Magandang Umaga sa world!
Ako nga pala si Patricia Anne Guillado ang pinakamagandang dyosa sa balat ng lupa..
Oh diba maganda na nga dyosa pa! choss...
Isa akong waiter sa pinagtrarabahuhan kong Coffe shop. Bale working student ako. Kailangan ko kasing makapagtapos para maibili sila mama ng isang higanteng mansyon!
Haha. Yun kasi ang pangako ko sa kanila eh. And ayokong nagbrebreak ng pangako. Kaya gagawin ko ang lahat para makuha ang gusto ko.
Pero mukhang mahihirapan ako.
Unang-una kakalipat lang ng boss ko sa mismong tapat ng bahay namin. Kasama ang pamilya niya. Not as in may asawa na siya! Ang bata pa kaya nun. Halos magkaedad lang kami.. Mayaman nga lang siya.
Pangalawa, beastmode ako sa boss ko. Kasi pinagtritripan niya ako sa trabaho. Sabi naman ng mga co-workers ko na ganyan lang talaga si boss sa mga bagong tauhan. Pero hindi na makatao yung ginagawa niya eh! Biruin niyo lagyan daw ba ng pupu yung uniporme kong pangpasok sa school! At sa sobrang madali ko nun kasi malalate ako sa klase kaya naisuot ko yun.. Hindi tuloy ako nakapasok sa school ng dahil sa kanya!
Pangatlo, Hindi alam ng magulang ko na nagtratrabaho ako. At ang malala pa laging dumadalaw yung bwiset kong boss sa bahay namin at nakikipagkwentuhan sa mga magulang ko. Ano ba kasing trip niya?
Pang apat, Magkababata yung magulang niya at magulang ko at meron daw silang pangako na ang magiging anak nila ay magpapakasal pagka-18 year old nila. And sa sobrang malas ko 18 na ako pati yung mokong na yun.
And now I am secretly married to a guy na kahit kailan hinding hindi ko makakasundo.

BINABASA MO ANG
UNDEVELOPED LOVE
Fiksi RemajaHindi mo siya maintindihan, kasi sobrang magkaiba ang ugali ninyo.. Pero kailangan niyong magkasundo for the sake ng pamilya mo. Kailangan mong magpanggap na masaya ka sa kanya kahit hindi naman. Oh diba parang kakaiba lang. Yung iba dyan ang bilis...