“Love is, in fact, an intensification of life, a completeness, a fullness, a wholeness of life.” – Thomas Merton
🌹Chapter I: Intuition
"Sccccaaarrrr...Please don't! Wag kang bibitaw"
"Scar....wwwaaagggg"
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang pangalan ko. I have sensitive hearing kaya isang tawag lang ng maganda kong pangalan, agad-agad reresponde ang katawan ko. Tuluyan akong nagising sa aking dreamland ng narinig ko ang sigaw nitong aking minamahal.
"Philip, gumising ka! Hoy gumising ka pag hindi paliliguan talaga kita ng mainit na tubig" I slap his face side by side and kick him pero mahina lang, mahal ko ito no, pero sa kasamaang palad hindi pa rin siya gumigising. Binabangungot na naman siya at tulog mantika talaga ang gwapo! aber wala akong choice kukuha na lang ako ng mainit na tubig...
Pumunta ako sa kusina namin total ready naman ang mainit na tubig dahil kagabi ko pa ito sinaing. Bumalik ako sa kwarto matapos kong kumuha ng isang baso nito.
*buhos*
"The Fudge! Scar ang init, bakit mo ako binuhusan niyan? [he scoffed] anong nakain mo? " his voice sounded angry. Nagtitimpi siya. Ahahaha good. Ang cute talaga nitong mahal ko pag nagalit.
"Ayaw mong gumising, kung makatili ka pa naman para kang babae at masuwerte ka parin dahil kamay lang yang binuhusan ko at di pa masyadong mainit ang tubig" sagot ko ng nakapameywang, totoo namang hindi gaanong mainit sapagkat hinaluan ko rin ito ng malamig na tubig. Ang arte ng mahal ko.
"Napakasadista mo talaga, Ikaw kaya ang buhusan ko!" Hindi ako sadista, masokista ka lang talaga. Hahaha. I laughed at my own thought. Sabi nila biruin mo ang lasing, 'wag lang ang bagong gising but in my case, i love to tease Philip more lalo na' t ganito, he looks so handsome and innocent kapag binibiro ko siya.
"Spell mahal kita... P-H-I-L-I-P, please wag kanang magalit, chill ka lang bebeko" ternuhan ko pa ng puppy eyes. Xd. Kahinaan niya ito.
"Sos..nambubula ka lang" he said suppressing his smile. See, ang dali lang magbago ng mood ng mahal ko.
"Kinilig ka naman!" I tease him more.
Tumahimik siya saglit at nagiging seryoso ang mukha, hindi ko mabasa ang iniisip niya, natural wala akong super powers, pero isa lang ang alam ko, tungkol na naman ito sa akin.
"Philip okay ka lang ba? Masama ba ang panaginip mo? Bakit ka sumigaw? Tungkol na naman ba sa akin? Sumagot ka naman oh!" I desperately asked him hoping he'd answer me. Of course, ayaw ko siyang mabaliw kakaisip sa akin, kundi sobrang baliw. Hay naku, ako ata ang baliw.
Wala akong pakialam kung marami akong tanong. Ngayon ko lang napansin, naliligo siya sa pawis, pati buhok basang-basa na, hindi ako mapakali, napapadalas na ata ang kanyang panaginip.
"Ahh... Ok lang ako, wag mo na lang pansinin" he said absent-mindedly and then he's back at staring into blank space again.
Alam kung wala siya sa mood magkwento kaya tumahimik muna ako, alam ko ring ayaw niya lang akong sagutin dahil ayaw niya akong mag-alaala pero sana naman hindi na niya ililihim, handa naman akong makinig. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Ok, magbihis kana papasok ka pa sa trabaho mo"
*You and I were like fireworks and symphonies exploding in the sky
With you I'm alive
Like all the missing pieces of my heart they finally collide ~~*Sinagot ko ang tawag ng marinig ko ang ringtone na siyang sumisimbolo sa amin. Without Philip, I'm just a sad song. I'm like a half of a whole or maybe I am nothing without him.
"Hello? Goodmorning! Sino po to?"
"Talaga po, nakapasa ako?!"
"Thank you so much po, kailan po ako magstart ng work?
"Sige po maraming salamat talaga"
Awiiiiiii, ang saya saya ko. Walang mapaglalagyan ang kasiyahan ko. I'm so happy and bliss this day, knowing that in just a span of one day seeking for work, natanggap rin ako. Nawala ang pagkabahala ko saglit tungkol sa panaginip ni Philip dahil napalitan ito ng saya. Hindi naman sa pagmamayabang but we graduated with flying colors, kaming dalawa ni Philip. Ako sa engineering while siya naman sa architecture.
"Philip??" hinay- hinay akong lumapit sa kanya na may bakas pa rin ng kasiyahan sa mukha. Lumingon siya sa akin.
"Nangyari? Ba't ang saya mo?" he said non-chalantly.
"Philip kasi....eeeeehhhhh! Pa'no ba ito?" para naman akong batang nahihirapan magsumbong sa kanyang magulang. Hindi ko alam kung saan magsisimula dahil alam kong hindi na naman niya ako papayagan but for our sake, I need to convince him, with love.
"Just go straight to the point 'cause im gonna be late for work" he said while readying his coat and tie.
"Philip, nakapasa ako!"
"Pasa? For what?"
"Sa interview. I was selected as a supervisor sa Power Plant na ina-applyan ko. Matutulungan na kita, may maipagmamalaki na rin ako sayo. Don't you dare say No to this one. Kahit man lang ito Philip, just say yes. Ako na ang manliligaw sa'yo para dito please" I look at him with puppy eyes and pouted like a kid.
"T- talaga?"
Hindi ko alam kung guni-guni lang ba yon pero bakit siya nalungkot? Kinakabahan o natatakot?
"Teka bat ka malungkot, hindi kita mabasa. Ayaw mo ba? Please Philip, just this one. Pleeasseee"
******
WARNING: NOT EDITED
Ito po muna ah!Bat nga ba ganon si Philip? Sana masaya siya diba? Saan kaya magtratrabaho si Scar? Abangan!!
Siya nga pala, puro ka kornehan to at cliche. Kaya wag na kayong mag expect. Ang bata ko pa nung ginawa to, I was in my highschool at puro kadramahan lang alam ko kaya pasensiya na hahahaha****
This book is a work of fiction. All names, character, location and incidents are all products of author's imagination or have been used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead, locales or event is purely coincidential. Plagiarism is a crime.#1- misfortune [Feb. 6, 2019]
#1- reminisce [Feb. 7, 2019]
#2- sadsong (May 24, 2019)Happy 1K reads 💮😭💐🎉 (May 24, 2019) Taos-puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta nito 😭
BINABASA MO ANG
'Til Eternity [Completed]
Teen FictionTheir love is strong enough to break, even superheroes will cry, even death will bleed. Everything happens for a reason and I really wish I know that reason. Do I really deserve this kind of fate? This is not what I dreamed of being with her. I gue...