"

"Okay na yun ^_^" sabi ko..

"Friends?" 

"yeah" tapos nag shake hands kami..

Buti naman okay na kami ni demonisse bago ako umalis ng bansa :D 

A Love Story in a Gangsters World (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon