Patricia POVHayss.. ito na naman ang buhay makakaharap ko na naman yung bwiset na lalakeng yun.. -__-
Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho matagal ko na yun nilayasan.
" Ma! Alis na po ako! "
" Osige anak! Mag-iingat ka ha! " Mama
"Opo. "
Pagkatapos kong magmano lumabas na ako agad ng bahay.. at kung minamalas ka nga naman makikita ko pa pala yung demonyo kong boss.. kaasar!
" Oh Tricia! Sabay ka na sakin! Pareho lang naman tayo ng hmmmmppp! " Boss
Bago niya pa sabihin ang dapat niyang masabe tinakpan ko na agad yung bibig niya. Bwiset na toh ipapahamak pa ako! >__<
Oh nakalimutan ko pala! Siya si Daniel Padilla! Di jwk lang! Siya si Vince Lance De Leon 18 years old na nagmamay ari ng maraming company sa buong mundo. At siya din ang boss kong epal.
" Boss naman eh! Diba napag usapan na natin na walang makakaalam na nagtratrabaho ako sa coffe shop mo! "
" Tssk.. Arte mo.. malalaman din naman nila yan eh. " Vince
" Alam ko. Wala naman akong sinabeng hindi nila malalaman diba.. Naghahanap lang ako ng tyempo. Kaya kung pwede Boss Vince pakisara ng mabuti iyang bibig mo kasi masyadong madaldal. "
Oh diba ang galing lang! Pwede kong pagalitan boss ko! Siya naman nagsabi na ituring daw namin siyang kaibigan kaya lang enemy ko siya eh.
" Kung gusto mong makarating ng maaga sa trabaho sumakay ka na sa sasakyan bago pa magbago ang isip ko. " Vince
Pssh.. Sungit nito!
Wala na akong nagawa kundi ang sumakay na lang. Maganda rin yun para matapos ko na ng maaga ang trabaho ko at makapasok sa school ng maaga.. Pero parang may binabalak na masama itong lalakeng ito eh.
Naku! Pag ako talaga pinagtripan niya ulit gaganti na ako!
Pagkatapos ng napakatahimik na byahe na alam ko naman na may balak lang talaga siya ay nakarating na kami agad sa shop.
" Salamat. "
Hindi ko na siya pinagsalita pa at tumalikod na ako agad. Mamaya kasi may gawin pa siya eh. Madamay na naman ako. -__-
Pagkapasok ko sinuot ko na agad yung apron ko at..........
Waaaaah!!!! Bakit ang daming ipis ng pocket nito!!!
" Waaaah!!! Ano ito!! "
Pagkaalis ng mga ipis na nagdagsaan sa bulsa ko may nakita akong note at nakalagay doon.....
' Be ready next time. '
- Vince
P.S
Pumunta ka sa bahay mamaya.
Bwiset kang Vince demonyo ka!!! >__<

BINABASA MO ANG
UNDEVELOPED LOVE
Teen FictionHindi mo siya maintindihan, kasi sobrang magkaiba ang ugali ninyo.. Pero kailangan niyong magkasundo for the sake ng pamilya mo. Kailangan mong magpanggap na masaya ka sa kanya kahit hindi naman. Oh diba parang kakaiba lang. Yung iba dyan ang bilis...