(AMBER'S POV)
Haaaay namimiss ko na babe ko :(
Andito kami sa room ngayon nila ate elle...
"Nakakamiss naman sila haaay" sabi ni mae
"Pano pa ako diba? Busy na sa varsity busy pa siya sa company nila" sabi naman ni ate
"Sabagay, Nakakasama pa naman namin sila eh pero kayo ni yael parang 1 beses sa 2weeks nalang nakakapagusap eh" sabi ko
Totoo naman eh naawa na nga ako kay ate kasi minsan naririnig ko siya umiiyak pag gabi -__-
Buti nga naapasaya pa siya ni benz eh... Mas nagiging boto na tuloy ako kay benz
"Wag na nga kayo magdrama dyan" sabi ni liana
"bakit hindi mo ba namimiss si rom?" tanong ni mae
"namimiss din naman. Pero intindihin nalang natin tara tingnan naten sila sa gym" sabi nya
So ayun nga papunta na kami sa gym.
pero wala dun sila kyle
"Asan sila yael?" tanong ni ate dun sa ibang team mates nila yael
"Ah bumili lang ng lunch namin" sabi nung isa
"kasama nila si kyle?" tanong ko, ewan ko ba may iba akong nafefeel ewan ko kung ano..
"Ah hindi si kyle andun sa loob nagpapalit ng damit"
"Ah sige puntahan ko lang" sabi ko
"a-ah eh wag na hintayin mo nalang dito" sabi nung isa pa nilang team mates
Parang may iba talaga akong na fefeel.
"Pupuntahan ko na" sabi ko
"Ah sige hintayin nalang namin din sila yael dito" sabi ni ate
Pumasok na nga ako dun.. May parang room kasi dito sa gym na liguan at bihisan ng mga varsity
Pag pasok ko...
O_____O
10%
50%
85%
100%
Shit. shit.shit.
Nasa harap ko ngayon si kyle nakikipag halikan sa babae at ang malala nakahubad na yung babae </3
"ehem" sabi ko.. Kaya mo yan amber magpakatatag ka lang! Wag tutula ang luha
nagulat si kyle ng makita ako
"A-ah babe makinig ka muna sakin" sabi niya sakin habang hinahawakan yung kamay ko
"Para san pa kyle? Kitang kita ko na. Wag kana mag explain okay? Sige bye" nagmadali akong lumabas dun dahil tutulo na yung luha ko!
Paglabas ko dun andun na sila yael kakwentuhan na nila ate.
Nakita nila ako na umiiyak kaya lumapit sila sakin
"Ambe anong nangyare?" sabi ni ate
Shit talaga. Antanga ko bakit ko pinakita kay ate na umiiyak ako baka kung ano nanaman gawin nun.
Bago pa ako makasagot dumating si kyle
"Babe please. Mag eexplain ako" sabi ni kyle