Stephanie POVHayy salamat! Buti naman nakarating ako sa classroom namin on time!
Halos liparin ko na nga yung hagdanan namin dito dahil nasa pinakatuktok kami..
First day din ng last year namin ito sa highschool!
" Uy bespren! Buti naman magkaklase na tayong year! "
Yan nga pala si Anael Dela Fuerte bespren ko since Grade 3. Ang huli naming pagiging classmate ay yung first year pa. Kasi naging tuloy tuloy kong naging kaklase si Drake Gomez. -__-
Until now kaklase ko parin yang Drake na yan! Kalahi kasi ni Monster boss yan eh! Kaya nakakairita! Mas palangiti nga lang si Drake kesa kay Vince..
" Uy! Flashback pa more? Ano bang iniisip mo dyan!? " Anael
" Sino pa ba?! Edi yung dalawang kulugong ayaw tigilan yung pangungulit sakin! "
" Oh.. Sina Drake at Boss Vince.... " Anael
Sa Coffee Shop din nagtratrabaho si Anael. Bale day off niya kasi ngayon kaya wala siya sa shop.
" May iba ka pa bang naiisip na kaaway ko? "
At nag isip pa talaga siya! >__<
" Ah! Meron pa bespren! Sila Hershey! " Anael
Ay talaga naman oh! Pinaalala pa talaga sakin!
Hindi ko naman magiging enemy yan si Hershey kung hindi dahil kay Drake!
Sikat kasi sa school namin yan si Drake kaya habulin ng babae. Kaya simula ng kulitin ako ng Drake nayan marami na akong nakaaway. Minsan nga may mga pasa pa ako bago makauwi sa bahay. Pero minsan din nililigtas niya ako. Kaya nga napagkakamalan kaming magsyota ng unggoy na yun eh!
" Pasalamat na lang talaga ako at hindi ko kaklase yung war freak na babaeng yun! "
" Uy Drake! Ba't parang hinihingal ka? " Anael
Ay! Bastusan ba toh? Dumating lang yang drake na yan iwan na ako sa ere?
" Muntikan na kasi akong malate. Daming babae dun sa hagdanan hindi ako makaalis. Buti na lang wala pa si ma'am. " Drake
Napatingin naman sakin si Drake... Oh anong problema ng lalakeng toh?
" Kaklase pala kita.. " Drake
" Ay hindi! Maniquin lang ako dito! Malamang kaklase mo! Tss! "
Sarap bungalngalin ng mukha niya!
" Sorry naman babe.... " Drake
Babe?!
" Sapak you want? "
Hindi na siya nakasagot kasi nandito na si ma'am.
Life saviour si Ma'am!
®®®®®®®®®®®®®®®®®®®
Hay salamat uwian na!
Nakakainis kasi yung Drake na yun eh!
################flashback#################
" Uy bes! Punta na tayong canteen, gutom na ko eh. " Anael
" Wait lang! Lagay ko lang gamit ko sa locker. "
" Sige hintayin kita sa canteen! " Anael
Sabi ko hintayin ako eh.. -__-
Ng matapos ko ng maglagay ng mga gamit sa locker dumiretso na ako sa canteen kasi gutom na talaga ako eh!

BINABASA MO ANG
UNDEVELOPED LOVE
Teen FictionHindi mo siya maintindihan, kasi sobrang magkaiba ang ugali ninyo.. Pero kailangan niyong magkasundo for the sake ng pamilya mo. Kailangan mong magpanggap na masaya ka sa kanya kahit hindi naman. Oh diba parang kakaiba lang. Yung iba dyan ang bilis...