The Undying Game

11 0 0
                                    

Patricia POV

Talaga bang manhid itong FIANCE ko?!

Oo! Sanay na akong tawagin siyang FIANCE! Eh ano pa nga bang magagawa ko, next week na ang kasal namin..

Tss.. pero yung G*gong yun balak pa ata ako bigyan ng present bilang FIANCE niya!

Promise hindi ba siya nagsasawang pahirapan ako?!

Kani-kanina lang kasi habang kumakain ako bigla ba naman akong binugahan ng juice?! Heloo!! Nanggaling kaya sa bibig niya iyon!! As in nakakadiri lang talaga!! >__<

Pero siya?? Well ganito lang naman....

<__<

Argggh!!! Sobra siyang nakakaasar!!

Ni hindi manlang nakuhang mag-sorry?!

Pero papalagpasin ko siya... humanda siya sa araw ng kasal namin!!!!~~~

Vince POV

~~ Araw ng Kasal ~~

Where the damn hell is that woman?!?

Hindi niya ba alam na 1 hour na siyang late for pete's sake!!!

" Calm down son, dadating din si Patricia.. "

Pag aalo sakin ni mama.

Napatiim bagang naman ako.

" How the damn hell can I calm down mom?! My bride is nowhere to be found!!! You know how much I want this wedding to happen!! "

Why the hell are you backing out right now tricia?

" Pasensya na po. But I need to go, may tatlong kasal pa po akong aatinan. "

sabi ng pari.

" But fath-- "

" Let him be. "

Yumuko lang ako habang ang kamao ko ay gusto ng sumuntok.

Umalis na ang pari ng nagsimula akong guluhin lahat ng nakahanda.

" Son, please just calm down!! "

Paninita ni papa.

Napaluhod naman ako sa harap ng altar habang lumalapit na sa akin si mama.

" She didn't come...."

mahina kong bulong...

Niyakap ako ni mama habang ako nakatulala lang sa altar. 

" Why the hell she didn't come?!!! "

Pagsusumbong ko kay mama na parang bata.

" I love her so damn much mom. You know that right? "

Sabi ko kay mama habang humihigpit na ang pagkakayakap ko sa kanya at unti-unti na ring nag uunahan ang mga luha ko.

Yes! I loved her! Ginawa ko na ang lahat! Nakiusap na rin ako sa mga magulang namin pero.... Just fuck it!!! Ganun na ba niya ako kaayaw??

Bigla namang lumuwag ang pagkakahawak sakin ni mama kaya napatingin ako sa kanya. Gulat naman siyang nakatingin sa labas ng altar kaya tumingin din ako.

Damn it!!! 



Patricia POV

Nandito na ako sa labas ng altar. Actually nauna ako sa kanila dito eh! Haha inaasar ko lang siya! Payback time!

Narinig ko namang nagring yung phone ko kaya kinuha ko ito sa purse ko at tiningnan..

Sinagot ko na ito at di na tiningnan ang I.D caller.

'hello?'

'O-Oh my gosh pat!! Pumunta ka na dito! N-nagwawala na si boss!!'

Bigla naman akong napalunok. Isa lang ang pinakatatakutan ko sa kanya. Yun ay tuwing nagagalit siya.

' A-ah.. s-sige malapit na a-ako.. '

Ibinaba ko na ang tawag at bigla naman akong namutla.

Ano ba itong katangahan kong ginawa?! Shucks! Sure ako galit na galit na siya sa akin!! >__<

 Lumabas na ako ng kotse at nagmadaling pumunta sa altar.

Hindi ko mapigilang kutusan ang sarili ko. Kinakabahan talaga ako!!

Pagkadating ko sa Altar nakita kong nakaupo sa lapag si Vince habang nakayuko.

Gosh... anong ginawa ko??

Bigla namang bumaling ang tingin nila sa akin at napatingin na din si vince.

Tiningnan niya ako ng blanko at biglang tumayo at nagmadaling lumapit sa akin.

Hinapit niya ako sa bewang at hinawakan ng madiin ang batok ko at siniil ng halik.

Gulat na gulat ako kaya hindi ako naka-react agad. Na-realize ko na lang ng natapos na yung halik.

o__o he just k-kiss me?!!

" You're so damn late woman!! "

Bulong niya sa teinga ko. Shucks! Biglang nagtaasan yung balahibo ko.

" But you're still going to marry me either you like it or not. "

Madiin niyang salaysay sakin at kinaladkad ako sa kotse niya.

" Sakay. "

Tinulak niya na ako sa loob at sumakay na siya sa kabilang dulo at nagmamadaling nagmaneho.

" T-teka lang!! San tayo pupunta? "

Biglang tumiing ang bagang niya at humigpit din ang hawak niya sa manibela.

" Your not going to escape me again Tricia, I.am.not.letting.that.happened.again. "

Napalunok naman ako bigla. Galit nga talaga siya!! T__T

UNDEVELOPED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon